Nagmamadali siya sa pagtungo sa library ng school ni hindi na nga niya nasusuklian ang pagbati ng mga estudyanteng nakakasalubong niya. Ngumingiti na lang siya sa mga ito.
Biglaan naman kasi ang pagpapatawag ng faculty meeting. Kanina pa nga siya tinitext ni Ara. .. ,
Hinihingal pa siya matapos umakyat ng hagdan. Nasa second floor kasi ang library nila.
Nanlumo naman siya ng makasalubong niya ang mga co-teacher niya.
Oh my god! Tapos na agad ang meeting?. . , Tumuloy pa rin siya kasi kailangan niya mag-explain sa principal nila. Malayo pa siya kita na niya ang malawak na ngiti ni Ara. Kahit ang principal nila ay nakangiti din sa kanya.
"Madam,sorry po! Nagre-review po kasi kami nung estudyante ko na ilalaban sa quiz bee hindi ko po namalayan ang oras. . . ,pasensiya na po!. . wika niya sa kanilang principal.
Natawa naman ito sa kanya.
"Okay lang yun,Eloisa. . ,alam ko namang busy ka. ,si Ara na lang ang bahalang magsabi sa iyo ng pinag-usapan sa meeting. Sige,i'll go ahead na. . ,paalam nito sa kanila. Tumango naman sila dito.
Sinabi sa kanya ni Ara na tungkol sa mga activities para sa buwan ng wika ang agenda ng meeting. Okay lang naman daw na wala siya dun kasi nakatoka na nga siya bilang coach ng mga estudyanteng ilalaban sa quiz bee.
Dumiretso siya agad sa kwarto pagka-uwi niya. Pagod na pagod siya. . ,parang drain na drain ang utak niya dahil sa pagtuturo tapos coach pa siya para sa quiz bee.
Pakabihis niya humiga muna siya. . ,antok na antok talaga siya. Pipikit na sana siya ng maramdaman niyang may pumasok sa kwarto niya.
"Ate,okay ka lang ba?. . ,tanong sa kanya ni Ella.
"Oo naman,medyo inaantok lang ako,bakit may kailangan ka ba?
"Huwag ka na matulog sabi ni Papa gusto niya tayong makasabay magmiryenda aalis kasi sila ni Mayor. ,
"Saan naman sila pupunta?
"Sa Manila. . ,may kakausapin daw na investor si Mayor pag nagkasundo daw malamang kasama na nila pagbalik. . ,'lika na ate. ,
"Oo na,babangon na nga. ,
Magkasabay silang pumunta ng kusina ng kapatid niya. Naabutan nilang nag-uusap habang kumakain ng pansit ang kanilang mga magulang. Kumuha siya ng dalawang plato kumuha muna siya ng para kay Ella bago sa kanya.
"Ilang araw po ba kayo doon Papa?. ,tanong niya dito.
"Isang araw lang naman anak. Matagal na rin kasing nililigawan ni Mayor yung investor na yun kaso masyadong busy eh tumawag kahapon yung sekretarya nung investor pumayag na raw makipagkita sa kay Mayor. ,
"Ganun po ba?ingat sa byahe Papa ha,ngayong gabi na po kayo aalis?
"Oo anak. ,bahala na muna kayo dito. ,
Pagkatapos nila magmiryenda sakto namang dumating na ang sundo ng Papa niya. Sumabay din dito ang Mama niya pupunta pa kasi ito ng tindahan kapag kasi aalis ang Papa niya umuuwi muna si Mama para makasabay namin si Papa kumain tapos babalik uli siya sa tindahan.
"Ate ako na lang magluluto ng dinner natin,pahinga ka na lang uli. ,
"Sige,salamat? Dito na lang ako sa sala magpapahinga. ,
Pareho naman silang marunong magluto na kapatid niya. Ang sabi kasi ng Mama nila dapat matutunan nila ang pagluluto kasi importante daw sa isang babae ang marunong sa kusina. Kaya kahit na 13 anyos pa lang si Ella marunong na ito sa kusina.
--------
Maaga siyang gumising ngayon pupunta kasi siya ng Daet para sa isang seminar. Kagagaling lang nila doon kahapon pero babalik na naman siya.
Napangiti naman siya ng maalala ang nangyari kahapon. Nagchampion kasi sila sa quiz bee at masaya siya para doon.
Pagbaba niya sa kusina siya namang pagdating ng Mama niya na maraming dalang pinamili.
"Para saan yan,Mama? Kayo lang po ba magluluto niyan?tanong niya dito habang nagtitimpla ng kape.
"Tumawag kasi sa akin yung Papa mo pauwi na daw sila at kasama na nila yung mga investors. Baka mamayang hapon pa yung dating nila eh sabi ni Mayor kung pwede ipagluto natin sila at dito na lang sila kakain. ,
"Bakit naman po dito pa? Tsaka sino pong katulong niyo pagluto,may seminar ako,Ma. ,marami po ba sila?
"Namimiss na raw kasi ni Mayor ang kubo natin sa likod kaya nga gusto niya dito. Maaga ka naman uuwi di ba? Gumawa ka ba kagabi ng dessert anak?. ,ang sabi ng Papa mo anak tatlong investors yung sasama sa kanila. ,tutulong sa akin si Tita Amber mo,pupunta na lang yun dito mamaya. ,
"Uuwi na lang po ako kaagad kapag maaga pong natapos. ,
"Si Ara ba hindi mo kasama. ,
"Hindi po kasi tapos na po siya. . ,pero may pasok po siya ngayon. Sige po,Ma mauna na po ako. ,lumapit siya sa kanyang ina at humalik sa pisngi nito.
"O siya,mag-ingat ka ha?!. .,Bilin nito sa kanya.