CHAPTER 17 🥰

2117 Words
HINDI na ako iniuwi ni Kierran sa condo ko. Nag-stay na kami sa Tagaytay. Parang wala nang tanong kung uuwi pa ba ako—at ako naman, hindi na rin naghanap ng dahilan para umalis. Tahimik ang gabi, malamig ang hangin, at masyadong malaki ang bahay para sa dalawang taong parehong ayaw munang mag-isa. Mahaba ang gabi. At halos walang pahinga. Parang bawat sulok ng bahay may alaala ng init at desisyong ginawa naming pareho. Sa pagitan ng mga sandali, nawawala ang oras—hindi namin binibilang, hindi rin iniisip kung tama pa ba. Naalala ko ang banyo ilang beses kaming nilabasan na para bang walang kapaguran ang mga katawan namin, ang pag akyat namin sa hagdanan na parehong nauwi sa mainit na tagpo kong saan bigla na lang niya akong pinaupo sa gitna ng hagdan at lumuhod para kainin ang p********e ko, ang kusina—kung paanong tinimplahan niya ako ng gatas at sinabing pampatulog daw. Tumawa lang ako, alam naming pareho na hindi antok ang dahilan kung bakit gising pa rin kami. Sa kama, na makailang s*x position—hanggang sa mapagod ang katawan at tuluyang bumagal ang mundo. Hanggang sa sa wakas, lamunin na lang kami ng antok. At sa katahimikan ng Tagaytay, doon ko naisip— may mga desisyong hindi mo pinagpaplanuhan, pero pinapasok mo pa rin. KIERRAN'S POV Dahil mag-uumaga na rin kami nakatulog, nagising ako ng halos alas-onse na ng umaga. Tahimik ang buong bahay. Pagmulat ko ng mata, agad kong naramdaman ang init—hindi dahil sa panahon, kundi dahil magkayakap kami ni Arielle. Kapwa kami hubad, pero hindi iyon ang unang pumasok sa isip ko. Siya. Napangiti ako nang makita ko ang mukha niya sa umaga. So beautiful. Napakaganda niya sa ganitong oras—walang ayos, walang pader, walang tapang na dala. Matangos ang ilong niya. Mahahabang pilikmata na bahagyang dumadampi sa pisngi niya habang mahimbing ang tulog. At ang pouty lips niya na parang laging handang magreklamo… o ngumiti. Matagal ko siyang tinitigan. At doon ko naramdaman— ang gaan. Ngayon lang sa buong buhay ko nangyari ’to. Yung paggising na payapa ang pakiramdam habang may nakapulupot na kamay ng isang babae sa akin. Walang guilt. Walang kaba. Walang urge na bumangon agad at umalis. Aminado ako—marami na akong nakasex na babae. Pero kay Arielle, iba. Hindi lang katawan. Hindi lang init. Yung tipong kahit tapos na ang lahat, hinahanap-hanap pa rin siya ng katawan ko. Parang may kulang kapag wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon, maingat para hindi siya magising. Hinila ko ang kumot at tinakpan siya, inayos ko pa iyon bago ako tuluyang tumayo. She stirred slightly… then settled back to sleep. Napangiti ulit ako. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Magluluto ako. Siguradong gutom ’yon paggising—hindi dahil sa oras, kundi dahil sa pagod. At sa simpleng bagay na ’yon, doon ko narealize— may mga umaga palang gusto mong simulan nang hindi nag-iisa. At may mga babaeng, kahit hindi mo planado… kusang nagiging dahilan para manatili ka. KATATAPOS ko lang magluto at inaayos ko na ang mesa nang maramdaman ko ang mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Napangiti ako. Hindi ako nagulat—parang alam ko na agad kung sino. Mainit ang yakap niya. Mahigpit pero hindi nagmamadali. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likod ko, parang natural na lang na doon siya pumwesto. “Good afternoon, Kier…” bulong niya, medyo paos pa ang boses. Sumunod ang pag-angat niya sa mga paa niya, saka ang marahang kagat sa leeg ko—hindi masakit, pero sapat para mag-iwan ng marka. Parang paalala na kahit tanghali na, pareho pa rin kaming hindi pa lubusang gising sa nangyari kagabi. Napatawa ako. “Good afternoon too, baby,” sagot ko, sabay harap sa kanya. Namumula pa ang mukha niya, bahagyang sabog ang buhok, at suot niya ang T-shirt ko na parang pinakamadaling bagay sa mundo. Ang ganda niya—yung klaseng ganda na hindi maingay, hindi pilit, pero tahimik na sumasakal sa dibdib. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ang labi niya—dahan-dahan, walang pagmamadali. Isang halik lang na puno ng lambing, parang sinasabi kong nandito lang ako. “Let’s eat,” sabi ko, noo ko nakadikit sa kanya. “Alam kong gutom ka na.” Ngumiti siya, pero bago pa siya makasagot, hindi ko napigilang tuksohin. “Pinagod kita kagabi.” Bigla siyang namula—mula pisngi hanggang tenga. “Kierran!” protesta niya, sabay hampas sa dibdib ko. Tumawa ako nang mahina, saka hinila siya palapit, hinawakan sa baywang—ingat, parang ayokong mabasag ang sandaling ’yon. “Relax,” sabi ko. “Tanghalian muna.” Bahagya akong ngumiti. “Mamaya na ’yung iba.” Umupo kami sa mesa—magkatabi, balikat sa balikat. Simpleng pagkain lang. Walang engrande. Pero sa tanghaling ’yon— habang suot niya ang T-shirt ko, habang magkadikit ang tuhod namin sa ilalim ng mesa— pakiramdam ko, sapat na. ARIELLE'S POV Pagkatapos naming maligo nang sabay, pareho kaming sandaling natahimik paglabas ng shower. Basa pa ang buhok ko, mainit pa ang balat ko, at pakiramdam ko—parang hindi pa rin talaga tapos ang lahat kahit lumayo na kami sa ilalim ng tubig. May mga bagay na hindi na kailangang banggitin nang detalyado. Sapat nang alam naming pareho kung bakit mabigat pa rin ang hinga ko at kung bakit parang ayaw pa rin bumitaw ng katawan ko sa kanya. Lumapit si Kierran sa likod ko, hindi nagmamadali. Ramdam ko ang presensya niya bago ko pa maramdaman ang mga kamay niya sa bewang ko—mahina lang, pero siguradong-sigurado. “Hindi ka pa rin ba tapos?” bulong niya, may halong tukso, may halong lambing. Bigla kong naalala ang isang napaka-importanteng detalye. “Kier,” sabi ko, napabuntong-hininga habang nakatingin sa salamin, “kasalanan mo ’to.” Umangat ang kilay niya. “Kasalanan ko na naman?” “Oo,” sagot ko agad. “Hindi mo ako iniuwi sa condo kagabi. Wala akong damit. Wala akong make-up. At—” tumigil ako sandali, saka ko siya tinignan. “—wala akong panty at bra.” Ngumiti siya. “So?” sabi niya, parang walang problema sa mundo. “So?” ulit ko. “Ano’ng isusuot ko palabas ng bahay mo?” Lumayo siya, binuksan ang cabinet, at may hinugot na T-shirt at shorts—parehong kanya. Inabot niya sa’kin. “No need for that,” sabi niya, kalmado. “Here.” Tinignan ko ang hawak niyang damit, saka siya. “Kierran…” “Nasa loob lang naman tayo ng sasakyan,” dagdag niya, parang nag-e-explain sa bata. “Ako lang makakakita sa’yo.” Huminto siya sa harap ko, ngumiti nang may dimples. “At wala akong reklamo sa magiging ayos mo.” Napairap ako pero hindi ko napigilang ngumiti. “Bwisit ka.” Tumawa siya, saka hinawakan ang baywang ko. “Dadaan naman tayo sa condo mo,” sabi niya, mas malambing na. “Doon ka mag-aayos." “Tsk,” sabi ko, sabay kuha ng T-shirt niya. “Kung hindi dahil sa’yo—” “—mas boring ang umaga mo?” singit niya. Tinignan ko siya. “Mas maaga sana akong naka-make up.” “Pero,” dagdag niya, yumuko nang bahagya para magpantay ang mukha namin, “hindi mo mararanasan ’to.” Hindi na ako nakasagot. Isinuot ko ang T-shirt niya—mahaba, malambot, amoy siya—at ang shorts. Ramdam kong sumusunod ang tingin niya sa bawat galaw ko. “O,” sabi ko. “Happy ka na?” Ngumiti siya. “Very.” At sa simpleng problemang ’yon—damit, make-up, oras— ramdam ko kung gaano na kami ka-komportable sa isa’t isa. PAGDATING namin sa condo ko, ako na sana ang didiretso sa closet—pero naunahan ako ni Kierran. As in literal. Binuksan niya ang cabinet ko na parang may karapatan, hinila ang ilang hanger, at nagsimulang maghalungkat na parang siya ang may-ari ng wardrobe ko. “Kierran,” tawag ko, naka-krus ang mga braso, “ano’ng ginagawa mo?” “Checking,” sagot niya lang, seryoso ang mukha. “Ayoko doon sa napili ni Keith.” Napakunot ang noo ko. “Ha? Bakit?” Tinapik niya ang isang damit na nakasabit pa. “Hindi pa nalabhan. Mangangati ka dun.” Napatawa ako. “Arte mo.” “Hindi,” sagot niya agad. “Practical.” May hinila siyang isang dress—simple pero elegante. Malinis ang hiwa, sakto ang haba. Hindi bastos, pero hindi rin boring. Yung klase ng damit na hindi sumisigaw, pero mapapalingon ka. Inabot niya sa’kin. “Ito.” Tinignan ko. Tapos siya. Tapos ulit ang damit. “Sure ka?” tanong ko. Tumango siya. “Babagay ’yan sa’yo.” Pumasok ako sa kwarto para magbihis. Paglabas ko, tahimik siya sandali. Yung tingin niya—hindi bastos, hindi rin pabiro. Parang sinusukat niya ang bawat detalye. “Sabi ko na,” bulong niya. Tumingin ako sa salamin. Kita ang hubog ng katawan ko, sakto sa height kong 5’7. Hindi ako mukhang pilit. Mukha akong… confident. Lumapit siya, huminto sa harap ko. “Perfect,” sabi niya. “Sakto sa’yo.” “Talaga?” tanong ko. “Yeah,” sagot niya, bahagyang ngiti sa labi. “At bagay kapag katabi ko.” Napailing ako. “May standard ka talaga.” “Of course.” Tumawa ako, pero may kung anong init sa dibdib ko. Hindi lang dahil sa damit. Kundi dahil sa paraan niya akong tignan— Habang abala ako sa pagme-make up sa harap ng salamin, napapansin ko si Kierran sa likod ko—hindi mapakali. Para siyang security inspector na may mission. Lahat ng pintuan sa condo ko binubuksan niya. Sinisilip , tinitingnan ang bintana. Pati yata ilalim ng mesa, chineck niya. “Kierran,” sabi ko habang nagba-blend ng foundation, “ano bang hinahanap mo?” “Wala,” sagot niya agad. “Tinitingnan ko lang.” “Lahat?” tanong ko, nakataas ang kilay. “Mm,” sagot niya, seryoso. “Lahat.” Napailing ako, bumalik sa salamin. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko siya narinig ulit—mas malapit na ngayon. “Bigyan mo ako ng keycard ng condo mo.” Napahinto ang kamay ko. “Ha?” napaangat ako ng tingin sa kanya sa salamin. “Why?” Parang simple lang ang sagot para sa kanya. “Because you’re my girl.” Nanlaki ang mata ko. “Kierran—” At parang hindi pa sapat iyon, dumugtong pa siya, kalmado lang. “Bibigyan din kita ng keycard ng bahay ko sa Tagaytay,” sabi niya. “And—” huminto siya sandali, parang iniisip kung alin ang uunahin. “May condo din ako sa Taguig at sa Quezon City. Ibibigay ko sa’yo ang password ng pintuan.” Nababa ko ang lipstick sa kamay ko. “Wait… what?” Tumingin siya sa’kin, parang nagtataka kung bakit ako nagugulat. “Para hindi ka na nagtatanong kung saan ka pupunta.” “Ano ka ba,” sabi ko, pilit tinatawanan ang kaba sa dibdib ko. “Ang bilis mo.” Ngumiti siya—hindi yung mayabang, kundi yung sigurado. “Hindi,” sagot niya. “Clear lang ako.” Tahimik akong nakatingin sa kanya sa salamin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—overwhelmed, kinikilig, o kinakabahan. “Hindi ka sanay, ’no?” tanong niya, mas mahina na ang boses. Umiling ako. “Hindi sa ganito.” Lumapit siya, inilagay ang kamay niya sa gilid ng vanity, hindi ako hinahawakan—pero sapat na para maramdaman ko ang presensya niya. “Masasanay ka,” sabi niya. “Hindi kita kukulitin. Pero gusto kong alam mong may lugar ka sa mundo ko.” Napatingin ulit ako sa sarili ko sa salamin. At sa unang pagkakataon— hindi ko agad tinanggihan ang ideya. “Alis na tayo,” sabi niya bigla, nakangiti pero may babala sa mata. “Baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo. Hindi na tayo aabot sa Fashion Week—sa kama ang bagsak natin.” Nanlaki ang mata ko. “Excuse me?” Lumapit ako at kinurot siya sa tagiliran. “Asal ka, Kierran.” Napatawa siya—yung tawang buo, walang pilit. Hinawakan niya ang kamay ko bago pa ako makapangalawang kurot. “Joke lang,” sabi niya, pero lumapit pa rin. “Medyo.” Napailing ako, pilit tinatago ang ngiti. “Sira ulo ka.” “Pero aalis na talaga tayo,” dagdag niya, mas malambing ang tono. “Ayokong magtampo si Keith. At ayokong ma-late ka.” Tinapik niya ang ilong ko. “Ready ka na?” Huminga ako nang malalim, kinuha ang bag ko. “Ready na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD