"Bro,tama na yan. ,sige ka kapag bumalik si Madam Ganda at nakitang ganyan ang ayos mo iiwan ka uli nun. ,tapos makikita niya ako na gwapong gwapo pa rin. . ,naku!walang sisihan kapag sa akin sumama yun. ,sabi ni Jayson habang tinatapik tapik ang aking balikat. Ipiniksi ko naman ang aking balikat para alisin ang kamay niya dito." Tangina mo. ,ibaon kita ng buhay diyan tingnan ko lang kung may magka-interes pa diyan sa sinasabi mong kagwapuhan mo. ,sabi ko naman na tinawanan lang ng gago. Tiningnan ko ang bote ng alak na hawak ko na wala na namang laman. Pang-ilang bote ko na ba ito pero bakit parang hindi ako nalalasing. Gusto kong malasing. ,gusto kong maging manhid sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kasi kaya. . ,ang hirap hirap na wala siya sa aking tabi. Ang galing naman niyang

