Naghahain pa lang ang kanyang ina pag-uwi niya. Agad naman siyang nagmano dito.
"Si papa ma,kasabay niyo po ba umuwi?". ,tanong niya dito.
"Oo nagbibihis lang. ,galing ka daw kina Ara?. ,tanong naman nito sa kanya.
"Oho,may sinabi lang ho sa akin si Tito Arman. ,tawagin ko lang ho si Ella tsaka si papa. ,
Umakyat siya sa second floor ng bahay nila at kumatok sa kwarto ng mga magulang. Nagmano siya sa kanyang ama at inaya itong kakain na. Sunod niyang pinuntahan ang kwarto ni Ella. Naabutan niya itong naka-indian sit sa kama habang nagbabasa ng libro. Masyado yata itong abala sa ginagawa at hindi man lang namalayan ang pagpasok niya. Dahil nakatalikod ito sa kanya dahan-dahan siyang lumapit dito. Tinapik niya ang balikat nito at napatalon naman ito sa gulat. Natawa naman siya sa reaksyon nito.
"Ate naman,ba't ka ba nanggugulat?. ,kaloka ka ha?!. . ,naiinis na sabi nito.
"Kakain na. . ,bumaba ka na ha. ,natatawa namang sabi niya dito.
Pagkatapos nilang kumain magkatuwang nilang niligpit ni Ella ang mga ginamit nila. Pagkatapos nun ay nagpaalam na siyang aakyat na sa kwarto may tatapusin pa kasi siyang lesson plan. Paakyat na siya ng tawagin siya ng kanyang ina. Nanonood ito ng teleserye.
"Bakit ma?
"Ano bang sadya sa iyo ni Arman iha at pinatawag ka sa bahay nila? ,napatingin naman sa kanya ang papa niya at ang kapatid niya sa tanong ng mama niya.
Naupo siya sa sofa katapat ng papa niya.
"Eh kasi papa. .,mama. ,kinukuha po kasi nila akong representative ng barangay natin sa beauty contest na gaganapin para sa fiesta sa bayan. ,napatayo naman ang kapatid niya patiling inuga uga ang katawan niya.
"Oh my gosh ate???!!!for real,sasali ka sa pageant?. .,I'm so gonna support you ate. ,I'm sure itataob mo silang lahat. ,binitiwan siya nito at pumalakpak habang tumitili.
Sinita naman ito ng kanyang ina. Umupo naman ito habang nakangiti pa rin.
"Ang ingay mo naman,pag narinig ka ng mga kapitbahay. ,makatili ka. ,sabi naman niya dito. Tinaasan lang siya nito ng kilay at muling ngumiti.
"Pumayag ka ba?. ,tanong naman na kanyang papa.
Tumango naman siya sa sagot nito. Napangiti naman ang kanyang ina.
"Huwag kang mag-alala anak,susuportahan ka naming hanggang dulo. ,kahit na first time mong sumali sa ganyang contest alam ko kaya mo yan. ,aba!elizalde ka yata at siyempre beauty and brain pa,di ba bunso?. ,sabay tingin nito sa kapatid niyang panay naman ang text. Thumbs up naman ang naging tugon nito.
Hay naku!buti na lang talaga very supportive ang mga parents nila sa bawat gagawin nilang magkapatid. Well sinisiguro naman nilang hindi sila basta basta na pumapasok sa isang sitwasyon without telling their parents.