Nanlalaki ang matang napatingin siya dito. Ilang segundo din yata siyang nawindang sa sinabi nito. At ng mabalik siya sa huwisyo inawat niya ito sa pakikialam sa kanyang mga damit.
"Ano ba? Will you please stop that? Bakit ba nangingialam ka sa mga personal kong gamit. . ?yamot na wika niya dito. Binalik niya sa lagayan ang mga damit na nakuha na nito.
Nakahalukipkip naman itong nakatingin sa kanya. Halos mag-isang linya ang makakapal na kilay nito sa pagkakatingin sa kanya.
"Ano bang problema mo?. ,singhal niya dito.
"Seriously you're now asking me what is my problem?. ,salubong pa rin ang kilay na sagot nito sa kanya.
"Ay hindi. . ,yung kama sa likod mo ang tinatanong ko kung anong problema. ,tsss!!. ,inis na inis talaga siya dito. Nanghihila ba naman kasi ano na lang sasabihin nung kapatid ko tsaka ng mga kaibigan niya. ,babaeng kaladkarin ako. !
Lalong nagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya. Humakbang ito palapit sa kanya. Napaatras naman siya sa ginawa nito. Bawat hakbang nito palapit sa kanya umaatras naman siya. Hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader sa likod niya. Napangisi naman ito sa kanya.
"Are you scared now?. ,mapanghibong tanong nito sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi napapikit naman siya ng dumikit ang palad nito sa mukha niya." Damn,you're skin is so soft,my queen!, . ,lalo siyang pumikit ng sabihin nito iyon.
Maya-maya pa tinanggal nito ang kamay sa kanyang mukha. Naririnig niya ang mararahas nitong paghinga at ang ilang beses nitong pagmumura. Napamulat siya at puno ng pagtataka na tiningnan ito.
Nakatayo pa rin ito sa harap niya pero lumayo ito ng bahagya. Nakapikit ito na tila ba hirap na hirap na pinapakalma ang sarili.
"A-ano bang problema mo? Pwede ba lumabas na tayo dito sa kwarto nakakahiya kasi sa kapatid ko baka kung ano ng isipin nun. ,isa pa yung mga kaibigan mo nasa labas din. .,mahina ang boses na sabi niya dito.
Napamulat naman ito ng mata ng marinig siyang nagsalita. Tumingin ito sa kanya at halos mangatog siya ng ngumiti ito sa kanya.
"I'm sorry sa nagawa ko,but pwede ba palitan mo kahit yang shorts mo lang. ,please! Ang hirap kasi. . ,aahh! Damn it,lalabas na ako hintayin kita. .,please palitan mo yan. ,tila nagmamakaawang sabi nito.
Kahit naguguluhan tumango siya sa sinabi nito. Ngumiti ito sa kanya at lumabas na. Napasandal siya sa dingding at hinawakan ang dibdib niya. Kahit nanginginig ang kanyang binti lumapit siya sa kabinet at kinuha ang isang lampas tuhod niyang maong short.
Nagsuklay muna siya ng buhok bago lumabas ng kwarto. Hindi na siya nagulat ng makita itong nakatayo sa labas ng kwarto niya. Ngumiti ito sa kanya at pinauna siya sa paglalakad. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.
"I like what you're wearing now. ,but still you look too sexy on that. ,
Ewan niya lang pero pakiramdam niya nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito.
Naabutan niya ang kapatid niyang nagbabalat ng saging na saba sa kusina. Tumingin ito sa kanya at napangisi ito ng makita ang suot niya. Napanguso naman siya sa reaksiyon nito.
"Ate,gusto ko ng banana cue. Binalatan ko na ha. ,ipagluto mo naman ako. Dinamihan ko na yan para kasama na sila kuya Jaypee. ,nakangiting sabi nito sa kanya.
"Saan galing itong mga saging?,. ,tanong niya dito.
"Binili ko kanina sa bayan. Humingi ako kay Mama. . ,
Nakasunod pa rin sa kanya si Jaypee. Kumuha siya ng mga kakailanganin niya sa pagluto. Nang lumingon siya nakaupo na si Jaypee sa may stool at nawala na ang kapatid niya.
"Hindi naman sa nagiging bastos ako pero ano bang ginagawa niyo dito sa bahay? I mean. ,ano kasi. . . ,
"I understand what you mean. Ka-chat ko kasi si Ella kanina i ask her kung nasaan ka she told me andito ka lang. Galing kami kanina sa planta so dumaan na kami dito. ,sabi nito sa kanya.
"Kasama niyo ba si Tito D?
"No,nakipag-usap kasi kami sa namamahala sa planta. We want to buy it instead of renting it. We think it's a good investment. . ,napatango naman siya sa sinabi nito.
Natahimik na ito ng simulan niya ang pagluluto. Kinakabahan man dahil sa presensiya nito ipinagwalang bahala na lang niya yun.
"Do you have a boyfriend?
Bigla siyang napalingon dito dahil sa tanong nito.
"Wala. . ,tipid niyang tugon dito. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa niluluto niya.
"Wala?. ,bakit?!!. .,i mean sa ganda mong yan wala kang boyfriend?. ,nasa himig nito ang di-pagkapaniwala.
"Ewan ko sa iyo. ,tumigil ka na nga ng pagtatanong. ,kumuha siya ng pitsel sa ref at nagtimpla ng juice. Nakatingin lamang ito sa kanya. Bumalik siya sa may kalan at hinango na ang naluto niyang banana cue. Naghagilap siya sa mga kabinet ng stick at ng makakuha isa isa niyang tinuhog ang mga ito.
Tapos na siyang magtuhog ng pumasok sa kusina ang kapatid niya. Napapalakpak ito ng makitang luto na ang banana cue. Ginulo naman ni Jaypee ang buhok ng kapatid niya sa reaksiyon nito.
"Ate ako na lang magdadala ng banana cue kayo na lang nung juice. . ,sunod na kayo ate ha.
Sumunod naman sila dito bitbit ni Jaypee ang juice habang dala naman niya ang mga baso. Naabutan nilang nagtatawanan ang mga ito habang naglalaro ng snake and ladder. Imagine mga hunk na businessman nakikipaglaro ng pambatang board game sa kapatid niya. Napailing na lang siya habang nangingiti.