Kanina pa ako tawa ng tawa sa pag-aasaran ni Jayson at Ara. Kahit medyo dim ang ilaw nakikita kong pulang pula na ang mukha ni Ara tanda na pikon na siya. Si Jayson naman ganadong ganado na asarin si Ara.
Andito kami sa boardwalk,dito nila napagkasunduang i-celebrate ang pagkapanalo nila ngayong gabi. Tuwing magpi-fiesta kasi ginagawa itong parang night market. Tabi-tabi ang nagtitinda ng mga pagkain kasama na ang pulutan at mga inumin. May mga upuan sa tapat ng mga tindahan. Sa tapat naman ng mga tindahan merong stage kung saan merong banda na tumutugtog,pwede ka ring mag-request. Dito nila piniling sa dulo pumwesto kasi maiingay daw sila.
Pagdating palang namin umakit na kami ng atensiyon. Ikaw ba naman may mga kasamang gwapo. Kami lang ni Ara ang babae dito pero maya maya lang may mga lumapit na ring ilan.
"Iinom ka ba?. ,tanong ko kay Jaypee. Kumakain pa kasi kami,napagod daw sila kaya kakain muna bago iinom.
Tumingin siya sa akin.
"Konti lang,ihahatid ko pa kayo ni Ara. ,
"Saan ba tumutuloy ang mga kasama mo? Hindi ba kayo maaabala sa mga work niyo kasi ang sabi every other night ang laro niyo. ,tanong ko sa kanya.
"Alam na nila yun,actually lahat sila naka-indifinite leave. ,baka nga sa mga sumunod na araw andito na mga girlfriends niyang mga yan. ,sabi niya.
"Talaga!? Eh ikaw baka mamaya may sumugod na lang ditong girlfriends mo ha,ayokong masabunutan. ,sabi ko sa kanya.
"Girlfriends talaga?! Ikaw talaga. ,sabi ko naman sa iyo. ,ikaw pa lang sobra sobra na bakit pa ako maghahanap ng iba,di ba?. ,sabay kindat niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi.
"Woooohh!!!! Grabe,bro. . ,ang cheesy mo. . ,ang corny pa. ,biglang sabi ni Jayson. Napatawa naman ang iba pa naming kasama.
Hinila ko naman ang kamay ko na hawak niya. Pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Napayuko na lang ako. Nakakahiya kaya!
"Gago ka talaga,Jayson! Tigilan mo kami ha. ,kapag ikaw talaga tinamaan tingnan mo. ,pagtatawanan ko din mga gagawin mo. . ,sabi niya kay Jayson.
Ngumisi naman ito sabay humalukipkip.
"KUNG makikita mo. . . . ,ASA ka bro. . ,tatawa tawang sagot nito.
Napaismid naman si Ara sa sinabi nito. Hindi naman ito napansin ni Jayson.
"Hindi ba sila maiinip dito?. . ,tanong ko kay Jaypee. Napatingin naman siya sa akin. "Yung mga kasama mo,hindi ba sila maiinip dito kasi alam mo na probinsiya ito. ,
"Hindi naman. ,we've had enough of city life. Mas maganda mga yun mararanasan nila yung buhay dito. Besides pagdating pa lang namin sabi nila maganda naman pala dito. Don't mind them mababait naman yang mga yan at saka marunong makisama. They'll survive. . ,sabi naman niya.
Napatawa naman siya sa sinabi ko. Napatingin naman siya sa akin.
"Kung maka-they'll survive ka naman diyan. . para kang ewan. ,
"Eh kasi naman parang masyado kang nag-aalala sa kanila,malalaki na kaya yang mga yan. ,salubong ang kilay na sabi niya.
Huh! Galit ba siya? Nagtatanong lang naman ako. ,masama ba yun?
"Are you mad?. tanong ko sa kanya?
Hindi naman siya umimik. Hala naman siya!
Lumapit ako sa kanya ng konti,hindi pa rin niya ako pinapansin. Nakatingin lang siya dun sa mga babaeng kumakanta sa stage. ,napangiwi naman ako ng makita ko ang suot ng mga babaeng yun. Sobrang iksi ng shorts nila para namang makikita na ang iniingatan nila pag nagkamali sila ng kibo. Tapos parang mga naka-bra lang sila. Pero in fairness naman sa kanila mapuputi naman sila tsaka magaganda. Kaya pala tumahimik sila kasi lahat pinapanood yung nga babaeng yun.
Tiningnan ko si Jaypee nakatingin din siya doon sa nga yun. Parang nakangiti pa nga siya. Talaga nga naman ang mga lalaki,pag nakakita ng legs at dibdib nakakalimutan lahat. Sarap bulagin nito hindi pa nga kami nangangaliwa na.
Tumayo na lang ako,mabuti pa yata maglibot na lang ako. Naiinis ako at alam ko ang sarili ko pag naiinis ako. . ,i'm impulsive. Ayaw kong may masabi at magawa ako na baka pagsisihan ko kaya kailangan kong kumalma.
Dinampot ko ang bag at pamaypay na dala ko. Napansin naman ako ni Ara kaya tumayo din siya. Nakita kong napatuwid ng upo si Jaypee. Hindi naman kami napansin ng iba.
"Saan ka pupunta,Jade? Uuwi na ba tayo?. ,tanong ni Ara.
Ayaw kong magsalita at mukhang napansin naman yun ni Ara. Dinampot din niya ang mga gamit niya napansin naman yun ni Jayson. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin,kay Ara at kay Jaypee na ngayon ay nakatayo na.
Nanginginig ang mga aking mga kalamnan sa inis. Kahit ako sa sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito ako. Nagkakaroon ako ng ideya pero pilit kong isinasantabi yun.
Nakakainis!
"Ahm! Guys,mauuna na kami ha?. ,gabi na rin kasi. ,congrats uli ha!. ,paalam ni Ara sa kanila.
Saka pa lang tumingin sa amin yung iba namang kasama. Tumango naman sila at ngumiti sa amin.
"Ihahatid ko na kayo. ,sabi ni Jaypee.
"No,huwag ka ng mag-abala. ,mariin kong tanggi sa kanya. Napatingin naman silang lahat sa akin. Nawala ang ngiti nung iba."Sige,mauna na kami! ,congrats uli ha! . ,sabi ko sa mga kasama niya. Hindi na ako nag-abalang sulyapan ang katabi ko.
Nauna na akong naglakad kay Ara. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Tumabi sa akin sa paglalakad si Ara.
"May problema ba Jade?. ,tanong niya.
Umiling lang ako. May problema nga ba? Naiiyak ako sa inis. Masama ba yung tinanong ko para hindi niya ako kibuin? Masama bang maging concern sa mga kasama niya.
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero hindi ako inintindi. Napalingon naman si Ara. Medyo binilisan ko ang paglalakad. Napasunod naman si Ara. Nakangiti pa siya.
"Anong nakakatawa,Ara?. ,taas ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Ikaw? Para kang timang. ,bakit ba parang kulang na lang tumakbo ka na? Ano bang problema niyo ni Jaypee?. ,
Hindi na lang ako sumagot sa tanong niya. Baka kung ano pa ang masabi ko. ,ang lakas pa naman nito mang-asar.
Itinaas ko ang aking kamay para tumawag ng tricycle pero may humawak sa kamay ko at ibinaba yun. Alam ko naman kung sino kasi narararamdaman ko. Binawi ko ang kamay ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak dito.
"Bitaw!. ,mariin kong utas sa kanya.
Hindi siya umimik at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.
"Isa. . . ,napatingin siya sa akin.
"Dalawa. . . . ,
"Tatlo. . . . ,kapag hindi ka bumitaw---
"Tangina naman talaga,talaga yatang under ako ah. . ,bulong niya.
Pabulong bulong pa narinig ko naman! Kinagat ko ang aking mga labi. Ipinagpag ko ang aking kamay para mabitawan niya pero humigpit lang ang hawak niya dito.
"Huwag ka ng magpumilit hindi kita bibitawan. Kahit anong mangyari,kahit magalit ka pa hindi kita bibitawan. ,kung ako sa iyo titigil na ako kasi baka hindi ako makapagpigil makalimutan kong teacher ka halikan kita dito. . ,at pag nangyari yun wala ka ng kawala sa akin. ,
Napasinghap ako sa sinabi niya. Okay lang naman yung wala na kong kawala sa kanya pero yung hahalikan niya ako dito sa maraming tao. Ayoko yata nun. . ,first kiss ko maraming audience. ,sinuswerte naman sila.
"Ah,tangina naman! Tumigil nga. . ,bakit siya tumigil?. ,
Parang gusto kong humagalpak ng tawa. Akala naman niya! Style niya bulok.