Maliit lang ang plaza nila pero sinikap niyang iwasan si Eunice. Nakakahiya naman sa mga kasama niya kung papatulan niya ito. Isa pa matatanda na sila para sa away-away na yan. Kaya lang mukhang si Eunice ang naghahanap ng gulo. Hinayaan na lang niya ang tingin nitong matalim at ang mga ngising tila may kahulugan.
Tawa ng tawa si Ara habang pabalik sa kanilang table. Pati ang kasama nitong si Joshua panay din ang tawa.
"Anong nangyari sa inyo? Kung makatawa wagas ha. ,tanong niya dito.
Habang tumatawa sinabi nito sa kanila na pinagtatawanan nila si Eunice kasi natumba diumano ito habang nagsasayaw. Napatawa na rin ang iba pa nilang kasama sa table.
Natigil sila sa pagtawa ng makita nila si Eunice na malagkit ang tingin sa gate ng plaza. Sinundan nila ng tingin ang tinitingnan nito. . ,napasinghap siya ng makita ang palinga-lingang si Jaypee nasa likod nito sina Jayson at Warren. Nang muli niyang sulyapan si Eunice,papalapit na ito sa gate habang nakangiti ng matamis.
Halos lahat ng kadalagahan nakatingin na sa tatlong lalaki na tila mga Greek God,sandaling huminto ang pagsasayaw ng mga tao na hindi ko alam kung dahil ba sa pagdating nila o may iba pang dahilan.
Muli akong tumingin sa gate. ,palinga-linga na ang tatlo na tila may hinahanap.
"Ako na nga ang lalapit,tingin ka lang ng tingin ayaw mo pang lapitan. ,ani Ara.
Tatayo na sana si Ara para lumapit sa tatlo ng makita nilang nakalapit na dito si Eunice. Nagulat silang dalawa ng makitang niyakap nito si Jaypee samantalang nginitian lang nito ang dalawang kasama ni Jaypee. Nagkatinginan sila ni Ara nagtatanong ang mga mata nito pero tanging kibit-balikat ang tugon niya dito.
Iniwas niya ang tingin niya sa mga ito. Nanlalamig siya at nanghihina sa mga nasaksihan niya. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata,napainom siya ng soda na nasa harap niya. Tumingala siya upang mapigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya gusto ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya pinagtaksilan siya sa mga nasaksihan niya kahit na alam niyang hindi naman.
Could it be?. . ,no!no!kontra niya sa kanyang naiisip. Masyadong mabilis. ,hindi na niya hahayaang mangyari pa yun habang maaga pa,kailangan niyang mapigilan kung anuman ang nararamdaman niya para dito. Kasi sa huli masasaktan lang siya,siya na naman ang maiiwang bigo. Tama na ang isang beses hindi na kailangang maulit pa yun.
Napapitlag siya ng maramdamang may humawak sa kamay niya. Napatingin siya kay Ara puno ng simpatya ang tingin nito sa kanya. Ngumiti siya dito.
"Bakit ganyan ka makatingin?. ,tanong niya dito habang nakangiti. Sino bang niloloko niya bestfriend niya ito,alam niya nag-aalala ito sa kanya. Pinisil niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya.
"I'm okay,don't mind me. . ,let's enjoy the night,Ara. This will pass,don't worry!. . ,sa halip na magsalita niyakap siya ni Ara.
"Bukas na nga natin pag-usapan ito. ,alam ko naman okay ka lang ikaw pa. ,sabi nito sa kanya. Napangiti naman siya sa sinabi nito.
"Oy,ano yan! Huwag nga kayong magdramang dalawa diyan. ,puna sa kanila ni Joshua. Binato naman niya ito ng chips na nasa harap niya. Panay naman ang tawa nito habang umiilag. Buti na lang nasa pinaka-dulo ang table nila medyo dim pa ang ilaw kaya hindi sila masyadong pansin.
Bandang alas-onse ng maisipan nilang sumayaw na. Simula kasi ng dumating sina Jaypee hindi pa uli sila nakakapagsayaw. Iniwasan din niya ang mapatingin sa dancefloor baka kung ano lang ang makita niya at baka kung ano din ang maramdaman niya.
Panay ang sayaw sa kanila ni Joshua ng malanding sayaw nito. Tawa naman siya ng tawa habang sumasabay dito. Hindi naman siya nahihiyang makipagsabayan dito marunong naman siyang sumayaw sila pa nga ni Joshua ang madalas na magkapareha noong highschool sila.
Napuno ng hiyawan ang dancefloor ng marami na ang nakapansin sa kanila. May humihiyaw ng madam sa kanila. Tawa naman sila ng tawa ni Joshua. Matagal-tagal na din silang sumasayaw ng magbago ng tugtog. . ,naging slow ang kanta. Paalis na sila ni Ara sa dancefloor ng pigilan siya ni Joshua.
"May i have this dance?. ,malanding tanong nito sa kanya. Tumingin siya kay Ara. ,inirapan sila nito pero nakangiting iniwan sila nito. Napatawa na lang sila sa reaksyon nito.
Naghiyawan naman ang mga estudyante niya ng tanggapin niya ang kamay ni Joshua na nakalahad. Pati ang mga kakilala niya naghihiyawan na din.
At ang magaling na lalaking kaharap niya. ,ang lapad ng ngiti. Nakakapanggigil! Kinurot niya ang pisngi nito. Ngumiti lang ito sa kanya.
Nilagay nito ang mga kamay niya sa batok nito. Pagkatapos nilagay nito ang kamay nito sa bewang niya. Ngumisi ito sa kanya.
"Ang sexy mo talaga!. ,sabi nito sa kanya.
"Inggit ka naman,bakla!,tumatawang tugon niya dito. Napasimangot naman ito sa sinabi niya. Sila lang na magkakaibigan ang nakakaalam na bakla si Joshua. Hindi mo naman kasi mahahalata kasi lalaking-lalaki siya kung pomorma.
"Eh di ikaw na ang sexy,ikaw na ang dyosa!,sarkastikong sabi nito sa kanya. Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi nito. ,lalo naman itong sumimangot. Pinisil nito ang bewang niya,hinampas naman niya ito sa braso.
"That's enough,let go of my queen. . ,ang sakit niyo sa mata. ,anang baritonong boses sa likuran niya.