Napabuntung hininga ako habang pinagmamasdan si Jaypee na umikot para pagbuksan ako ng pinto. Hinatid niya kasi ako kahit na paulit-ulit ko siyang tinanggihan makulit naman siya kaya wala rin akong nagawa. Samahan pa ni Madam na may pagka-makulit din pala.
"Salamat sa paghatid!. ,sabi ko sa kanya. Nananatili naman siyang nakatingin sa akin. ,napayuko naman ako.
"Iniiwasan mo ba ako?. ,biglang tanong niya sa akin.
"H-ha? Anong iniiwasan?. ,balik-tanong ko naman sa kanya.
"You keep on avoiding me kanina pa akala mo ba hindi ko nahahalata yun?why?. ,tanong niyang muli. Tiningnan ko siya nananatiling seryoso ang tingin niya sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko talaga kayang tumingin sa kanya ng hindi naaapektuhan ang buong sistema ko. Nakakapanlambot ng tuhod.
"Hindi kita iniiwasan. ,maiksi kong tugon sa kanya. Napayuko na lang ako at pinagmasdan ang sapatos ko.
Narinig ko naman ang pagbuntung hininga niya na para bang nagpipigil ng inis.
"Look i'm sorry kung matagal akong hindi nagpakita sa iyo,tinapos ko muna kasi yung mga kompromiso ko sa business. . ,gusto ko kasi kapag binalikan kita wala ng istorbo. . ,lumapit siya sa akin hindi ko naman magawang kumibo para akong ipinako sa kinatatayuan ko medyo nawindang kasi ako sa sinabi niya."Seryoso ako my queen. . ,liligawan kita kahit na nga alam kong hindi na kailangan". ,ngumisi niya matapos niyang sabihin yun. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hinampas ko nga siya sa braso. In fairness,ang tigas!
"Ang kapal ng face mo ha?! What do you mean hindi na kailangan?. ,yabang nito!. ,bahagyang nanlaki ang mata kong sabi sa kanya.
"Ligawan man kita o hindi sa akin pa rin ang bagsak mo kasi akin ka lang. . ,mine alone,my queen!madiin at seryosong sabi niya.
Kahit ayaw ko pa pinilit kong imulat ang aking mga mata. Pinatay ko ang tunog ng alarm. Tumihaya ako at pinagmasdan ang kisame.
Puyat ako,lintik naman kasing lalake yun hindi ako pinatulog ng mga sinabi niya sa akin. Nakakaloka! Feeling ko ang haba ng hair ko. ,
Ligawan man daw niya ako o hindi sa kanya pa rin ang bagsak ko. . ,my god!sinong hindi maloloka dun di ba?
Pagkatapos niyang sabihin yun hinalikan niya ako sa noo at pinapasok na sa loob ng gate.
At ako wala akong ma-say feeling ko nga ng sabihin niya yun sa akin baka nakanganga ako. Ah ewan! Basta kasi talaga humihirit na yung isang yun nagmumukhang tanga talaga ako sa harap niya.
Tumayo na ako at pumasok na ng banyo. Nang makapagbihis ako lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko ba nag-aalmusal sina Mama at Papa.
"Morning,Ma. . ,morning Pa. ,humalik ako sa noo nila."Si Ella po? Umalis na ba?. ,
"Oo,anak may gagawin pa daw siya sa library. Heto pinagtimpla na kita ng kape. ,sabi sa akin ni Mama.
"Thank you po,Ma. ,kumuha ako ng kanin at pritong tinapa. Habang kumakain ako napansin ko naman ang pananahimik ng aking mga magulang. Nang tingnan ko sila nakatingin sila sa akin.
"Bakit po ganyan kayo makatingin?. ,tanong ko sa kanila.
Ngumiti sila pareho sa akin.
"Wala ka bang sasabihin sa amin,anak?. ,tanong ng Papa ko.
"Wala naman po,bakit po ba? May nagawa po ba ako?. ,napapaisip kong tanong sa kanila.
"Wala naman,kaya lang anak. ,medyo nag-aalangang tanong sa akin ni Mama. . ,"sino ba yung naghatid sa iyo kagabi? Si Jaypee ba yun? Nagsisimula na ba siyang manligaw sa iyo.?kelan mo ba siya sasagutin?. ,sunud-sunod na tanong sa akin ni Mama.
Nabitiwan ko naman ang kutsara dahil sa mga tanong niya sa akin. Nakangisi naman ang aking ama.
"Ma,ano ba yang mga tanong mo. ,nakakaloka! Tsaka paano mo nasabing manliligaw sa akin yung tao para hinatid lang naman ako!. ,tanong ko naman sa kanya.
"Siyempre nagpaalam siya sa amin ng Papa mo. ,nakangising sagot niya sa akin. Tumango naman ang Papa ko.
"What?? Nagpaalam siya sa inyo,kailan po? Pumayag kayo?. ,ako naman ngayon ang sunud-sunod ang tanong sa kanila.
"Matagal na,anak bago pa siya lumuwas ng Manila. ,kinausap niya kami ng Mama mo. . ,hulog na hulog na daw kasi siya sa iyo,my queen!. ,panunukso naman ni Papa sa akin.
Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi ni Papa.
"Papa naman. ,
"Pumayag na kami anak kasi ayokong magalit ka sa amin. ,tatawa-tawa namang sabi ni Mama.
Napatingin naman ako kay Mama sa sinabi niya.
"Magagalit? Ako? Bakit naman po?. ,tanong ko naman sa kanya.
Tumayo muna silang dalawa at parang nakakalokong ngumisi sa akin. Sabay pa nilang sinabing. . . .
"Obvious naman kasing gusto mo siya!. ,sabay iniwan nila ako sa kusina. Narinig ko pa ang halakhak ni Mama.
Ay naku! Talaga naman. . ,obvious ba talaga na gusto ko siya?