Chapter 22

1148 Words
Palinga-linga kami ni Ara para maghanap ng mauupuan. Ang daming tao sa loob ng Roy Padilla Sr. Stadium. Ilang araw na rin ng magsimula ang paliga ng basketball. Ngayong gabi ang unang laban ng grupo nina Jaypee kaya manonood kami. Atat na atat na kasi si Ara na makita kung paano maglaro si Jayson katwiran niya para maasar daw niya. Sus! Kunwari pa kung di ko pa alam. ,denial queen na din ang peg nitong isang ito eh. Nagulat naman ako ng may kumalabit sa akin. ,nang lingunin ko nakangiti sa akin ang co-teacher namin na si James. Si James eh kasabay kong natanggap sa Jose Panganiban National Highschool. Nanligaw siya sa akin pero hindi ko naman siya pinaasa simula pa lang tinapat ko na siya pero sabi niya hayaan ko na lang siya hanggang sa magsawa siya. Gwapo naman siya,mula rin siya sa mayamang pamilya. Hindi siya taga-Panganiban. ,taga-Paracale siya. Nakasuot siya ng itim na v-neck shirt tsaka maong na shorts. "O,James manonood ka rin ba?. ,tanong sa kanya ni Ara. "Oo,kayo? Kadarating niyo lang ba? . ,sagot niya kay Ara pero sa akin siya nakatingin. "Oo eh,naghahanap nga kami ng mauupuan. ,bakit ba ang aga pa ang dami ng tao?. ,parang artista night lang ah!. ,sabi ni Ara. Iniwas ko ang tingin kay James. Naaasiwa kasi ako sa tingin niya. "Oo nga eh,paano kasi sabi yung kalaban daw ng Labo eh mga gwapo daw tsaka mga taga-Manila kaya ayan. Pansin mo karamihan mga babae ang manonood. ,teka! Doon na lang kayo sa may banda sa amin kasama ko yung iba nating co-teacher. Alam mo naman yung mga yun mahihilig sa gwapo. ,sabi niya. Napatango na lang kami sa kanya. Sumiksik na kami sa mga tao. Ang init grabe! Mabuti na lang naisipan naming magdala ng pamaypay ni Ara. Nang marating namin ang pwesto nila nakita nga namin ang iba naming co-teachers karamihan yung mga dalaga. Nakita ko din si Emma,nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Alam ko kasi may gusto siya kay James kaya lang ito kasing isang ito ayaw namang tumigil sa panliligaw sa akin. Hindi na siya pumupunta sa bahay pero sa school doon naman siya nanliligaw. Lumayo na lang ako ng konti kay James pero pag minamalas ka nga naman 3 na lang ang bakanteng space yung nasa tabi pa ni Emma. Gustuhin ko mang lumipat hindi na pwede kaya ang nangyari si Ara tumabi kay Emma tapos hinila niya ako patabi sa kanya kaya nasa tabi ko si James. Lalong napasimangot si Emma. ,napabuntung hininga na lang ako. Maya-maya pa naghiyawan na ang mga tao. Nakita naming may mga pumasok ng player marahil ito na yung mga makakalaban nila. In fairness ang tatangkad nila tsaka ang popogi din. Pero siyempre mas pogi yung king ko sa kanilang lahat. "Ang tagal naman dumating nung kalaban. ,gusto ko talagang makita mg personal si Enrico Jaypee Villanueva. ,ang gwapo gwapo niya kasi sa picture tsaka ang balita single pa daw yun. ,narinig naming sabi ni Emma. Tiningnan naman ako ni Ara ng makahulugan sabay ngumisi. Hindi siya umimik pero hindi ko gusto yung pagkakangisi niya. Napatakip na lang ako ng tenga ng bigla na lang nagtilian ang mga tao. May mga tumayo pa habang tumitili. Sina Emma nga tumayo pa at nakitili na rin. Feeling ko mababasag ang eardrums ko nito. Taun-taon may ganito pero ngayon lang nangyaring naging ganito ka-wild ang mga manonood and come to think of it ni hindi pa nga nagsisimula ang laro. Panay naman ang iling ni James habang nangingiti. Shhiiitt!!! Ang guguwapo nila!!! Ay grabe parang hindi ako makakatulog nito!! Oh my god! Umuulan ng gwapo. ,ang swerte naman natin!!!! Shit! Para silang mga greek god! Ang gwapo gwapo mo pala sa personal,Jaypee Villanueva!!!! Ano ba yan! Kailangan ba talagang tumili ng ganon kalakas. Tumingin ako sa court at nakita ko sina Jaypee. Susmaryosep! Kaya naman pala. ,ang guguwapo pala talaga nila. My golly! Ang tatangkad nila. ,tsaka. . . . . . ,totoo nga umuulan ng pogi! Kulay maroon ang uniform nila na may tatak na Queens Tigers. . huh! Queens Tigers? Siniko ako ni Ara. , "May mga tigers ka na ah!. ,bulong niya sa akin. Namula naman ako sa sinabi niya. Hinampas ko nga ng pamaypay. Tumawa lang siya. Nag-wa-warm up na ang magkabilang grupo. Nakita ko si Jayson at Jaypee na nag-uusap. Maya-maya pa pareho na nilang inililibot ang kanilang paningin. Siniko ko naman si Ara. "Ara,sinabi mo ba kay Jayson na manonood tayo?. ,bulong ko sa kanya. Lumikot naman ang mga mata niya sabay tawa. "Hindi ah! Bakit ko naman sasabihin?. , Usapan kasi namin na hindi namin sasabihin sa kanilang manonood kami. Nag-txt nga sa akin kanina si Jaypee kung manonood ako pero hindi ako nag-reply. Bigla namang kumabog ang dibdib ko. s**t! Ang lakas ng t***k. Pagtingin ko sa court nasalubong ko ang mga titig ni Jaypee. Nakapako na sa akin ang mga tingin niya. Bigla siyang ngumiti. Ano ba yan! Nakakalaglag ng panty! Bumulong siya kay Jayson,lumapit naman si Jayson sa may bandang committee. Itinuro niya yung mga bakanteng upuan sa may tabi mismo ng court malapit sa upuan ng mga players. Tumango naman ang kausap ni Jayson. Patakbong bumalik si Jayson kay Jaypee at may ibinulong. Naglakad ang dalawa papalapit sa amin. Nagtilian naman ang mga tao lalo na yung banda sa amin. "Emma,papalapit sila dito. ,sabi ng isa naming co- teacher. Hinaplos-haplos naman ni Emma ang kanyang buhok na tila ba inaayos yun. Napangisi naman si Ara sa ginawa nito. Siniko ko nga. , "Hopia naman kasi ito eh. . ,I can't wait to see their faces pag nakalapit dito yung hari mo. .nakangising bulong niya sa akin. Hindi ako mapakali habang papalapit sina Jaypee. Nakatingin lang siya sa akin kahit na naglalakad siya hindi kaya siya madapa niyan. Lumampas siya kina Emma. Lumuhod siya sa harap ko na siyang ikinalaglag ng panga ng mga katabi ko maliban kay Ara. Ewan ko kung anong nangyari pero ng lumuhod siya sa harap ko feeling ko tumahimik and paligid. My god! Ang puso ko. ,pakiramdam ko gusto ng kumawala sa kinalalagyan nito. Kahit nakaupo ako grabe ang pangangatog ng tuhod ko. Nanlalamig din ang mga palad ko. Ay grabe naman siya! Hinalikan niya ang noo ko at hinawakan ang kamay ko. Napasinghap naman ang mga kasama ko. "My queen. ,ang daya mo ha! Bakit di mo sinabing manonood ka pala. And why are you here? You should be there. ,sabay turo niya sa upuan na malapit sa court. "You should be always near me. . ,alam mo namang gusto ko lagi kitang nakikita. . ,namiss kita. . ,my queen. . ,my love . !. ,buong pagsuyong sabi niya. Ay naku! Wala na. . . . ,grabe talaga! Hulog na hulog na nga ako. . . ,hindi pa rin siya titigil sa pagpapahulog sa akin. Parang hindi ko na kayang umahon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD