Alas-diyes na ng umaga ng magising siya. Late na rin kasi siya nakatulog at naiinis siya sa dahilan nun. Napuyat lang naman siya dahil sa lalaking yun.
Naiinis siya kasi hindi maalis sa sistema niya ang ginawa nitong paghalik sa kamay niya. Eh kasi naman first time ko kaya yun. Nakakaloka man isipin pero alam mo yung pakiramdam na sa simpleng halik sa kamay may kung binuhay sa sistema ko yun. Parang bigla nagkaroon ng butterfly garden sa loob ng katawan ko. Para bang nagbunyi sila dahil doon. Nakakapangatog ng tuhod sa kamay pa lang yun paano na lang kung sa. . . ,ay naku! Masama ito. . ,masama ito. Kailangan ko itong pigilan.
Bumaba na ako para makapag-almusal. Sabado ngayon. ,nakaalis na sigurado si Mama at si Papa. Naabutan niyang naglilinis ng sala si Ella. Binati siya nito ng may nanunudyong ngiti sa labi.
Tinaasan naman niya ito ng kilay at nagdire-diretso na sa kusina. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.
"Tinanghali ka yata ng gising,'te? Let me guess napuyat ka kakaisip dun sa halik ni kuya Jaypee no?. ,tukso nito sa kanya.
"Tigilan mo ako Ella ha. . ,ang aga-aga nang-aasar ka! Naipon mo na ba yung mga labahan?. ,
"Opo,alam ko naman na tatanghaliin ka ng gising kaya nilabhan ko na babanlawan mo na lang yun,ate. ,
Sila kasi talagang dalawa ang naglalaba hindi na nila inaasa yun sa nanay nila. Meron namang washing machine kaya hindi naman sila nahihirapan. Tumango siya sa sinabi nito at ipinagpatuloy ang pag-aalmusal.
Umupo naman ang kapatid niya sa harap niya. Kumuha ito ng tinapay at nakangising humarap sa kanya.
"Ate,crush mo ba si kuya Jaypee?. ,
Muntik na niyang maibuga sa mukha nito ang kapeng iniinom niya buti na lang napigilan niya.
"Ewan ko sa iyo. ,kung anu-anong itinatanong mo diyan.
"Bakit naman ate,. ,ang gwapo gwapo kaya niya. Sa kanilang tatlo kaya siya ang pinaka-gwapo. ,eh di ba mahilig ka sa crush. ,so ano ate crush mo siya no?. ,pinisil pa nito ang pisngi niya.
Sa halip na sumagot iniwan niya ito sa mesa. Hinugasan niya ang mga pinagkainan. Akala niya titigil na ito sa pagsasalita hindi pa rin pala.
"Alam mo,ate. . ,ang successful na niya sobra. ,model pala siya tapos businessman pa. Meron siyang pag-aaring hotels as in hotels ate tapos hindi lang dito sa atin meron pa siyang mga branches sa ibang bansa. Tapos ate isa siya sa mga pinakama-impluwensiyang businessman sa buong Asia as in Asia ate. ,ang swerte mo ate pag naging dyowa mo siya. ,mahabang litanya nito sa kanya.
"Paano mo nalaman lahat yan?. ,taas-kilay na tanong niya dito.
"Hello,ate. ! Uso na Google. ,friends na nga kami sa sss eh. ,sosyal niya di ba nasa google siya. ,
Napailing naman siya sa sinabi nito. Umakyat na lang siya sa kwarto para kunin yung iba pa niyang labahan.
Palabas na siya ng kwarto ng tumunog ang message tone ng cellphone niya. Kinuha niya ito sa ibabaw ng tokador niya.
Napakunot ang noo niya ng makitang galing ito sa isang unknown number. Binasa na rin niya. ,baka kasi importante.
Nanlaki ang mata niya sa nabasang mensahe. Paano niya nalaman ang number ko?
"Good morning,my queen! I hope nakatulog ka ng maayos kasi ako hindi. . ,hindi ka kasi mawala sa isip ko. . ,