Napatakip ako sa dalawa kong tenga. Eto na naman po sila,ang lakas nila makatili. As usual si Ara binubugbog na naman ang mga braso ko sa kakahampas niya. Oh well! What do you expect? Tonight is the championship night ng liga. Sina Jaypee at ang mga taga-Labo ang naglalaban. Hindi na ako nakabwelo sa pag-che-cheer sa aking kamahalan dahil sa sobrang ingay. Simula yata ng maglaro sina Jaypee lagi ng napupuno ang stadium. Can you imagine saglit pa lang sila dito meron na silang fans club? Sabagay sabi ko nga hindi ko sila masisisi kasi mga gwapo magaling pa maglaro,saan ka pa di ba? Feeling ko nga lumakas ang bentahan ng panty sa Jose Panganiban dahil sa mga ito. Ikaw ba naman malaglagan ng panty every other night ewan ko lang kung hindi ka maubusan. Hawak na ni Jaypee ang bola. ,pustah

