Romina’s POV “ROMINA! Iiwan na kita ang tagal mo!” Sigaw ng Kuya Mark ko. “Wait, ayan na ako!” Nataranta ako sa pagmamadaling lumabas ng kwarto at bumababa ng hagdan. Nakatayo malapit sa main door si Kuya Mark. “Ano ‘yang suot mo?” Kunot noong, may tonong inis na tanong niya sa akin. “Damit.” Pilosopong sagot ko. “Bakit ganyan?” Tanong pa uli niya. “Bakit anong mali sa suot ko?” Balik kong tanong. “Para kang pupunta sa party. Manonood ka lang naman ng basketball namin.” Kita maging sa facial expression niya ang disgusto sa suot ko. Niyuko ko ang sarili. Wala akong nakikitang masama sa suot ko. Naka black akong spaghetti strap top at printed layered mini skirt. A simple chic daytime wear. “Magpalit ka, bilis.” Utos ni Kuya Mark. “Ayoko!” Tantrums ko. “Huwag na!” Napatalon

