Chapter 23

851 Words
Napapabuntung hininga na lang ako habang paminsan minsan ay nagtatakip ng tenga ko. Paano ba naman kasi pakiramdam ko basag na basag na talaga ang eardrums ko sa lakas ng tili ng mga babae tapos ang mga lalaki naman grabe din kung makasigaw. Eto ngang katabi ko nakakapikon na. ,masakit na braso ko sa kakahampas niya. Bawat tili niya,hahampasin ako sa braso,kumusta naman kaya ako nito bukas. Sabagay hindi ko sila masisisi worth naman na mawalan ka ng boses bukas kung ganito ang mapapanood mo. Bukod sa ang guguwapo nila talaga namang magagaling pala silang maglaro. Kanina nga halos malaglag ang panga ni Ara nung ipakilala sa kanya yung mga player. Oo sa kanya lang,si Jaypee kasi hindi man lang ako pinakilala sa mga yun. Kaya ito busog na busog ang bruha. ,naging sadista nga lang. "Oh my god!!!!! Jade,ang gagaling naman nila. Tingnan mo matatapos na ang laro pero ang laki pa rin ng lamang nila doon sa mga taga-Labo. Shhheeet!! Ang guguwapo pa. ,halos maihi na yata sa kilig na sabi niya. Totoo naman magagaling talaga sila. Kaya lang alam niyo na bias ako para sa akin isa lang ang magaling,ang aking hari. Napailing na lang ako sa aking naisip. Tumingin ako sa court sakto namang hawak ni Jaypee ang bola. Napatingin siya sa akin at ang walanghiya kinindatan ako. Nag-init naman ang pisngi ko sa ginawa niya. Hinampas hampas na naman ako ni Ara. "Aaayyyiiie!!! Ikaw na talaga,Jade. . ,ang haba ng hair mo. . ,my queen. ,tukso pa niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sinundan ko ng tingin si Jaypee habang tumatakbo hawak ang bola. Pumwesto siya sa may three point slot at muling tumingin sa akin. He mouthed the word I love you bago tumalon at itinapon ang bola. Napatawa na lang ang kalaban niya na humaharang sa kanya tapos tumingin sa gawi ko. Napayuko naman ako. Lalong lumakas ang hiyawan ng tao kasi... Pumasok yung bola. ,sabay tunog ng buzzer hudyat na tapos na ang laro. Panalo sila. Talon ng talon si Ara kasabay nung mga nasa likuran namin na mga babae. Kanya kanya silang sigaw ng pangalan ng mga player. Jayson!! Jayson!! Pa-picture!!!! Alvin,pa-picture naman!! Sir Jaypee!! Pa-picture naman po hindi naman po siguro magagalit si Madam. !! Ano daw??? Nilingon ko naman ang grupo na sumigaw nun. Napailing naman ako sa mga kabataang ito. Bilib din ako sa kanila kaya nilang isigaw yun. Ako kasi hindi ko kaya yun hanggang tili lang ako sa player na gwapo. Lumapit sa akin si Jayson habang nagpupunas ng pawis. Natahimik naman ang katabi ko. "Okay ba yung laro namin,Madam Ganda?. ,sabay kindat niya sa akin. "Oo naman,ang gagaling niyo nga eh!. ,congrats ha!. ,sabi ko sa kanya. Tumingin ito sa katabi niya at ngumisi. Tumalikod ito at bumalik sa gawi ng mga kasama niya na panay naman ang pa-picture sa mga kababaihang lumalapit sa mga ito. "Naku! Ang yabang talaga,akala mo naman ang galing-galing niya. . ,hhmmp!!. ,bulong ng katabi ko. "Magaling naman talaga ah! Ayaw mo lang kasi aminin. ,denial princess ka talaga!. ,sabi ko sa kanya. "Ay,wow! Naman,te! Kumusta naman kaya ang pagiging denial princess ko kumpara sa iyo?. ,nakahalukipkip na tanong niya sa akin. "Shunga ka talaga! Kaya nga princess ka lang kasi ako yung queen,gets mo na??. ,taas kilay naman na tugon ko sa kanya. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Napatingin pa yung ilang players na malapit sa amin sa pagtawa niya. "Talaga lang ha! Pinanindigan mo na talaga ang pagiging queen mo ha!. , "Naman! Wait mo lang i'm going to claim my throne ASAP. . ,kinindatan ko siya pagkatapos kong sabihin yun. Napatulala pa siya sa harap ko pero maya-maya lang tumili siya. "Oh my god!!!!! Really. . ,!!! . ,congrats in advance. . , Napatingin naman lalo ang ibang player sa kanila. Nakangiti ang mga ito. Tinakpan ki tuloy ang bibig ni Ara. Nakakahiya talaga itong isang ito. "Ano ba naman kasi,kung makatili ka naman wagas. , Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa aking bewang. Nanginig naman ako kaya nabitiwan ko ang bibig ni Ara. "What's wrong,my queen?. ,tanong ni Jaypee. Napapikit naman ako sa pagkakalapit naming dalawa. Naramdaman kong basa siya ng pawis. Pero naman,grabe! Bakit ang bango bango pa rin niya. .Humarap ako sa kanya. "Ahm. . ,wala naman tinakpan ko lang yung bibig niya kasi ang ingay ingay niya. Tapos na yung laro tumitili pa siya. ,hinaplos ko ang buhok niya. Napangiti naman siya."Pawis na pawis ka na. ,akina nga yang towel mo pupunasan kita. ,sabi ko. Binigay naman niya sa akin ang towel. Pinunasan ko ang bandang leeg niya. Nakangiti lang siya sa akin. "Lintik,bro! Kaya pala nawiwili ka dito. . ,may nag-aalaga na sa iyo!. ,sabi ng isang player na kasama nila. "May kapatid ba yan? Ipakilala mo naman ako. , "Ewan ko sa iyo! Gusto mong sumugod dito si Athena. . ,sabi naman dito ni Jaypee. Napakamot naman ito sa batok niya. Nagtawanan naman ang mga kasama nito. "May kapatid siya pero para sa akin nag-iisa lang siya. . . ,she's my one and only queen". ,dugtong pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD