Marahan kong hinaplos ang aking tiyan na ngayon ay malaki na. Isang buwan na lang ang hihintayin ko makikita ko na ang aking anak. Limang buwan ko na siyang hindi nakikita,nakakasama. . ,ang ama ng anak ko. Mabuti na lang at hindi naging mahirap sa akin ang pagbubuntis. Wala naman akong naramdamang craving sa kung anumang weird na pagkain siguro nararamdaman ng anak ko na wala ang ama niya sa aking tabi para pagbigyan ang kung anumang sakaling magustuhan niya. Hindi ko naman akalain na tatagal ng ganito ang pagkakalayo namin. Two months lang dapat kaya lang nung babalik na dapat ako sa kanya nagkaroon ng malaking problema si Aileen at ang asawa niya at dahil siya ang naging karamay ko nung mga panahong naguguluhan ako sa sarili ko ipinasya kong manatili sa tabi ni Aileen. Sinubukan ko si

