EP.03

2730 Words
Bahagya niyang ipinikit ang mga mata kasabay ng pagsamyo ng kakaibang halimuyak sa paligid. Pamilyar sa kanya ang amoy na iyon ngunit hindi niya mapagtanto kung ano at saan niya iyon unang nalanghap.   "Naaamoy mo ba ang naamoy ko, Elizabeth?" baling niya sa kasama.   "O-oo... Parang ito ang pabango nang nasira mong ina."   "Hindi pwedeng mangyari ang bagay na iyan. Nakita ko kung paano nasunog ang Mama at Papa. Imposibleng si Mama iyon,"   "Pero bakit nalalanghap natin ang amoy ni Ondreea?"   "Nililinlang lang tayo ng kalaban." sagot niya rito. "Umuwi ka na, Elizabeth. Kaya ko na ang sarili ko. Gusto ko pa mag ikot-ikot." utos niya sa kasama.   "Sigurado ka?"   "Oo." sagot niya.   Nang makaalis si Elizabeth ay mabilis siyang lumipad paakyat sa pinakamataas na puno na namataan niya. Mula sa ibabaw niyon ay tiningnan niya ang lawak ng nasasakupan niya. Sa isang iglap, ang lahat ng iyon ay nanganganib sa kamay ng di kilalang kalaban. Bilang tagapagmana ng amang si Constantin, at bilang tagapangalaga ng kanyang mga kauri. Obligasyon niyang panatilihing ligtas ang mga kasama. At mabigyan ang mga ito ng tahimik na buhay.   "Bring it on, let's see kung kaya ninyong patumbahin ang kinakalaban ninyo." bulong niya sa hangin. Tiningnan niya ang buwan na unti-unting nawawalan ng liwanag upang pagbigyan ang muling pagsikat ng haring araw.   May mga manok na rin na nag iingay, hudyat na sumapit na ang bagong umaga. Kaya naman nagpasya na siyang bumaba mula sa puno at naglakad pabalik sa kaniyang mansion.   -   Hi, miss! Magandang umaga!" malakas na bati ni Iñigo ng makita ang dalaga na dadaan sa gawi niya.   "Walang maganda sa umaga." sagot niya.   "Saan ka pinaglihi ng nanay mo at napakasungit mo?"   "Ikaw, saan ka pinaglihi at napakadaldal mo?" ganting tanong niya.   "Awts, napakataray talaga ng batang 'to..." pabulong na sambit ng binata.   "Akala mo lang 'yon. Baka mas matanda pa ako sa lahat ng ninuno mo." sagot niya sa isipan.   "Wait, saan ka pupunta?" habol ng binata ng magpatuloy siya sa paglalakad.   "Uuwi."   "Dito ka muna, kwentuhan muna tayo. Tell me something about yourself. Saka ikaw lang ba ang nakatira sa bahay ninyo. I mean, ikaw lang ang lehitimong may ari at ang iba ay tauhan mo lang? Saan ang mga magulang mo? Saka bakit gusto mong bilhin ang lupa ko, samantalang napakalaki na ng pag aari mo?" sunod-sunod na tanong ng binata.   Bahagyang gumuhit ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi bago bumwelta pabalik sa binata.   "Bakit ang daldal mo? Ano ba ang ginagawa mo rito?" tanong niya ng makalapit sa binata.   "Magtatanggal ng damo, balak kong taniman ng mais ang parteng 'to ng lupa ko. Bakit?"inosenteng sagot nito.   Napahalakhak siya sa sagot ng binata at muli siyang nagtanong.   "Kaya mo bang tapusin 'yan ngayong araw?"   "Hindi yata. Magdadamo lang muna ako. Bukas na ako magtatanim, bakit nga? 'yong tanong ko kaya ang sagutin m-"   "Ssshhh..." putol niya sa sasabihin nito at kapagkakuwa'y tinitigan ang mga mata ng binata. Sa isang iglap ay nahulog sa kanyang patibong si Iñiego, dahil napasailalim ito sa kanyang hipnotismo.   "Inuutosan kitang magtrabaho nang mas mabilis pa sa nakasanayan mo. Gusto ko bago sumapit ang gabi ay nakapagtanim ka na ng mais, hindi ka titigil hangga't hindi mo natatapos. Maliwanag ba?" nakangising sabi niya habang hinihipnotismo ang binata.   "Masusunod, Serena... ." tila wala sa sariling sagot ng binata. Ang mga mata nito ay blanko na dahil nahulog na ito sa panghihipnotismo niya.   "Good boy, sige na, magtrabaho ka na." smutos niya sa binata sabay tapik sa pisngi nito. "At kagaya ng utos ko, huwag kang titigil hangga't hindi ka natatapos magtanim."   "Opo!" sagot ng binata kasabay ng marahang pagtango bago niya iniwanan.   Papito-pito pa siya habang naglalakad dahil sa kapilyahan niya. Sigurado siya na mamayang gabi ay parang lantang gulay ang binata dahil sa pagod.   -   "Seems like you've found a new toy." bungad sa kanya ni Memphis pagkarating niya sa mansion.   "What are you talking about?" pagmaang-maangan niya.   "I know what you did to Iñiego. What a poor guy." sagot nito sabay sulyap kay Iñiego sa kinaroroonan nito na hirap na hirap sa kakatanggal ng damo.   "Sounds fine with me."   "Serena, you're a grown up now. You may look like 18, but I know you're aware kung gaano ka na katagal namumuhay dito. Stop being so childish, and act according to your age!"   "Memphis, who told you that I'm playing around? I did that to him dahil masyado siyang mausisa, feeling close at presko. Besides, I am helping him with his chores. What's wrong with that?"   "Ang akin lang naman, magfocus ka sa nangyayari sa paligid mo. Kagabi lang, nilusob ulit tayo. Instead of playing with that man, why don't you train all your guards’ para handa sila mamayang gabi kung sakali man na may lumusob ulit sa atin!" giit nito.   "Memphis, as far I remember ikaw ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong gwardiya, bukod kay Dalton. And who told you na isasalang ko ulit ang ilan sa natitira nating kawal?"   "What do you mean?"   "This is my battle and I'm going to face it alone. Ayokong maubos kayong lahat dahil sa akin."   "Are you out of your mind!"   "No. I'm just doing what is right." sagot niya. "Besides, kayang kaya ko silang labanan kahit ilan pa sila. Gusto ko na ring makita kung sino ang pasimuno ng lahat ng ito."   "Nahihibang ka na ba, Serena! Paano kapag namatay ka! Mas lalong manganganib ang lahi natin!"   "Relax, hindi mangyayari 'yan. Trust me!" sagot niya sabay kindat sa kausap. "Where is Dalton? I want to talk to him. Send him to my office." utos niya bago pumasok sa kanyang malawak na library kung saan naroon ang ilan sa mga lumang libro na pag aari ng pamilya nila.   -   "My lady?" untag ni Dalton sa kanya.   "I want you to do something for me." diretsahang sagot niya.   "Ano 'yon?"   "Ipunin mo ang lahat ng tao sa secret basement bago lumatag ang dilim. You and Memphis should guard them through the night. I want you to keep them safe, do you understand?"   "Paano kung lusubin na naman tayo? Sino ang magbabantay sa labas?" nakakunot ang noong tanong nito.   "I'll do it."   "W-what?! You must be kidding, Serena!"   "I'm not. I'm dead serious, Dalton."   "Alam mo ba kung gaano kadelikado 'yang iniisip mo? Nabanggit din sa akin ni Elizabeth ang nakita at naamoy ninyo kanina."   "That's the reason kung bakit gusto kong ako ang humarap sa kanila. Malakas ang loob ko na babalik sila mamaya. Gusto kong makaharap kung sino man iyon."   "Sasama ako. You can't do this all by yourself!"   "I can, trust me. Sundin mo ang iniuutos ko. Siguraduhin mong safe sila at huwag ninyong hahayaan na may malagas pa sa atin. Marahil ang objective nila ngayon ay pahinain ang pwersa ko. Ayoko ng may malagas pa ni isa man sainyo. This is the only way na naiisip ko."   "Pero napakadelikado ng pinaplano mo, Serena!"   "Just like what I've said. This is the only way para mapalabas ko ang totoong kalaban." nakangiti niyang tugon kay Dalton. "I got this!" dagdag niyang sabi sa kausap.   "Hindi ko hahayaan na harapin mo sila ng mag-isa!" giit nito.   "Wala kang magagawa kundi sundin ako. May plano na rin ako para mamayang gabi. Ang gawin mo ngayon ay ihanda ang pagtataguan ninyong lahat. Do it, Dalton. I am not asking you a favor. Inuutosan kita na sundin mo ang gusto ko." pagtatapos niya sa usapan nila.   Wala rin namang magagawa si Dalton kung hindi sundin siya. Sa ayaw at sa gusto nito.   Habang abala sina Dalton, Elizabeth at Memphis, kasama ng ibang gwardiya, sa paghahanda sa pansamantala nilang pagtataguan, siya naman ay abala sa paglalagay ng mga patibong sa buong paligid. Layunin niya na sa simula pa lang ay marami ng mabawas sa mga magtatangkang lumusob sa kanila mamayang gabi. Abala man sa ginagawa ay hindi niya maiwasang sulyapan ang binata na hindi pa rin tumitigil sa paglilinang ng sinasaka nito. Aliw na aliw siyang panoorin ang binata habang kumikiskap ang hubad na katawan dahil sa pawis.   "Mas maiigi 'yan na mapagod ka maghapon. Para mamayang gabi, tulog na tulog ka na. Baka pati ikaw, problemahin ko pa." bulong niya sa sarili bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.   Naghanda siya ng mga patibong na hindi kaagad makikita o mapapansin ng mga kalaban. Pinaikutan din niya ng sobrang nipis na lubid na gawa sa pilak ang mga posibleng daraanan ng mga ito. Pagod na pagod siya ng natapos. Ngunit balewala sa kanya lahat ng iyon, ang mahalaga ay makakatulong ang ginawa niya ng malaki sa  kanila.   "Everything's ready." bungad niya kay Dalton ng makabalik siya sa mansion.   "What do you mean?" takang tanong nito.   "Never mind. Eh dito, maayos na ba lahat?"   "Yes, Serena.  Pero sigurado ka ba talaga sa binabalak mo? I can help you." sabat ni Memphis.   "Thanks, but no thanks, Memphis. I can do it on my own. Ang utos ko ang sundin ninyo at huwag ninyong susuwayin. I mean it." sagot niya bago ito tinitigan ng matalim.   "I'm sorry, Serena. I just want to help y-"   "If I need your help, kusa akong lalapit sa iyo. Ganoon din kay Dalton o kay Elizabeth."   "Okay. Okay. We trust you, Serena. And I hope na ikaw ang manalo mamayang gabi. Sana nga ay makaharap mo na ang pinuno nila para matapos na 'to lahat." sabi ni Elizabeth.   "I'll do my best para humarap sa akin ang pasimuno ng lahat ng ito. By the way, balik muna ako sa kwarto ko. I have to rest, huwag na rin kayong lalabas. Stay where you are 'til dawn." bilin niya sa mga ito. Bahagya niyang iginala ang paningin sa loob ng basement at kita niya ang ibang mga kalahi na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Bagamat may mangilan-ngilan ang nag-aalala at natatakot. "Don't worry, I won't let you down." pabulong niyang saad sa mga ito bago tuluyang lumabas sa silid.   Kaagad siyang dumiretso sa sarili niyang kwarto para magpahinga at ihanda ang sarili. Pasimple siyang nagtungo sa pader kung saan naroon ang larawan nilang mag anak. Marahan niyang hinaplos ang mukha ng ama at ina, maging ni Sienna.   "Help me win this fight, Papa."anas niya. "Let me destroy someone who are using you to fight me, Mama. And Sienna, my twin sister... Pray for my victory, as I face them alone. There should be only one remain standing tonight, and that should be me."   Marahas siyang napabuntong-hininga bago kinapa ang kanyang kwintas. Kailangan niyang maisecure ang bagay na iyon. Baka iyon ang dahilan kung bakit sila nilulusob. Kung totoo man na si Viktur ang may pakana ng lahat. Baka iyon ang target niyang makuha para tuluyan itong maging imortal at maghari sa mundo at iyon ang hindi niya mapapayagang mangyari.   "You'll get nothing, Viktur. You'll gonna die tonight. I swear!" wika niya.   Maingat niyang tinanggal ang larawan ng mga magulang, tumambad sa kanya ang sikreto niyang sisidlan. Tanging siya lamang ang makakapagbukas niyon at wala ng iba. Kinuha niya mula roon ang isang sisidlan na yari sa bakal. Nakapalibot sa kahon ang mahahabang galamay na tanging siya lang din ang may alam paano iyon buksan. Ang bagay na iyon ay mabubuksan lamang kapag pinatakan niya ng kanyang sariwang dugo. Ang kahon ay tila may sariling buhay na nagbukas, ang mga galamay na nakapulupot ay biglang natanggal at tanging siya lamang ang kinikilalang amo nito. Marahan niyang isinilid roon ang kanyang kwintas at muling isinara. Sa isang saglit pa ay nakahinga na siya ng maluwag ng masigurong ligtas na ang kaisa-isang pamana sa kanya ng kanyang ama.   Bahagya siyang napalingon ng may maramdamang presensiya sa labas ng kanyang pinto. Ngunit kaagad din itong umalis. Marahil ay napadaan lamang kaya hindi na siya nag abala pang tingnan.   -   Latag na ang dilim sa paligid. Ang buwan ay panaka-nakang nagtatago sa ilalim ng ulap na naghahatid sa kanya ng kakaibang excitement. Sa sobrang talas ng pandinig niya ay nairinig niya pa ang huni ng mga kuliglig kahit malayo ito sa kanya. Maging ang malakas na paghilig ng kanilang kapitbahay ay parang sirang plaka na nanunuot sa tenga niya. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata habang nakaupo sa malaking sanga ng akasya. Mula sa kinaroroonan niya ay kita niya ang buong nasasakupan. At base sa kanyang pagkalkula sa kinaroroonan niya susulpot ang mga kalaban.   "There you go!" nakangisi niyang bulong ng makarinig ng kaluskos sa paligid. Iginala niya ang paningin at hinayaan niyang makalapit ang mga ito sa teritoryo niya.   "Die. You'll gonna die tonight!" muli niyang sabi habang tinitingnan ang ibang kalaban na nahulog na sa kanyang patibong.   -   "Mga kasama, mag iingat kayo! May patibong sa buong paligid!" sigaw ng isang lalaki na animo'y lider ng mga kawal.   "Anong ibig mong sabihin?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng itim na kapa.   "May mga patibong silang inihanda, wala ding mga kawal sa paligid." sagot nito sabay yukod.   "Hindi pwede! Lusubin sila! At dalhin sa akin ang bangkay nila lalong lalo na ni Serena!" galit na galit na sigaw nito.   "Masusunod! Sugod!" sigaw ng lider.   Sa di-kalayuan ay inihahanda na rin niya ang kanyang palaso na may patalim na yari sa pilak. Magaling siya sa pagpapana dahil madalas silang turuan ng amang si Constantin noong nabubuhay pa ito.   Isa-isa niyang tinira ang mga kalaban na parang mga kuto.   "Hanggang diyan lang ba ang kaya ninyo? Mga basura!" gigil na wika niya habang walang humpay sa pagpapana.   -   "Saan nanggagaling ang mga palaso!" gigil na sigaw ng nakahood na lalaki sa isang kasama.   "Sa gubat! Hanapin ninyo, dali!" sigaw ng isang lalaki.   Nagpakalat-kalat ang mga ito para hanapin siya. Ngunit hindi na kailangan dahil lumipad na siya pababa sa lupa.   "Ako ba ang hinahanap ninyo?" nakangisi niyang salubong sa mga kalaban. Sa panahong iyon ay hindi na baril ang hawak niya kung hindi baril na kargado ng pilak na bala. Na kapag pumasok sa katawan ng mga bampira ay sasambulat ang katawan nila.   "S-serena?" hintakot na sambit ng isang lalaki.   "Yes, my dear. The one and only...Serena!"sagot niya sabay tutok ng batil sa mga ito. Walang awa niyang pinaputukan ang bawat kalaban na mahagip ng kanyang paningin.   "Ingatan ninyo ang panginoon!" sigaw ng lider.   Nakita niya kung paanong saklolohan ng mga alipores nito ang lalaking nakahood para ikubli sa malaking puno.   "Huwag ninyo akong tatakasan, mga duwag! Hindi ba malakas ang loob ninyong sugurin ako dito, ngayong hinarap ko na kayo, tatalikuran ninyo ako? Damn you, ngayon na tayo magtuos!" malakas niyang sigaw habang isa-isang tinira ang mga kalaban hanggang sa isa na lang ang makita niyang kasama ng lalaki.   "Sino ka! Magpakilala ka sa akin!" sigaw niya matapos itutok ang hawak na baril sa mga ito. "Sino ka sabi, sagot!" gigil niyang sigaw!   Nagkatinginan ang mga ito sa isa't-isa na marahil kinakalkula ang bawat kilos niya. Alam niyang wala na ang ibang alagad ng mga ito at kung tutuusin ay kaya niyang patumbahin agad ang dalawa. Ngunit gusto niyang makita kung sino ang lalaking nagtatago sa hood nito.   "Kumusta ka na, Serena?" wika ng isang tinig ng lalaki.   Lumakas ang pintig ng kanyang puso ng marinig ang boses na iyon. Kilalang kilala niya ang boses ni Viktur.   "Yeah, I knew it. Kahit kailan talaga napakaduwag mo, Viktur. Hindi mo magawang lumusob ng mag-isa. Kailangan mo pang magdala ng sangkatutak na alipores para manalo ka. Pero pasensiya ka na, dahil hindi ka sa akin mananalo. Not this time!" galit niyang sigaw.   "Are you sure?" nakangising sagot nito.   "Maaaring nabuhay ka noon hanggang ngayon, pero sasabihin ko sayo. Hindi ka na sisikatan pa ng araw mamaya!"   "Relax, Serena. May kukunin lang naman ako sa iyo. Kung ibibigay mo sa akin ang bagay na iyon ay baka tuluyan na rin kitang hindi guguluhin!" sambit ni Viktur habang ipinapakita nito ang mukha.   "Alin, ang kwintas na pamana ng Papa? Kahit kailan hindi mapapasa iyo ang bagay na pag aari ko. At malabong mangyari ang gusto mo dahil dito pa lang mamamatay ka na!"   "Mukhang ako yata ang dapat na magsabi sa'yo niyan." nakangising sagot nito. Inilabas ni Viktur ang dalawang patalim nito sa magkabilaang kamay at malakas na iwinasiwas sa kanya.   "In your dreams, Viktur. My parents died in your hands, and now I will avenge their death. I'm going to kill you right now! Prepare to die, Viktur!" sigaw niya bago nilusob ang dalawa.   Sa isang iglap ay nakalaban niya ng kabilaan si Viktur at ang tauhan nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD