Chapter 3

683 Words
"Hey,Jade sabay na tayo umuwi. ,!ani Ara na nakadungaw sa bintana ng classroom niya. "Sige! Tapusin ko lang pag-check nitong long quiz tapos daanan na lang kita sa room mo. . Tumango naman ito sa kanya at umalis na rin sa may bintana. Naglalakad na siya papunta sa classroom ni Ara ng mapansin niya ang ilang kababaihang estudyante na nagkukumpulan. Sobrang abala ng mga ito na hindi man lang namamalayan na nakalapit na siya. Base sa guhit sa necktie ng mga ito nasa ikatlong taon na ang mga ito. Nilibot niya ang kanyang paningin uwian na pero meron pa rin namang ilang estudyante karamihan galing sa library pero itong mga nasa harap niya busy sa kung anumang tinitingnan sa isang cellphone. Napataas ang kilay niya ng sabay-sabay na impit na tumili ang mga ito. Tumikhim siya ng malakas dahilan para mapatingin ang mga ito sa kanya. Natataranta namang itinago ng isa ang cellphone na kanina lang halos pag-agawan ng mga ito. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ng estudyanteng nagtago ng cellphone. Gusto lang naman niyang malaman kung anong tinitingnan ng mga ito malay ba niya kung porn na pala ang tinitingnan ng mga ito bawal siyempre yun. Nanginginig naman ang estudyante na binigay sa kanya ang hawak na aparato. Nangunot ang kanyang noo ng makita ang picture ng isang lalaki na nakapantalon lang walang pang-itaas na damit. Napalunok siya ng makita ang mga pandesal nito. At ng tingnan niya ang mukha nito hindi niya namalayang napatagal ang tingin niya dito. Ang ganda ng mata. Oh my god! Bakit ganito? Pakiramdam niya kahit sa picture lang nakakapangatog ng tuhod ang mga tingin nito. Ang dimple nito sa kaliwang bahagi ng pisngi nito nakabalandra sa pagkakangiti nito. Narinig niya ang mahinang paghahagikhikan ng mga estudyante sa harap niya. Napakurap siya at napailing. Aminado naman siya kulang ang salitang gwapo para idescribe ang lalaki kaya pala kilig na kilig ang mga ito. "Kayo ha,bakit hindi pa kayo umuuwi? Napayuko naman ang mga ito sa sinabi niya. Friendly siya sa mga estuyante niya palibhasa hindi niya hawak ang mga ito kaya siguro natakot. Ngumiti siya sa mga ito at ibinalik ang cellphone dito. "Sino ba itong ini-stalk niyo ha? In fairness girls gwapo siya. , "Enrico Jaypee Villanueva po,Mam Elizalde. . ,may balita po kasi na pupunta siya dito ngayong fiesta ng Jose Panganiban po. . ,friend po kasi siya nung anak ni Mayor na panganay. May balita po kasi na isa siya sa magiging judge sa gaganaping search for Ms. Jose Panganiban. . ,wika ng estudyanteng nasa harap niya. Napatango na lang siya sa sinabi nito. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang dalawang estudyante sa likod at nakangiti habang nagbubulungan. Ngumiti siya sa mga ito. "Uwi na kayo ha. . ,huwag magpapagabi. ,bilin niya sa mga ito. Napatango naman ang mga ito sa sinabi niya. Patalikod na siya ng tawagin siya ng dalawang estudyanteng nagbubulungan kanina. Nakangiti siyang lumingon sa mga ito. "Mam Elizalde,bagay po kayo ni poging Jaypee. . ,ang ganda ganda niyo po kasi. . ,nakangiti namang tumango-tango ang mga kasama nito. "Kayo talaga! Umuwi na kayo ha. . , "Sure na sure ako Mam pag pumunta yun dito magugustuhan po kayo nun. Kayo po kaya ang pinakamagandang teacher dito. . ,tsaka single naman kayo Mam di ba?single din po si poging Jaypee kaya bagay na bagay kayo. . ,kinikilig pang sabi nito. 'Ewan sa inyo. . ,puro kayo kalokohan. . ,iniwan na niya ang mga ito. Nakasakay na sila ni Ara sa tricycle. Dadaan muna sila sa palengke,may bibilhin kasi si Ara sa grocery ng nanay niya. May maliit kasing grocery ang nanay niya. Malapit sa terminal ng tricycle na byahe papunta sa kanila. . ,byaheng Osmeña. Ang tatay naman niya nagtatrabaho sa kanilang Mayor bilang bodyguard. Retired police kasi ito. Ayaw na nga nila sanang pagtrabahuin ito kaya lang naiinip daw ito sa bahay. Nagkataon namang ka-batch at kaklase pa nito sa highschool ang kanilang Mayor kaya naisipan nitong mag-apply na bodyguard dito. Pinayagan na lang nila wala na rin naman silang magagawa malakas pa naman kasi ang tatay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD