"Ate,saan ka pupunta?tanong ng kapatid niyang si Ella. Dalawa lang silang magkapatid. ,siya ang panganay. ,malaki ang agwat ng edad nilang magkapatid,siya ay 23 years old samantalang ito ay 13 years pa lang sabi nga ng mga mahadera nilang kapitbahay menopause baby daw ang kapatid niya. Asus! If I know inggit lang sila ang ganda kaya ng lahi namin. ,pakiramdam ko nga pag sinasabi nilang swerte sina mama kasi pareho daw kaming maganda ni Ella parang gusto nilang magkaroon ng katulad ng lahi naming sa pamamagitan ng papa ko. Napangiwi naman ako sa naisip ko,ipinilig ko ang aking ulo. ,kadiri overload kaya yun!ewwness to the max. ,sinulyapan kong muli ang kapatid ko na until now ay nakatingin at naghihintay ng sagot mula sa akin.
"Punta lang ako kay Ara saglit babalik din ako agad bago mag-dinner. ,paalam niya dito. Napangiwi naman ito sa sagot niya.,"Tsss,mukha mo Ella,sandali nga lang ako. ,may sasabihin daw kasi siya sa akin. ,Ewan ko ba doon uso naman mag-_text kung bakit gusto pang puntahan ko siya. ,"
"Sana,ate pagbalik mo magka-boyfriend ka na. ,bulong naman na kapatid niya na alam niyang sinadya nitong lakasan para marinig niya. Napataas na lang ang kilay niya sa sinabi nito.
"Naku! Ibinulong mo pa pwede mo namang isigaw sa akin. ,tigilan mo ako Ella ha. ,ang bata bata mo pa puro kalokohan yang naiisip mo.,sabi ko sa iyo tigil-tigilan mo yang kadidikit diyan kay Susie,nahahawaan ka ng kalandian. ,sermon naman niya dito. Nakita naman niya ang pagnguso nito sa sinabi niya.
"I just want you to be happy kaya gusto ko magka-boyfriend ka na. ,
"Aba talagang!mukha ba akong lonely. ,hay naku! Aalis na ako. ,mag-aral ka na nga lang. ,dire-diretso siyang lumabas na pintuan. Habang naglalakad siya papunta kina Ara hindi pa niya makalimutan ang sinabi na kapatid. Bakit ba atat na atat silang magka- boyfriend ako,hindi pa naman ako matanda I'm just twenty three for god sake. yung ibang mga magulang halos ayaw na magkaroon agad ng karelasyon ang mga anak nila pero ang mga magulang niya pinagtutulakan siya. ,ayun tuloy nahawa na ang kapatid niya. Everytime na aalis siya gusto pagbalik niya may bitbit siyang syota. ,ano yun parang bote ng c2 na pwedeng pulutin lang sa daan..,nakakabanas na rin kaya.
Napabuntong hininga siya at pilit na iwinaksi ang mga naiisip niya. Malayo pa siya ay natatanaw na niya ang kaibigang si Ara na nakaabang sa kanya. Nang matanaw siya nito kumaway ito sa kanya at ngumiti ng pagkatamis tamis.
Uh-oh. . , !I swear hindi ko gusto ang mga ngiting yun. Pinaningkitan niya ito na mata habang papalapit siya dito. Masasapak niya talaga ito pag nalaman niyang may binabalak na naman itong hindi maganda.
"Hi! Jade. ,jade was her second name. ,siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun. Yung iba ang tawag sa kanya Eloi tapos yung iba Eloisa talaga.
"Hi ka diyan. ,arte mo ha pinapunta mo pa talaga ako dito para lang sa sasabihin mo. ,siguraduhin mong importante yan ha. ,di pa ako tapos ng lesson plan ko kung maka-urgent ka naman kasi. ,wagas!.bungad sermon niya dito. Hindi naman ito nag-react sa sinabi niya sa halip ay iginiya siya nito papasok ng bahay nila. Maganda ang bahay nila Ara meron itong second floor tulad ng bahay nila.,katulad niya isa ring guro si Ara. Ang mama nito guro din pero retired na ito ngayon. Pareho silang guro ni Ara sa Jose Panganiban National Highschool. . ,3rd year ang tinuturuan nito habang siya ay 4th year.
Naabutan niya sa sala ang mga magulang ni Ara. Bumati siya sa mga ito ngumiti naman ang mga ito sa kanya. Nakatingin naman sa kanya ang ama ni Ara habang nakangiti. Parang kinakabahan naman siya sa ngiting yun. Ang ama ni Ara ang siyang kasalukuyang kapitan ng kanilang barangay. Mabait naman ang mga magulang ni Ara sa kanya,parang anak na rin ang turing nito sa kanya solong anak lang kasi ng mga ito si Ara. Tumikhim si Ara at napatingin siya dito. Umupo naman siya sa tabi nito katapat ng mga magulang nito.
"Actually,Jade. ,si papa ang may kailangan sa iyo kaya kita pinapunta dito. ,napatingin naman siya sa papa nito.
"Ano po ba yun,Tito Arman?nakangiti niyang tanong dito.
"A-ahhm. ,kasi iha. ,nagpatawag kahapon ng meeting si Mayor sa lahat ng mga kapitan sa bawat barangay. Nalalapit na kasi ang fiesta ng bayan natin di ba?napatango naman siya sa sinabi nito malapit na nga pala ang October pero bago yun syempre sa kanila muna magpi-fiesta at ngayong August 29 na yun exactly two weeks from now. . ,muli namang nagsalita ang Tito Arman niya." Kasi iha,ngayong taon meron silang contest yung Ms. Jose Panganiban. ,at napagkasunduan ng ating barangay council na sasali tayo. . ,at ikaw ang gagawin naming representative ng Brgy. Osmena. ,napapikit pa ang Tito Arman niya sa huling sinabi nito. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. ,ako?ako talaga?sasali sa beauty contest?. ,napatingin naman siya sa kaibigan niya na nakangiti ng alanganin sa kanya. Wala siyang karanasan sa pagsali sa mga ganun,ano bang gagawin niya. ,paano ba niya tatanggihan ito..,Baka lalo lang mapahiya ang barangay nila teacher pa naman siya.
"Huwa kang mag-alala iha. ,kaya nga sinabi sa amin ito agad para maihanda ang mapipili naming kasali. ,maghahanap tayo ng magti-training sa iyo. ,alam mo kasi iha hindi pa tayo nananalo sa mga ganitong contest at napagkasunduan namin sa session sa barangay na sasali tayo at lahat ng mga kagawad ay ikaw ang nagustuhang isali. ,may age bracket kasi iha 22-25 years old lang ang pwedeng sumali. ,pumayag ka na iha. Nangako naman ang mag-ina ko na tutulungan ka nila. ,napatingin naman siya sa kaibigan niya at nag okay sign naman ito sa kanya habang umaasam naman ang ngiti sa kanya ni Tita Amber. Napabuntong hininga naman siya. . ,may choice ba siya. . ,wala di ba?napatango na lang siya sa mga ito. Tumili naman ang kaibigan niya at niyakap siya.
"Oh my god! Thank you,friend. . ,promise mananalo tayo. ,na sa iyo na kaya ang lahat. . ,napangiwi naman siya sa sinabi nito. Bilib na bilib talaga ito sa kanya. ,kakayanin niya ito. ,sana nga. ,