Chapter 9

897 Words
Habang naglalaba siya isinabay na rin niya ang pagluluto ng tanghalian nila. Kapag wala kasing pasok siya na ang nagluluto ng pagkain ng nanay niya isinasakop na rin niya ang mga kasama nitong tindera at boy sa tindahan. "Ella,tulungan mo nga muna ako sa paghahanda ng pagkain nina Mama. , Lumapit naman ito sa kanya at tumulong sa pagbalot ng mga pagkain. "Kumain ka na at pagkatapos mo ihatid mo na ito sa kanila ha?. ,tatapusin ko pa kasi yung mga labahin. ,sabi niya dito. Tumango naman ito sa sinabi niya. Iniwan na niya ito at binalikan ang mga labahin sa likurang bahagi ng bahay nila. "Ate,punta na ako kina Mama. Babalik din ako agad kasi may pupunta dito mamaya. ,paalam nito sa kanya. Hindi naman niya masyadong maintindihan ang huling sinabi nito kasi nagda-dryer na siya. Tumango na lang siya dito. "Ate,baka gusto mong magpalit ng damit. ,maaakit mo siyang masyado diyan sa suot mo. ,napakunot naman ang noo niya ng makitang nasa harap na niya ito. Nakapamewang pa ito sa harap niya. "Bakit andito ka pa? Ihatid mo na nga yang pagkain nina Mama,bilisan mo na. , "Ate,hindi mo ba ako narinig? Kanina pa ako nagsasalita dito hindi mo naman pala ako naiintindihan. ,nakasimangot na sabi nito sa kanya. "Bakit ba? Ano na naman bang problema mo? Pumunta ka na ha,tanghali na gutom na yun sina Mama. ,nakasimangot din na sabi niya dito. "Bahala ka nga,buti na lang sexy ka kaya carry mo yang suot mo. .,una na ako balik din ako kaagad ate. , Napatingin naman siya sa suot niya. Nakasuot siya ng sexy short at saka jersey top na may muse na nakalagay sa likod. Ano bang problema sa suot ko eh palagi namang ganito ang suot ko kapag nasa bahay lang ako. ,napailing na lang siya sa inasal ng kapatid niya. Itinaas niya ang kanyang mga paa sa upuan na nasa harap niya. Nakaupo siya sa kubo na nasa likod ng bahay nila. Napaunat siya ng likod ng maalala ang nangyari sa kubo. At ang pwesto niya ngayon ay ang naging pwesto niya kagabi at sa tapat niya ang lalaking yun. Nag-init ang mukha niya ng sumagi na naman yun sa isip niya. Napaigtad naman siya ng maramdaman na may nagbukas ng gate nila. Naisip niya si Ella yun kaya muli siyang bumalik sa pagkakaupo. Kinalikot niya ang kanyang cellphone at inilagay ang headset sa kanyang tenga. Isinandal niya ang kanyang ulo sa upuan at pumikit. Sandali pa lang siyang pumipikit ng maramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Bakit parang marami sila. . ,napakunot-noo siya ng makasamyo siya ng pabango ng lalaki. Lalaki ba ang bisita ni Ella? Pilit niyang inignora ang mga bagong dating pagod kasi talaga siya. Hanggang sa maramdaman niyang tila may mainit na hanging dumadampi sa mukha niya. Napamulat siya ng mata at napasinghap siya ng mabungaran ang mga matang kulay tsokolate at makakapal na kilay. Oh shiz! Ang mga paru-paro nagbubunyi na naman. . .,bumaba ang tingin niya sa labi nito ang pula-pula nito tapos ang nipis. . ,parang pang-babae ang labi niya. Napataas muli ang tingin niya dito. ,ang buhok niya parang ang sarap haplusin. , Literal siyang napatalon ng makarinig ng isang tikhim dahilan upang magka-untugan sila ng lalaking parang mahahalikan na siya sa sobrang lapit sa kanya. "Aray naman!. . ,napangiwi siya at napahawak sa noo na nasaktan. Sakto naman paghawak niya lumapat ang kamay ni Jaypee sa noo niya. Napaigtad siya ng maramdaman ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya. "Are you okay?. ,tanong nito habang hawak ang kamay niya. "A-ah. . ,yes i'm okay. ,ibinaba niya ang kanyang mga paa sa upuan at agad na tumayo. Nakita niya ang dalawa pang kaibigan nito na nakatayo sa gilid ni Jaypee at ang kanyang kapatid na nakangisi sa kanya. Nang muli niyang tingnan si Jaypee. ,nakaigting na ang panga nito na nakatingin sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito habang pinapasadahan siya nito ng tingin. Narinig niya ang pagmumura nito na ikinatawa ng mga kaibigan nito. Nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang palapulsuhan niya at hilahin siya papasok ng bahay nila. Nang makapasok sila hila pa rin siya nito habang paakyat sa hagdan. Pilit naman niyang binabawi ang kamay mula dito. "Ano ba,bakit ka ba nanghihila?. .,naguguluhang tanong niya dito. "Where is your room?. ,madiing tanong nito sa kanya. "A-ano? Ano bang problema mo? Bakit mo hinahanap ang kwarto ko. ,kung makahila ka wagas huh!. ,napipikong sagot niya dito. "Just tell me where is your f*****g room. ,damn it!!sigaw nito sa kanya. Napaatras naman siya sa pagsigaw nito. Natakot siya sa galit na nakikita sa mga mata nito. Pero hindi rin niya alam kung anong nagtulak sa kanya para ituro ang kwarto niya. Muli siyang hinila nito at ipinasok sa loob ng kwarto niya. Pinaupo siya nito sa kama niya at nagsimula itong maghalungkat sa kabinet niya. Lumapit siya ditatpilitit itong inaawat sa ginagawa nito. "A- ano bang ginagawa mo? Bakit mo pinapakialaman ang mga damit ko?. .,natatarantang awat niya dito. Marahas itong nagpakawala ng hininga at matalim siyang tinitigan. Nagtagal ang tingin nito sa mga binti niya. Nag-init ang pisngi niya sa ginawa nito. "Change your f*****g clothes. . ,damn it! Your exposing too much skin. . ,ako lang dapat ang makakakita niyan. ,ako lang kasi akin ka lang. . . ,tandaan mo yan. . ,YOU ARE MINE. . !!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD