Romina’s POV Padabog na lumabas ako ng kotse at pabagsak na isinara ang pinto. “Romina!” Pagalit na tawag sa akin ni Kuya. “Nagdadabog ka ba?” “Hindi!” Nilingon ko ang kapatid ko sabay irap. Sa dinami-dami ng araw bakit ngayon pa niya ako naisipang bigyan ng trabaho. Mamayang gabi na ang date namin ni Ding at kung alam ko lang na may iuutos pala siya sa akin, sana kahapon pa ako namili ng maisusuot ko mamaya. I even planned to spend my afternoon in a spa and have my nails done. Pero malabo nang matuloy pa iyon dahil kailangan ako ni Kuya. “Bakit hindi maipinta ang mukha mo? Hindi ba ito naman ang gusto mo ang magkaroon ng trabaho? Kaya huwag kang parang bata, nakakahiya sa naghihintay sa atin.” Sabi ni Mark na lumakad palapit sa akin. “Kasi naman Kuya, sana kahapon mo pa sinabi sa

