Pinipigilan kong mangiti or rather matawa sa pangungulit ni Jayson kay Ara. Hindi ko talaga maiwasang hindi pagtuunan ng pansin itong dalawang ito kapag magkakasama kami. We're here at the boardwalk to celebrate their victory daw. Actually ngayon na lang uli ako nakasama at nakapanood ng laro nila. Dyahe kasi yung ginawa ko nung unang panalo nila. Si Ara walang palya ito sa panonood,siya ang nagkukuwento sa akin. Palagi naman silang panalo. . ,kahit naman kasi hindi ka manood kinabukasan usap-usapan ang pagkakapanalo nila. Yung mga co-teachers ko nga pare-pareho ng nanood pagdating ng lunch break pag-uusapan pa rin nila. Kaya lang nakakainis din minsan makinig sa kanila. Marinig mo ba naman kung paano nila pagnasaan ang boyfriend mo,matuwa ka pa kaya. Pero kasi tanggap ko. . . ,maluwag

