Romina’s POV “Pare wala naman ganyanan, mas mahigpit ka pa kay Mark.” Bahagyang namula ang mukha ni Christian, marahil napahiya. “Tama si Christian.” Kumampi ako sa date ko “Wala naman siyang ginagawang masama, inaalalayan lang naman niya ako.” Saglit na tinapunan ako ni Ding ng masamang tingin bago ito bumaling kay Christian. “I’m here para bantayan si Romina, ginagawa ko lang ang inaasahan ni Mark na gagawin ko. Keep your hands to yourself at wala tayong magiging problema.” I bit my inner lip. Nagawa ko mang pigilan ang pagngiti ko, hindi ko naman magawang itago ang pagkislap ng mga mata ko. “Don’t mind him.” I put my hand on Chrtistian’s arm. “Halika na kain na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh.” Hinila ko na si Christian papunta sa table namin. Nauna akong umupo at halos magka

