Ding’s POV “Si Twinkle? Papaanong nangyari ‘yun?” Tanong ni William sa akin. “Hindi ko rin alam kung bakit nagkagusto siya sa akin. Kung tutuusin mas matagal niyang kayong kakilala ni Jaime. Kung alam mo lang ang gulat ko ng magtapat siya sa akin. Imagine ang bata pa niya noon, ang lakas na ng loob!” Naalala ko ng halikan niya ako at sabihing gusto niya akong pakasalan balang araw. Hindi ko iyon sineryoso pero ng magsinungaling ito kay Tita Joey at umarteng parang may namamagitan sa amin. Doon ko na-realize kung gaano ito ka-bratinella. “Grabe ang tindi ng tama ni Twinkle sa iyo. Maintindihan ko pa yung ganyang mga confession of love. Normal yan sa mga teenagers pero kung sinasabi niyang hanggang ngayon may gusto pa rin siya iyo?” Naiiling na sabi ni William habang nagpupunas ng mga w

