Chapter21

871 Words
Kanina ko pa pinipigilan tumawa. Paano naman kasi nakakatawa si Jaypee. Parang bata kung makapag-tantrums. ,ang haba ng nguso. ,hindi umiimik kanina pa at eto pa ang layo sa amin. Eto namang dalawa sa tabi ko ang lakas mang-asar. Panay ang lambing sa akin. ,pinandidilatan ko na nga ng mata hindi pa rin ma-gets. Hinayaan ko na nga kasi alam ko naman kapag nasabi ko na sa kanya yung desisyon ko may magbabago. Kanina ko pa siya tinitingnan pero dinededma niya ako. Pero kapag hindi naman ako nakatingin nararamdaman ko yung mga titig niya sa akin. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Jasper calling........ Napangiti naman ako ng makita ko ang pangalan ng tumatawag. Sasagutin ko na sana ng may kumuha ng cellphone sa kamay ko. Inangat ko ang tingin ko at nasalubong ko ang matiim at matalim na titig niya sa cellphone ko. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa aparatong hawak niya. Kinuha ko ang cellphone sa kamay niya. Ngumiti ako sa kanya. ,nakakatawa nga yung mukha niya gulat na gulat! Sa sobrang gulat niya hindi na siya nakapalag ng kunin ko ang cellphone sa kamay niya. "Dito lang ako. . ,dito ko na sasagutin ito. ,ini-slide ko ang screen para sagutin ang tawag. Lumapit ako at tumabi sa kanya. Napadikit ang braso ko sa kanya at naramdaman ko ang tensiyon na nararamdaman niya. "Hello!. ,bati ko kay Jasper. ,ini-on ko ang loudspeaker ng cellphone. "Hello,baby Jade!. ,kumusta ka na? Hindi ka na pumapasyal dito. The last time you went here nung nagkaroon ka pa ng seminar dito. Maghihintay pa ba ako ng susunod niyong seminar makausap lang kita.?. ,bungad naman niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paghawak ni Jaypee sa kamay ko habang nakikinig sa sinasabi ng kausap ko. Panaka-naka niyang pinipisil ang mga palad ko. Tiningnan ko siya. . ,nakatingin siya sa pader ng bahay namin baka nga lagpas pa doon. Tiim ang kanyang mga bagang. Ang likot likot ng kanyang adams apple. Feeling ko grabe ang pagpipigil niya ng inis?or galit na ba? "Jasper, ang oa mo ha? Kung makapag-demand ka ng time sa akin parang boyfriend kita. . . . ,isumbong kita sa asawa't mga anak mo. ,natatawang sagot ko sa kanya. Pinisil pisil ko ang kamay ni Jaypee. Inangat naman niya ang kamay ko at hinagkan. Ay naku! I swear lahat yata ng buto,cells at kung anu-anong parts ng katawan ko kinilig. Para akong maiihi sa kilig. Alam ko namumula na ang pisngi ko,ramdam na ramdam ko ang init eh! Ang lawak naman ng ngisi nung dalawa sa harap namin. "Isumbong ka diyan. . ,sila ang nagsabi sa akin na tawagan ka. Namimiss ka na ng kumare mo lalung lalo na yung inaanak mo. ,tsaka wala ka bang balak kumustahin yung takbo ng business natin? Ikaw din. ,. , "Kaya mo na yan! Kakagaling ko lang diyan,nag-usap na naman tayo di ba? Ano kasi alam mo naman,magpi-fiesta sa centro alam mo na. ,busy-busyhan muna ang peg ko ngayon. ,don't worry kapag may time punta ako diyan. Maniningil ng porsyento. ,tumatawang sagot ko sa kanya. "Okay lang kahit yun lang ang sadya mo dito basta makapunta ka lang dito. , "Why do I have this feeling na hindi lang tungkol sa business ang reason kung bakit gusto mo akong papuntahin diyan?. ,tanong ko sa kanya. Sandali siyang hindi nakaimik sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba! May iba na naman itong binabalak. , "Ha!ha!ha!. ,ang lakas talaga ng radar mo,baby!. ,may ipakikilala ako sa iyo!Para magka-boyfriend ka na. ,tutulungan na kita. Tumatanda ka na kasi wala ka pang first kiss. ,kawawa ka naman!. ,sabay tawa niya ng malakas. Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Jayson at Warren. Nananatili namang seryoso si Jaypee pero nakita kong medyo nakaangat ang dulo ng kanyang manipis na labi na tila pinipigilan ang mapangiti. Bahagya pa niyang pinisil ang kamay ko. "Aba't ang kapal ng face mo Jasper ha. ,huwag mo na nga akong tawagan kung wala kang matinong sasabihin. . ,bwisit ka talaga! Tumatanda ka diyan. ,mas matanda ka kaya sa akin. ,nakasimangot na sagot ko sa kanya sabay tinapos ko na yung tawag niya. Isinuksok ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong shorts. Narinig ko ang impit na hagikhik na dalawang nasa harap ko. Pumunta ako sa harap nila at sabay na hinampas sa braso ang mga ito. Napasama naman si Jaypee dahil nga magkahawak- kamay kami. Nakangiti na siya ngayon kaya napangiti na rin ako. Binitiwan ko na ang kamay niya. ,bumalik ako sa dati kong pwesto at kinuha ang plato na may pansit na kinakain ko kanina. Tumabi naman sa akin si Jaypee. "Arte mo bro. ,pakipot ka ha. ,nakahawak ka lang ng kamay okay ka na?!. ,pang-aasar naman dito ni Jayson. "Jayson,tumigil ka na ha. ,kumain ka na nga lang diyan. ,saway ko naman sa kanya. Kinindatan na naman niya ako. Para na naman tuloy mababaliw itong katabi ko. Pero sa huli hindi na lang siya umimik. ,napangiti naman ako. Ewan ko ba kapag nakikita kong pinipigilan niya ang inis o galit niya I find it sexy. ,nakakaramdam ako ng kilig. ,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD