Chapter 11

880 Words
Habang nagmimiryenda sila biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti siya ng makitang tumatawag si Jasper ang kaibigan niyang sa Daet na nakatira. Tatayo na sana siya para sagutin ang tawag ng pigilan siya ni Jaypee. Matalim ang tingin nito sa kanya. "Stay!. . ,mariing sabi nito sa kanya. Napasipol naman ang mga kaibigan nito. "Sasagutin ko lang yung tawag. , "Hindi ba pwedeng sagutin mo yan habang andito ka.?. ,mas lalong tumiim ang tingin nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at nakipagtitigan dito. Dahan-dahan siyang tumayo habang nagsasalita na nakatingin pa rin dito. "Ano bang problema mo? Sasagutin ko ang tawag ng malayo sa iyo,anong problema mo dun?. , Napahagikhik naman ang kapatid niya na nasa tabi ni Jayson. Panay naman ang sipol ng mga kasama nito. Humalukipkip siya at tinaasan naman ng kilay ang mga ito. Napataas naman ng kamay ang dalawang lalaki na tila ba sumusuko. Nang muli niyang tingnan ang cellphone niya natapos na ang tawag ni Jasper. Nanghihinayang na napaupo na lang siyang muli. Iritang-irita na talaga siya kay Jaypee. Simula ng maligaw ito sa kanilang bahay wala na itong ginawa kundi bumalik ng bumalik sa kanila. At ang mga magulang niya giliw na giliw dito. Palibhasa pareho silang babae ni Ella. Inimbitahan ito ng mga magulang niya para sa kanilang fiesta. Pinaunlakan naman nito iyon kahit ang mga kaibigan nito ay nagsasabing pupunta. Bisperas ng kanilang fiesta. Wala namang masyadong activities kundi ang sayawan na magaganap mamayang gabi. As usual papasok kami ni Ara sayang naman kasi yung libreng table na bigay sa amin ng papa ni Ara. Nasa kwarto ko si Ara katatapos ko lang magbihis. Pareho kami ni Ara na naka-skinny jeans. Pareho din kaming naka-spaghetti strap flowy top magkaiba nga lang ng kulay mine's pink with flower design while Ara's plain white. I am wearing my chuck taylor pero si Ara naka-nude sandals na mataas ang takong. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba ng hagdan. Naabutan naming kumakain ng salad si Ella sa sala. Gumawa kasi ako ng salad para sa dessert ng mga bisita bukas. "Aalis na ba kayo,ate?,.tanong nito sa kanila. "Oo,nasaan ba si Mama? Magpapaalam lang kasi kami. , "Kayo lang ba ni ate Ara ang pupunta,ate? "Oo naman,dati pa naman na kami lang ang pumupunta diba?. ,sagot dito ni Ara. "Hindi niyo talaga inimbitahan sina kuya Jaypee no?. . ,nakasimangot na sabi nito. "Ay naku,Ella. ,maboboring lang yun dito. Sa Manila iba ang definition ng party. ,at saka nakakaalangan kasama yung mga yun. ,sabi muli ni Ara dito. Hindi naman ito sumagot pa. Nakita niya ang nanay niya sa kusina. Nagpaalam na siya dito. Palabas na sila sa gate ng muli silang tawagin ni Ella. "Bakit na naman,Ella? "Nakalimutan kong sabihin sa iyo,nakita ko si Eunice ate. May pinapasabi siya sa iyo. , She's back??!! Hinawakan ni Ara ang kamay niya. "Okay ka lang?. . ,nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tumango siya dito. Nagulat lang siya sa sinabi na kapatid niya. Kung bumalik na ito wala naman yun sa kanya. "Tutuloy pa ba tayo? Malamang andun yun. ,hindi malayong magkita kayo ang liit lang ng plaza. ,ani Ara. Nakatingin lang sa kanya ang kapatid niya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Ate,alam ko bata pa ako ng mangyari yun pero kahit papaano naiintindihan ko lahat. Don't let her ruin you,ate. Hindi lahat maaagaw niya sa iyo,we are here. Hindi porke nagawa na niya minsan magagawa niya uli. This time labanan mo na siya,ate. , Laglag ang panga nilang dalawa ni Ara sa sinabi ng kapatid niya. Natawa pa siya,ikaw ba naman bigyan ng advice ng mas bata pa sa iyo siyempre nakakaloka yun. "Ikaw talaga,pumasok ka na nga. Tutuloy na kami,huwag kang mag-alala ayos lang ako. Matagal na yun di ba? Nagulat lang talaga ako,yun lang. ,totoo naman yun wala na sa kanya yun. Past is past ika nga. Inaya na niya si Ara at umalis na sila. Nilakad na lamang nila ang papuntang plasa malapit lang naman kasi. Naririnig na nila ang tugtog habang papalapit sila. Sinalubong sila sa gate ng mga kaibigan nila na siya ring kasama nila sa table. Tahimik lang siya habang nagkakasiyahan ang mga kaibigan niya ng may lumapit sa kanya. "Hi! Enjoying yourself,my dear Eloisa. ,?napaangat naman siya ng tingin sa nagsalita. Nakangisi sa kanya si Eunice nasa likod nito ang mga minions nito. Hindi niya napigilan ang pag-angat ng gilid ng labi niya. "Of course,i'm enjoying. ,any problem with that.?. .,nanlaki ang mata nito sa sinabi niya. Marahil hindi nito akalain na sasagot siya. Pero maya-maya lang nakangisi na muli ito. Yung tipo ng ngisi na nakakakilabot. "So,marunong ka ng sumagot ngayon?. ,I heard teacher ka na daw?may natututunan naman kaya ang mga estudyante mo sa iyo bukod sa paglalandi. ,napasinghap naman ang mga kasama nila sa table dahil sa sinabi nito. Napatayo naman si Ara sa tabi niya pero pinigilan niya ito. "Ang paglalandi hindi itinuturo sa paaralan. Natural yan sa katawan at ikaw ang dapat na nakakaalam niyan. . ,natural yan sa katawan at pag-uugali mo di ba?. .,taas kilay na sabi niya dito. Napasipol ang mga kasama niyang lalaki sa table samantalang ang mga babae naman ay napahagikhik. Namumula ang mukhang umalis sa table nila si Eunice kasama ang mga alipores nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD