Nagmamadali ako sa pag-aayos ng aking mga gamit sa table nagtxt kasi sa akin si Ara sa gate na lang daw niya ako hihintayin.
Malayo pa ako sa gate nang makita ko na may mga estudyanteng nagkukumpulan sa isang tabi.
Ang pogi naman nung mga kasama ni Madam Ara!
Oo nga para silang mga model sa gwapo!
Kilala ko yung isa dun. ,yun yung businessman na sabi magiging judge sa Ms. Jose Panganiban. ,sabi naman nung isang estudyante.
Huh! Judge sa Ms. Jose Panganiban? Si Jaypee ba kasama ni Ara? Ah ewan,ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papuntang gate.
Malapit na ako sa gate at nakikita ko na si Ara na may kausap na tatlong lalaking nakatalikod.
Hhmm! In fairness ha likod pa lang ang hot ng tingnan. Kaya lang parang kilala ko yung isa na may hawak na bulaklak. Nakasuot siya ng puting shirt at grabe lang hapit sa katawan niya yung shirt. . ,naman those broad shoulder tapos. . . ,oh my fudge!. ,ang ganda ng puwet niya hulmang-hulma sa suot niyang maong na pantalon.
Ay naku! Ano ba yan Lord patawad po nagiging makasalanan na naman ang mga mata ko. Kasi naman po ikaw ba naman makakita ng ganitong tanawin. ,
Nakita ko namang unti-unti ng humaharap sa akin yung mga lalaking nakatalikod bigla ko namang inalis ang tingin ko sa kanila at nasalubong ko ang nakangising mukha ni Ara.
"Oh,andito na pala si Jade! Tagal mo naman kanina ka pa namin hinihintay. . ,sabi niya sa akin habang nakangisi. ,tinataas taas pa niya yung kilay niya.
Naku! Ang sarap ahitin! Mamaya ka sa akin. Nagulat naman ako ng yakapin akong sabay nina Warren at Jayson.
"Ganda! Namiss kita. ,sabi sa akin ni Warren. Nakita ko namang ang sama ng tingin sa amin ni Jaypee.
"Oo nga,namiss ka namin. ,beauty!. ,sabi naman ni Jayson.
"Bro,wala namang ganyanan!. . ,nakasimangot na utas ni Jaypee.Hinila ako nito palapit sa kanya. Dumausdos ang kamay niya patungo sa aking bewang.
Nakaramdam naman ako ng kuryente sa ginawa niyang paghawak sa bewang ko.
"Tangina bro. ,possessive mo naman. ,tatawa-tawang sabi ni Jayson.
Binatukan naman ito ni Ara.
"Ang bibig mo. ,baka nakakalimutan mo kung nasaan ka!. ,singhal ni Ara dito.
Sumulyap naman sa akin si Jayson at napakamot sa kanyang batok. Mabuti na lang at kokonti na lang amg mga estudyante.
"Teka nga bakit ba kayo nandito? Don't tell me may mga estudyante kayong inaabangan ha?!. . ,kunwari ay naniningkit ang mga matang sabi ko sa kanila sinulyapan ko rin si Jaypee.
"My queen ha. . ,alam mo namang ikaw pa lang sobra-sobra na bakit pa ako maghahanap ng iba. ,malandi niyang sabi sabay kindat sa akin.
Susmaryosep! Ang landi talaga niya,I swear! Nagkakagulo na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan mukhang naramdaman ang presensiya ng kanilang hari.
"Aayyyiiee! Kinikilig na yan si Jade! Namumula na oh!. ,tukso naman sa akin ni Ara.
Tinakpan ko naman ng palad ko ang aking mukha. Hinapit naman ako lalo ni Jaypee palapit sa kanya.
"Mga hirit mo,bro. . ,grabe ha!. ,di ko akalaing marunong ka ng ganyan!. ,pang-aasar dito ni Warren.
Nagkibit balikat naman si Jaypee sabay sabing
"Tinamaan ako eh. . ,sapul na sapul bro. . ,!
Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Lalo naman kaming tinukso ng tatlong kasama namin. Kinagat ko naman ang labi ko para mapigilan ang pagngiti.
"Para nga pala sa iyo,my queen!. ,binigay niya sa akin ang pumpon ng bulaklak na hawak niya.
"Salamat!. ,
"Tara na nga,kanina pa ako nangangati sa sobrang tamis ng atmosphere dito. ,nakangising aya ni Ara sa amin.
"Asus!kundi ko pa alam. . ,inggit ka lang. ,pang-aasar naman dito ni Jayson.
Huminto naman sa paglalakad si Ara at nakasimangot na tiningnan si Jayson.
"Excuse me. ,ako inggit?. ,imagination mo ang layo ng nararating ha!. ,tigilan mo ako ha. . ,babangasan ko yang panget mong mukha!. ,muli itong naglakad at iniwan na sila.
Sasagot pa sana si Jayson kaya lang inawat ko na baka kasi tuluyang mapikon si Ara mahirap pa namang suyuin yun.
"Ikaw talaga Jayson type mong asarin ng asarin si Ara no?!. ,kapag napikon yan sa iyo ang hirap niyang suyuin,ikaw rin. ,sabi ko sa kanya.
"Ang sarap kasi niyang asarin. ,natatawa namang sagot niya sa akin.
Naglakad na kami palabas ng gate. Naabutan ko si Ara na nakasimangot habang naghihintay sa amin.
"Ihahatid ko na kayo,my queen. ,sabi niya sa akin. ,tiningnan niya yung dalawa niyang kaibigan."Sasama ba kayo?Jayson mukhang napikon sa iyo si Ara,nakasimangot na oh!. ,sabi niya sa mga ito,itinuro nito sa Ara na lalong napasimangot ng makitang nakatingin kami sa kanya.
"Sasama ako,bahala ka Jayson ikaw naman may kasalanan kung bakit nakasimangot si Ara. ,sabi ni Warren sabay binatukan si Jayson.
"Aray naman. ! Ang pikon naman kasi niya masyado. Kung sabihan naman kasi niya ako ng pangit ganun ganun na lang eh ang gwapo ko kaya. ,di ba beauty Eloisa?. ,nakangiwi niyang sabi sabay kindat sa akin.
Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Napasimangot naman si Jaypee. Inilayo ako nito kay Jayson.
"Tayo na nga,ang dami mong nalalaman panget! Sa kotse mo na lang pasakayin si Ara. ,bahala ka kung paano mo yan suyuin. ,sabi nito kay Jayson.
Magrereklamo pa sana ito ng hilahin naman ito ni Warren papunta kay Ara. Aalma pa sana ito kaya lang inambaan ng suntok ni Warren kaya sumunod na rin ito.