Chapter 16

904 Words
Napabuntung hininga ako ng makita kong nagsitayuan na ang aking mga co-teachers. Konti lang ang naintindihan ko sa meeting namin ngayon. Hinayaan ko na hindi rin naman kasi ako kasama sa committee na magiging abala para sa pinaghahandaang nightly entertainment para sa aming town fiesta. Lahat ng school kasi na sakop ng Jose Panganiban kasali. Hindi naman ito contest. I think this is also a way to showcase the talent of students na galing sa iba't-ibang paaralan and of course to express our gratitude sa patron saint ng aming bayan. . , Siniko ako ni Ara. ,napatayo naman ako. "Bakit ka naman naniniko?. ,tanong ko sa kanya. Nauna na akong lumabas sa kanya. Nakasunod naman siya sa akin. Sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan. "Alam mo,hindi mo ba napapansin yung mga tingin sa iyo ni Madam Deanna. ,sabi niya sa akin. Napansin ko nga rin yun nahuli pa nga niyang humikab ako. Nakakahiya! "Oo nga,nakakahiya nga kasi nahuli niyang humikab ako. ,antok na antok kasi talaga ako. ,tamad na sagot ko sa kanya. "Ano ba kasing nangyayari sa iyo at ilang araw ka ng parang puyat na puyat?. ,tanong pa niya.. ,"mukha ka na tuloy haggard diyan. ,tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umiling. . ,"pero in fairness sa iyo ha kahit na haggard ka ang ganda mo pa rin. . ,effortless talaga ang ganda mo noh?. , "Ewan ko sa iyo,Ara. ,bilisan mo na nga maglakad diya may tse-tsekan pa akong mga test paper. , Muli kong tiningnan ang loob ng aking classroom bago nagpasyang isara ito. Mag-isa lang akong uuwi ngayon nauna na kasi si Ara may pupuntahan pa raw kasi siya. Malayo pa ako sa gate pero nakikita ko ng nakatayo ang aming principal habang kausap ang guard ng aming school. Nang makita niya ako ngumiti siya sa akin. "Madam,good evening na po! Uuwi pa lang po ba kayo?. . tanong ko sa kanya. Madilim na rin kasi alas-sais na pala. Tinanguan ko naman ang guard na kausap niya. "Oo,iha eh! Andiyan lang naman ang bahay ko sa tapat eh ikaw bakit ginabi ka na?. , Sinabayan ko na siya sa paglalakad palabas ng gate. "May tinatapos lang po kasi ako hindi ko naman po namalayang madilim na pala. , "Ganun ba? Oh sumabay ka na sa akin sa paglalakad doon ka na lang sumakay ng tricycle sa tapat ng bahay ko,okay lang ba yun sa iyo? "Oo naman po," Malayo pa kami sa bahay niya pero kitang-kita na ito. Ang ganda kasi ng bahay niya. Ang alam ko may asawa si Madam pero wala siyang anak. Retired american navy ang asawa nito. Habang papalapit kami sa bahay niya ng mapansin ko na nakakunot-noo na siya. Napahawak pa siya sa dibdib niya. "Madam,okay lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?. ,tanong ko sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niya,nanlalamig ito. "I'm okay iha. ,pwede mo ba akong samahan sa loob?. ,sabi niya sa akin. Nagtataka man pero tumango ako sa sinabi niya. Hawak niya ang kamay ko habang papalapit kami sa bahay niya. Mas lalo siyang napakunot noo ng makitang bahagyang nakabukas ang gate. "This is strange. ,mahinang sabi niya. "May problema po ba Madam?. , "Nagtataka lang kasi ako kung bakit nakabukas ito eh siniguro kong nakasara ito bago ako umalis kanina. ,wala kasi akong kasama ngayon dito. Lumuwas kasi yung asawa ko kasi medyo nagkaproblema sa isang business niya doon. ,bahagyang lumungkot ang aura nito sa huling sinabi. , "Ganun po ba,eh Madam huwag na po muna kaya kayong pumasok balikan po muna natin si kuyang guard tapos magpapasama po tayo sa kanya dito. ,baka po kasi may tao sa loob. ,nag-aalalang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa akin. Hinawakan niyang muli ang kamay ko. "That's nonsense iha. ,baka nakalimot lang ako. ,halika pumasok na tayo. , Wala naman akong nagawa ng marahan niya akong hilahin papasok ng gate. Ang lawak ng kanilang pathway. May mga tanim siyang namumulaklak na hindi ko alam kung anong pangalan. Ang ganda-ganda ng pagkaka-landscape ng harap ng bahay niya. May nakita akong mesa na may apat na upuan na natatakpan ng parang isang kubo ba yun?ah ewan basta ang ganda ng bahay ni Madam. Binuksan niya ang front door. Marahan niyang kinakapa ang switch marahil ng ilaw at ng mabuksan niya ang ilaw. "SURPRISE!!!!" Bahagya naman akong napatalon sa gulat sa biglaang pagsigaw na iyon. Una kong nakita ang asawa ni Madam siya ang may hawak ng cake. Si Madam naman medyo naluluha-luha na pero nakangiti siya. Hinawakan niya ang aking kamay at dahan-dahan kaming lumapit sa kanila. Hindi na ako nag-abalang tingnan yung ibang tao nahihiya kasi ako. Si Madam naman kasi bakit kaya naisipan akong isama dito. Family affair ito eh, "Advance happy birthday,sweetheart!. ,bati ng kanyang asawa."I have a surprise for you,alam kong magiging masaya ka pag nakita mo siya. , "Huh! Sino. ,sweetheart pinaiiyak mo naman ako eh. , Hala! Ang sweet naman nila. . ,nakakainggit! Nakita kong nahawi ang mga tao sa likod ng asawa ni Madam at mula doon lumabas ang taong ilang linggo ng ginugulo ang sistema ko,ang dahilan ng mga sleepless nights ko. Tiningnan niya ako at kumindat siya sa akin. Lumapit siya sa katabi kong si Madam. "Happy birthday,Tita. . . ,I miss you so much po!. ,niyakap niya si Madam na panay naman ang iyak. Oh my god! Pamangkin ni Madam si Jaypee????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD