Napatawa naman si Mayor sa ginawang pagtakbo ng babae.
"Hay,naku yang dalaga mo pare nakakatuwa talaga. Naku! Kung ako lang ang masusunod gusto ko siya para kay Wade. . ,kaya lang alam mo naman yung anak kong yun. . ,ni hindi na nga naliligaw dito. .,masyado ng nawiwili sa buhay na malayo sa amin. ,anito kay mang Rey.
"Eh di ba iniimbitahan mo siyang maging judge sa beauty contest na gaganapin para sa fiesta? Ano bang sabi niya?. ,tanong naman dito ni Mang Rey.
"Hindi pa raw siya sigurado pero sabi niya pinakiusapan na niya itong si Jaypee na pumalit sa kanya kung sakaling hindi siya available. ,tumingin naman ito sa gawi niya na tila ba humihingi ng kumpirmasyon.
"Ahm,yes po. .,Tito nabanggit niya po yun sa akin. Paki-inform na lang
ako kung kailan po yung pageant. . pupunta po ako,Tito.. ,sagot niya dito.
Tumango naman ito sa sinabi niya. Maya-maya pa naramdaman nila ang mga paparating na yabag. Napaangat siya ng tingin at muli nasilayan ang babaeng kanina lang ay tumakbo palayo sa kanila.
Tila nahihiya itong tumingin sa gawi nila. Hindi ito umiimik pero nagmano ito sa mga kasama nila sa mesa. Huli nitong nilapitan si Mayor.
"Tito D,magandang gabi po! Kumusta na po kayo?. ,hindi pa rin ito tumitingin sa gawi nila. Naghanap ito ng upuan.
Lihim siyang napangiti ng makitang ang upuan na nasa tapat niya na lang ang bakante. Napakunot naman ang noo niya ng makitang tila dismayado ito ng makita ang upuan.
Ayaw ba niya sa tapat ng upuan ko? What the???
Wala rin naman siyang nagawa kundi umupo sa tapat ko. Ngumiti ito sa kanila ng makaupo.
"Hi,i'm Warren. .,this is Jayson and Jaypee. .,at inilahad ni Warren ang kanyang kamay na agad naman nitong tinanggap maging Kay Jayson nakipagkamay siya. ,
Inilahad niya ang kanyang mga palad sa akin pero sa halip na makipagkamay kinuha ko ito at hinalikan ang likod ng kanyang mga palad. Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin at ang mahinang pag-ubo ng dalawa kong kaibigan pero wala akong pakialam pasalamat nga sila kamay lang ang hinalikan ko.
Kitang-kita ko naman ang pamumula ng mga pisngi niya. So cute!
"What's your name,my queen?. ,again i hear gasps from the people surrounding us. ,nararamdaman ko ang panlalamig ng kanyang mga palad na hanggang ngayon hindi ko pa rin binibitiwan.
"E-loisa. ,my name's Eloisa Jade. ,binawi nito ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Umupo na siya at kumuha na ng makakain niya.
Kahit na nakayuko siya hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na titigan siya. Banyaga sa akin ang nararamdaman ko pero aaminin ko masaya ako sa nararamdaman kong kakaiba sa kanya.
I've been with so many girls before at kahit kailan hindi ko pa naramdaman itong nararamdaman ko ngayon para sa babaeng nasa harapan ko.
Seems like dito ko pala matatagpuan sa lugar na ito ang babaeng makakapag-pa-abnormal ng t***k ng puso ko.
"Damn,i guess I finally found her. . !!. ,mahinang bulong ko enough para marinig ng mga kaibigan ko. Napangisi naman ang mga ito at halos sabay pang pabulong na nagkomento.
"Yeah,bro. . ,finally. ,!