"Jayson,kanina ka pa tahimik ah! . , untag niya dito. Kasalukuyan silang bumibyahe patungong Brgy. Osmeña.
Titingnan kasi nila yung planta na ang sabi sa kanila ay parerentahan kung merong may interesado. Sabi ni Jayson okay naman daw ang lokasyon. Nasa tabing-dagat at bukod pa doon may mga makinarya pang pwedeng magamit.
Ilang araw na kasing nauna sa kanila si Jayson dito para tingnan nga yung mga posibleng business ventures dito. Nakausap pa nga niya mismo yung Mayor ng bayang ito tungkol doon at masasabi niyang may posibilidad nga na mag-invest sila dito kaya ginusto niya ding sumama para makapag-relax na din.
Sa totoo lang dito nakatira ang isa niyang Tita. According sa Mommy niya isa na itong principal sa school dito. Balak nga niya itong sorpresahin kapag natapos na niya ang mga gawain niya. At sa totoo lang din yung isa pa nilang kaibigan si Warren tatay lang naman yung Mayor dito. Masyado talagang malihim yung isang yun.
Nagulat na lang sila ni Jayson ng biglang magmura si Marc sa backseat.
"The f**k!!! Baliw talaga yung babaeng yun. ,!!halos gusto na nitong ibato ang cellphone niya sa sobrang inis na nararamdaman.
"Problem,bro?tanong niya dito. Si Jayson naman ay muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
"Wala,wala. . ,don't mind me!! . ,isinuksok nito ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at sumandal sa upuan.
Napabuntong hininga na lang siya. Anuman ang pinagdadaanan ng mga ito alam naman niyang hindi nito maaapektuhan ang sadya nila dito. Pero kahit papaano nag-aalala naman siya sa mga ito. . ,ang mga ito na kasi ang itinuring niyang kapatid since nag-iisa lang siyang anak.
Nakita niyang lumiko ang sasakyang sinusundan nila. Napansin niyang maayos naman ang kalsada dito. Huminto ang sasakyan sa isang malaking gate. Hininto na rin niya ang sasakyan,nauna ng bumaba ang mga kaibigan niya. May lumabas na security guard mula sa malaking gate,kinausap ito ng Mayor at binuksan naman nito ang malaking gate.
Lumapit sila sa gate,binati naman sila ng guard. Kinausap ni Jayson ang guard kung pwedeng iwan na lang dito sa labas ng gate ang sasakyan nila at lalakarin na lang nila papasok.
Tumango naman ang guard. Nagpatiuna na si Mayor sa paglalakad. Malawak ang paligid ng planta mula sa kinatayayuan nila malapit sa gate kitang-kita ang malalaking tila bodega. Sa gawing kanan nila nakatayo ang tatlong palapag na building marahil ito ang opisina.
Sinalubong sila ng tatlong lalaki. ,Isang pilipino at dalawang indiyano. Ito na marahil ang nagmamay-ari ng plantang ito. Sinalubong ito ni Mayor at nakipagkamay.
"Ako na lang magda-drive,bro!. ,ani Jayson. Hindi na siya tumanggi medyo pagod na rin kasi siya dahil sa paglalakad. Malawak nga ang planta. .,napag-usapan na nilang tatlo kanina na interesado sila pero ang gusto ni Warren bilhin na nila ito. Isasangguni pa naman daw ito sa kataas-taasan ayon sa nakausap nilang katiwala nito na si Mr. Shukka.
Muli nilang sinundan ang sasakyan ni Mayor. ,inaya sila nitong kumain sa bahay diumano ng kaibigan nito. Kaibigan pala nito ang bodyguard na kasama nito. Ayon dito retired policeman diumano ito,masarap daw magluto ang asawa nito sabi ni Mayor.
Huminto ang sasakyan sa isang dalawang palapag na bahay. Sinalubong sila ng isang dalagita. Yumakap ito kay Mang Rey at nagmano naman ito kay Mayor. Ngumiti naman ito sa kanila. Yumakap ito sa bewang ni Mang Rey at inaya na sila sa likurang bahagi ng bahay.
Nakita nila doon ang isang medyo may kalakihang kubo. Isang mahabang mesa ang nasa gitna nito na may lamang iba't-ibang putahe ng pagkain. Tingin pa lang niya masarap na talaga ang mga nakahain.
Mula sa isang pinto lumabas ang isang dalaga na may mga dalang mga plato. Narinig niya ang mahinang pagmura ni Jayson sa tabi niya. Parehong kunot ang noong napatingin sila ni Warr kay Jayson na ngayon ay nakangisi habang pinagmamasdan ang nakatalikod na babae.
"Ate Ara,andito na po sina Tito D at si Papa. . ,plus may mga kasama pong pogi. ,sabay tingin sa kanila ng dalagita at nag-peace sign pa ito. Napalingon naman sa kanila ang tinawag na Ara. Nagmano ito kay Mang Rey at kay Mayor. Humarap sa kanila si Mayor at ipinakilala sila sa dalaga.
"Ara,sila yung mga investor na kasama ko. This is Warren,Jaypee and Jayson. . ,mga kaibigan din sila ng anak ko na si Wade. ,
Nakipagkamay naman sila sa dalaga. ,pero ng dumako ang tingin nito kay Jayson tila alanganin ang ngiti nito. Nakita naman nilang pinisil ni Jayson ang kamay nito. Agad namang namula ang dalaga. Naramdaman naman niya ang pagsiko sa kanya ni Warren. Ngumiti naman siya dito.
"Upo na po kayo,mabuti na lang po nakapaghain na kami bago pa kayo dumating. ,sabi nito sa kanila.
"Siya nga pala,iha ang Papa mo ba nasa seminar pa?tanong ni Mayor dito.
"Ah,opo. ,pinapasabi nga po niya pasensiya na daw po at wala siya dito. ,
"Okay lang kamo,hindi pa naman kasi napa-finalize ang usapan.. ,tumingin sa kanila si Mayor. ,"Alam niyo kasi mga iho ang tatay ni Ara ang kasalukuyang kapitan ng barangay na ito."
Napatango naman sila sa sinabi nito. Maya-maya pa may lumabas na dalawang medyo may edad ng babae sa parehong pinto na nilabasan kanina ni Ara. Humalik ang isang babae sa pisngi ni Mang Rey marahil ito ang kanyang asawa. Ang isa naman at tumabi kay Ara.
Tiningnan sila ni Mang Rey at ipinakilala ang mga bagong dating.
"Siya nga pala mga iho. ,eto ang aking asawa si Elaine at ito naman ang nanay ni Ara at siyempre asawa ng kapitan namin si mareng Amber. ,anito sa kanila.
Tumayo naman sila at nakipagkamay sa mga ito. Ngumiti naman ang mga ito sa kanila.
"Naku! Ang popogi naman nitong mga binatang ito. . ,teka mga binata pa ba talaga kayo?. ,tanong sa kanila ng asawa ni mang Rey na si Tita Elaine.
Napatango na lang sila sa tanong nito. Humagikhik naman ang dalawang ginang.
"Naku naman,mare! Mukhang mahiyain pa ang mga ito. ,oh sige na mga iho kumain na kayo alam naming gutom na kayo. Sana magustuhan niyo ang mga hinanda namin.. ,sabi sa kanila ni Tita Amber.
"Ella,nasaan nga pala ang ate mo?. ,narinig nilang tanong ni Mang Rey sa dalagitang ang pangalan pala ay Ella.
"Ay naku,Papa nagseminar po sila sa Daet. Pero nagtxt na po siya sa akin pauwi na po siya sabi niya nasa tricycle na po siya. ,sagot naman nito.
"Ganun ba? Ikaw,Ara wala ka bang seminar?. ,tanong naman nito kay Ara.
Sumulyap muna ito sa kanila bago sumagot.
"Tapos na po kasi ako,Tito. Nahuli po si Jade kasi nagkaiba po kami ng schedule. ,paliwanag naman nito.
"Ay,Papa alam mo ba ang galing ni ate kasi po nag-champion po yung mga student niya sa quiz bee kahapon. ,sabi nung Ella sa tatay niya.
"Naku Ella. ,nagtaka ka pa sa ate mo. ,pareho kayong magaling nun. ,sabi naman ni Mayor.
Nagulat sila ng marinig ang tila pabagsak na pagsara ng pinto. Napatayo naman si Ara sa kanyang upuan at pumasok sa loob ng bahay.
Napailing naman ang dalawang ginang at napangisi naman si Mayor.
"Naku,hulaan ko may nagbalak pumorma sa dalaga mo kaya badtrip yun. , sabay halakhak ni Mayor.
Napatawa naman si Mang Rey at lalong napailing ang dalawang ginang.
Maya-maya pa naramdaman nilang may papalabas sa pinto habang tila nagtatalo.
"Hay naku! Huwag mo na nga akong sermunan Ara. ,naiinis ako sa kanya. ,feeling gwapo para nag-smile lang ako sa kanya sabihin ba namang hey! This is my number call me if you need someone to warm your bed. ,aaarrghh!!nakakainis. ,
Nakatalikod ito sa kanila habang nagsasalita. Masusi niyang pinagmasdan ang likuran nito.
Damn! Ang sexy niya. ,and f**k her voice. . ,why do I suddenly feel so weird?. ,damn,these f*****g heartbeat. ,
Umayos siya ng upo gayundin ang dalawang katabi niya. Dahan-dahan naman itong humarap sa kanila. ,siniguro niyang sa kanya ito nakatitig.
Napaawang ang mga labi nito habang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya ito tinantanan ng titig.
Shit!! Is she real. ,she is so f*****g beautiful. ,
Matagal na rin silang nagtititigan ng maramdaman niyang sinisiko na siya ng dalawa. Sinulyapan niya lang ang dalawa at inginuso naman ng mga ito ang mga tao sa harap niya.
Nakatingin sa kanila ang lahat. Tumikhim naman si Ara dahilan upang mapaigtad ito sa gulat. Lumingon ito kay Ara tapos sa kanya. Nanlaki naman ang mata nito ng muling ibalik ang tingin sa kanya.
"Oh my god!!. . ,sabay takbo nito pabalik ng bahay. Nagulat naman silang lahat sa ginawa nito.