CHAPTER 14 🥰

2404 Words
KINABUKASAN, nagising akong may mabigat na eyebags pero at least… mas malinaw na ang utak ko kumpara kagabi. Still chaotic. Still stressed. Still avoiding pregnancy thoughts. But at least, humihinga na ulit ako. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, si Keith agad ang bumungad—fresh, naka-white crop top at wide-leg pants na parang hindi siya umiyak kagabi sa kakatawa sa problema ko. “Ay, gising na ang sleeping beauty!” she chirped, holding iced coffee. “Here, para sa’yo. You look like you fought for your life.” Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa. “Keith… bakit ba friend kita?” “Because I’m fabulous?” she winked. “And because you love me despite having a crush on my brother—” “KEITH!” She laughed and handed me the coffee. “So, today’s agenda…” tumuwid siya ng tayo, parang announcer. “Shopping!” “Shopping?” kunot-noo kong tanong. “Bakit biglaan? Hindi ba dapat nagpapahinga tayo?” “Nope.” She popped the P dramatically. “Kasi isasama kita tomorrow — night. “A-attend ka ng Bench Fashion Week.” Napahinto ako. “Ako?” “Oo,” sabi niya. “Model ako doon. Rarampa ako. So automatic, nandoon ka.” “Ayoko,” mabilis kong sagot. “Pagod ako.” “Hindi puwede,” sagot niya agad. “Bestfriend kita.” Napabuntong-hininga ako at napaupo sa sofa. “Keith… hindi ba puwedeng manood na lang ako sa pictures? O sa video? O sa imagination ko?” Umiling siya. “No. Kailangan mong lumabas.” “Teka lang,” sabi ko. “Hindi ba puwedeng magpahinga muna ako? Medyo sabog pa utak ko.” Tumingin siya sa akin—yung tingin na alam kong hindi ako papalusutin. “Exactly,” sabi niya. “Kaya kita isasama.” Tahimik ako sandali. Ayoko makipagtalo. Alam kong kahit anong dahilan ang ibigay ko, sasama pa rin ako. PAGDATING namin sa mall, doon ko lang narealize kung gaano na pala katagal mula nang huli akong gumala na hindi dahil may kailangan akong tapusin. Walang flight. Walang schedule. Walang nag-aantay. Just… lakad. “Relax ka lang,” sabi ni Keith habang hinihila ako papasok sa unang store. “Hindi ka bibili ng buong wardrobe. Isang outfit lang.” “Yan din sinabi mo last time,” sagot ko. “Umuwi tayong may tatlong bag.” She grinned. “Details.” Tahimik lang ang store. Puro neutral colors. Walang sumisigaw. Walang masyadong tao. “Okay,” sabi niya, may hinugot na sleeveless top. “Ito.” Tinignan ko. Simple lang. Puti. Malinis ang gupit. “Parang pang-ordinaryong araw lang,” sabi ko. Sinundan niya ng itim na tailored pants. “Keith,” sabi ko, “parang uniform ’to.” She raised an eyebrow. “Uniform ng taong mukhang composed kahit hindi.” Hindi na ako sumagot. Pumasok ako sa fitting room. Tahimik. Saglit akong huminga nang malalim. Paglabas ko, tumingin siya agad. “Okay,” sabi niya. “That works.” Humarap ako sa salamin. Hindi ako mukhang ibang tao. Mukha lang akong mas maayos kaysa kahapon. “Hindi ba boring?” tanong ko. She shook her head. “Hindi. Clean.” Tumango ako. “Fine. Kukunin ko na.” Sunod naming pinuntahan ang shoes. Hindi heels. Hindi rin sneakers na panglakad buong araw. “Comfort muna,” sabi niya. “Mahaba ang uupuan.” “Finally,” sagot ko. “May sense ka rin.” She smirked. “Hoy.” Habang nagbabayad kami, napansin ko na hindi na ganun kabigat ang dibdib ko. Nandoon pa rin ang kaba, pero hindi na siya sumisikip. “Keith,” bigla kong sabi, “sigurado ka bang okay lang na pumunta ako?” Tumingin siya sa’kin. “Hindi mo kailangang maging okay.” Huminto siya saglit bago magdagdag. “Kailangan mo lang magpakita.” Tumango ako, kahit hindi ako sigurado kung para kanino ba talaga ’yon—para sa kanya o para sa sarili ko. PAGKATAPOS naming bumili ng damit, dumeretso kami sa isang mamahaling restaurant. Tahimik. Cozy. Elegant. Yung tipo ng lugar na hindi ka minamadali at parang sinasadyang ilayo ka sa ingay ng mundo. Private siya. May pagitan ang bawat mesa. May warm lights. May soft music na halos hindi mo marinig. Pagpasok pa lang namin, sinalubong na agad kami ng staff. Maayos. Magalang. Walang tanong, parang alam na nila kung saan kami dadalhin. “In here, ma’am,” sabi ng hostess. In-assist niya kami papunta sa isang bakanteng mesa sa dulo. Medyo tago. Walang katabing upuan. Sakto kung gusto mo lang kumain nang tahimik at hindi makita. Perfect. Pauupo na sana kami— nang bigla akong napatigil. Sa may entrance ng restaurant, may pumasok. Si Kierran. Maayos ang bihis. Relaxed ang tindig. Parang sanay sa mga ganitong lugar. At may babae sa tabi niya. Nakasuot ng elegante. Maayos ang buhok. Maganda. At ang kamay niya—nakapulupot sa braso ni Kierran. Hindi basta hawak. Yung kapit na parang sinasabing kasama niya ako. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Napahinto ang galaw ko. Hindi ko agad namalayan na nakatayo lang pala ako, hawak ang upuan. Of course. Babaero talaga. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakainis—yung makita siya, o yung maramdaman na parang wala lang sa kanya ang lahat. Si Kierran, tumingin sa paligid. At sa sobrang malas ng mundo, napatingin siya sa direksyon namin. Nagtagpo ang mata namin. Saglit lang. Isang segundo. Pero sapat para bumigat ang dibdib ko. Wala siyang ngiti. Wala ring gulat. Parang… expected. Parang normal lang. Mas humigpit ang kapit ng babae sa braso niya, halatang napansin ang tinginan na hindi niya naiintindihan. “Elle?” mahinang tawag ni Keith. Doon lang ako huminga ulit. Umupo ako sa upuan ko, pilit inaayos ang mukha ko na parang wala lang. “Okay ka lang?” tanong niya, nakaupo na rin. Tumango ako agad. “Oo.” Mabilis. Masyadong mabilis. Hindi na siya nagtanong. Sa gilid ng mata ko, nakita kong naglakad na papasok si Kierran kasama ang babae. Magkasabay. Magkadikit. Parang walang dapat ipaliwanag. Tinignan ko ang menu kahit wala akong binabasa. Abala pa rin ako sa menu, kunwari may binabasa, kunwari may pinag-iisipan—kahit ang totoo, wala na akong naiintindihan. Bigla kong naramdaman na may tumigil sa tapat ng mesa namin. Isang presensyang hindi ko kailangang tingnan para makilala. “Keith.” Bumagal ang hinga ko. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. Nakatayo si Kierran sa tabi ng mesa namin, relaxed, parang normal lang na nandito siya. Parang hindi ko siya iniwasan. Parang walang nangyari. “Hey,” sagot ni Keith, casual lang. “Kailan ka dumating?” “Kanina lang,” sagot niya. “From Palawan.” Tumango si Keith, saka parang may naalala. “Oh—may kasama ka pala.” Sumulyap siya sa babaeng nasa tabi ni Kierran. Ngumiti nang magalang. “Hi,” sabi niya. Ngumiti rin ang babae. Maayos. Polite. Yung ngiting pang-social events. Doon ko lang napansing mas malapit pa sila kaysa kanina. Nakapulupot pa rin ang kamay ng babae sa braso ni Kierran, parang walang balak bitawan. “By the way,” sabi ni Keith, saka tumingin sa akin. “Kuya, si Arielle—kaibigan ko.” Parang may huminto sa paligid. “Arielle,” dagdag niya, sabay balik ng tingin kay Kierran. “Kuya ko.” Tahimik. Ramdam ko ang bigat ng tingin ni Kierran sa akin. Hindi ako agad tumingin pabalik. Hindi ko alam kung kaya ko. Pero nang sa wakas nagtagpo ang mata namin— parang may kung anong kumislot sa dibdib ko. “Hi,” sabi niya, mababa ang boses. “Hi,” sagot ko. Maikli. Maayos. Walang emosyon. At least, yun ang gusto kong paniwalaan. “Didn’t expect to see you here,” dagdag niya. “Same,” sagot ko. “Wait…” napatingin ako kay Keith, kunwari naguguluhan. “Magkakilala kayo?” Tumango siya agad, parang casual lang. “Of course,” sabi niya. Kunwari lang. Alam naman niya ang buong istorya namin ng kuya niya. Tumayo siya nang bahagya at ngumiti kay Kierran. “Sabayan niyo na kami, kuya.” At doon nagsimula ang lahat. Hindi pa man ako nakakareact, hinila na ni Kierran ang upuan sa tabi ko at umupo agad. Walang tanong. Walang paalam. Parang natural lang sa kanya ang pwesto niya—parang doon talaga siya dapat. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ramdam ko ang init ng braso niya. Ang lapit. Sobrang lapit. “Sure,” sabi niya, relaxed. “Why not.” Tumingin siya sa akin, saka ngumiti—yung ngiting hindi ko alam kung para kanino. “Yes, I know her,” sabi niya bigla, malinaw ang boses. “Actually…” bahagya siyang huminto, parang sinasadya ang timing. “She’s my girlfriend.” Parang may bumagsak na plato sa isip ko. Nabigla kaming pareho ni Keith. “Ano?” sabay naming nasabi. Nanlamig ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Tumahimik ang mesa. At ang babaeng kasama niya— Nanlaki ang mata. Namula ang mukha. Parang hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya. “How dare you?” sabi niya, nanginginig ang boses. “What are you saying?” Tumayo siya agad, galit na galit. “You told me—” “Relax,” putol ni Kierran, kalmado pa rin. Sobrang kalmado. “You’re overreacting.” Napatingin ako sa kanya. Gusto kong magsalita. Gusto kong tumayo. Gusto kong itama ang lahat. Pero walang lumalabas sa bibig ko. Girlfriend? Keith looked at me, gulat at galit, pero pinipigilan ang sarili. “This is not funny, Kierran,” sabi niya, mababa ang boses. “Anong ginagawa mo?” Ngumiti si Kierran na parang wala lang. “Just stating facts.” Hindi ko na kinaya. Tumayo ako. “Enough.” Lahat sila napatingin sa akin. “Hindi ako girlfriend mo,” diretso kong sabi, kahit nanginginig ang dibdib ko. “At lalong hindi ako parte ng kung anong laro ’to.” Saglit siyang tumahimik. Tinitigan lang niya ako. Pero sa mata niya, may kung anong hindi ko mabasa. “Sit down, Arielle,” sabi niya, mahina pero may bigat. Mas lalo akong nainis. “Don’t tell me what to do.” Tahimik ulit. Ang babaeng kasama niya, kumuha ng bag niya, nanginginig sa galit. “This is disgusting,” sabi niya. “Both of you.” Umalis siya nang hindi na lumingon. Naiwan kaming tatlo sa mesa. “Nababaliw ka na ba?” singhal ko kay Kierran, hindi ko na napigilan. “Habulin mo ’yung babae mo. ’Wag mo nga akong pagtripan.” Tumingin siya sa akin, seryoso na ngayon. Hindi na yung kaninang parang naglalaro lang. “She’s not my girl,” sagot niya. Napatawa ako. Isang maikling tawa na walang saya. “Talaga? Kasi kanina parang sawa na siyang nakapulupot sa ’yo.” Napasinghap si Keith sa tabi ko, pero hindi siya sumingit. “Hindi ako babaero,” mariing sabi ni Kierran. Napailing ako. “Hindi? Anong tawag mo doon sa babae kanina? Interior design?” Humigpit ang panga niya. “Stop it.” “Why?” balik ko. “Ayaw mo bang sinasabi ko lang ang totoo?” Sandaling tumahimik si Kierran. Tinitigan niya ako—hindi galit, hindi rin amused. Parang may sinusukat. “Relax,” sabi niya, mas mababa na ang boses. “How are you?” Napakunot ang noo ko. “Excuse me?” “Kailangan nating magpa-check up,” dugtong niya, parang normal lang ang sinasabi niya. “Paano pala kapag buntis ka?” Parang may sumabog sa dibdib ko. “Ano?” halos mapasigaw ako. “Don’t you dare.” Diretso niya akong tinitigan. “Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang anak ko.” That was it. Hinampas ko siya sa kamay—malakas. Walang pag-iisip. “HUWAG MO AKONG PANGUNAHAN,” gigil kong sabi, nanginginig na ang boses ko. “Wala kang karapatang magsalita ng ganyan!” Mahina lang ako pagkakasabi ko pero may diin. Ayaw kong makaagaw kami ng pansin sa ibang tao sa loob. Keith stood up agad. “Okay. Tama na ’to,” sabi niya. “Kuya, sobra ka na.” Tumayo rin si Kierran. “I’m just being realistic.” “Hindi,” balik ko, pilit pinipigil ang luha. “You’re being arrogant.” Saglit siyang natahimik. Tinitigan niya lang ako, parang may gustong sabihin pero pinipigilan. “I’m not going anywhere,” sabi niya sa huli. “At hindi rin ako papayag na itaboy mo ako.” Tinignan ko siya diretso sa mata. “Hindi mo ako kontrolado, Kierran. At lalong hindi mo kontrolado ang katawan ko.” Biglang natawa si Keith. Yung tawang hindi mo alam kung seryoso o trip lang—pero halatang may balak. “Alam n’yo,” sabi niya habang nakatingin sa aming dalawa, “kailangan n’yo nang mag-usap na kayong dalawa.” Tumayo si Keith, naka-krus ang mga braso, parang nanonood ng eksena sa pelikula. “Kuya Kier,” sabi niya, kalmado pero diretso, “alam ko na ang mga nangyari sa inyo. Simula pa sa Isla Mahayhay.” Nanlaki ang mata ko. “KEITH—” Pero hindi siya tumigil. “And you know what?” ngumiti siya, may halong biro at kilig. “Gusto kitang maging sister-in-law.” “ANO?” sabi ko. She clapped her hands once. “Oo. Bestfriend na kita, sister-in-law pa. Jackpot.” Napailing ako. “Keith, tigilan mo ’yan—” “At kung sakaling nakabuo na kayo,” dagdag niya, parang mas lalo pang ginagatungan ang apoy, “imagine mo ’yon— may instant pamangkin ako." Sabay tawa. May kilig. May arte. “Okay, bye,” sabi niya bigla, hawak ang bag niya. “Mag-usap kayo. Kita tayo bukas sa Fashion Week.” “What?!” napasigaw ako. “Keith, wag mo akong iwan dito!” Tumalikod na siya, naglalakad palayo. “Relax,” sigaw niya pabalik. “Hindi kayo magpapatayan. Siguro.” Tumayo ako agad para habulin siya— pero biglang may humawak sa kamay ko. Mahigpit. “Don’t,” sabi ni Kierran, mababa ang boses. “Hayaan mo siya.” Tinignan ko siya, galit at gulat. “Bitawan mo ako.” Hindi siya bumitaw agad. Sa halip, humakbang siya palapit. “Kailangan nating mag-usap, Arielle,” sabi niya, seryoso na. Nakita ko si Keith sa malayo, kumaway pa bago tuluyang mawala sa pintuan ng restaurant. Great. Naiwan ako mag-isa. Kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD