"Panginoon, ako ang bahala sa kanya. Basta sikapin mong makuha ang kwintas!" susog ng lalaki.
"Tonto! Hindi mo ako kailangang utusan! Alam ko gagawin ko!" angil nito.
"Patawad, panginoon!"
"Puro kayo satsat! Laban na!" sigaw niya kasabay ng malakas na pag atake sa dalawa. Hinawakan niya ng mahigpit ang kutsilyo niya habang walang tigil sa pag atake. "Mamatay ka na!" muli niyang sigaw sabay saksak sa lalaki. Napasigaw ito ng malakas baka natupok ng apoy.
"Damn it!" sigaw ni Viktur ng makita ang nangyari sa kasama.
"Paano ba 'yan Viktur? Mukhang tayong dalawa na lang ang natitira, sabi ko naman sa iyo di ba. Bago sumikat ang araw, tapos ka na." patuyang wika niya habang humahakbang papalapit dito.
"H-huwag kang lalapit!" hintakot na sigaw nito.
"Why? Are you scared, Viktur?" she grinned.
"Please, dont't kill me, Serena!" pakiusap nito habang umaatras.
"Why should I show you some of my empathy, if you didn't showed mercy to my old folks? It's been a while Viktur. At last, mapapatay na rin kita!" sigaw niya sabay sugod dito. "Prepare to die, you son of a b***h!"
Sasaksakin na lang sana niya si Viktur ng biglang may humawak sa kamay niya. Paglingon niya ay nakita niya ang babaeng may takip ang buong mukha at tanging mata lang ang makikita.
"Get your hands off him!" utos nito sa kanya sabay balya sa kanya ng malakas. "Hanapin mo ang kwintas sa bahay nila. Kailangan na natin 'yon sa lalong madaling panahon!" utos nito kay Viktur.
"No! You'll not gonna find it there! Andito ako, ako ang harapin ninyo. Why don't you try to kill me now?" hamon niya.
"Don't worry, Serena. I'm not gonna leave you here," sagot ng babae.
Kasabay ng pag ihip ng hangin ay ang biglaang pagsugod nito sa kanya. Buti na lang at naging alerto siya kaya hindi siya nito nasaktan. Ngunit aaminin niyang nagulat siya sa lakas at bilis nito. Ilang minuto din silang nagpalitan ng pag atake at parehas na silang hinihingal.
"Who the hell are you?!" sigaw na tanong niya.
"I am the alpha and omega. Wether you like it or not. Your time has come, Serena. You should take a rest and die!" nanlilisik ang mga mata nito sabay sugod sa kanya.
"I never thought that I'd met someone as delusional as you. It will never happen. Not ever!" nakakalokong sagot niya.
Siya na mismo ang sumugod dito. Ilang minuto ulit silang nagpalitan ng pag atake. At aaminin siya na halos kaparehas niya ito ng lakas o mas malakas pa sa kanya.
-
Hindi na niya napansin na nakarating na sila sa lupain ni Iñigo at sa lupang tinamnan ng mais na sila nagpambuno.
"s**t!" malakas na usal niya ng mamataan si Iñigo na nakahiga sa malapad na tabla sa damuhan.
"Is that your lover?"
"No. He's not, you fool!" sagot niya.
Nang malingat ang kalaban ay kaagad niya itong nasaksak sa tagiliran. Ngunit ang inaantay niyang pagkatupok ng katawan nito ay hindi nangyari. Bagkus ay naghilom lang ang sugat nito na parang walang nangyari.
"Hahaha! Nice try, but just like what I've said. I am the alpha and omega. I will never die." mayabang na sambit nito sabay lingon kay Iñigo.
Sa tingin niya ay balak nitong kagatin ang binata lalo na at amoy na amoy ang sariwang dugo nito.
"I know what you're thinking. And I don't like it!" sambit niya.
Mabilis niyang nilapitan ang binata ngunit halos kasabay lang niya ang babae.
"I think he's good enough for my breakfast," nakangising sabi nito.
"No. I won't let you touch him!" sagot niya. Hindi niya hahayaang madamay ang binata sa away nila.
"Oh really?"
Sa isang iglap ay agad nitong nailayo ang binata na walang kamalay-malay. Kakagatin na sana nito ang binata ng muli niyang masaksak ang babae malapit sa puso nito.
"Aghhh!" sambit nito habang hinahawakan ang patalim na ginamit niya. Unti-unti itong nanghina at napalugmok sa lupa. Kinuha niya kaagad ang pagkakataon para kargahin ang binata at ipasok sa bahay nito.
"M-miss?" biglang untag ng binata.
Sa gulat niya ay bigla niyang nabitawan ang binata, na siyang naging dahilan ng pagkakauntog nito.
"Ouch!" napaigik na sigaw ni Iñigo.
"Hoy, tumingin ka sa akin!" utos niya sa binata sabay hawak sa buhok nito. "Matulog ka na at kalimutan mo lahat ng nakita mo ngayon,. Do you understanda?!" utos niya sa binata. At dahil nahipnotismo niya ang binata ay wala itong kalaban-laban. Napayupyop na lang ito sa sahig at maya maya pa ay naghihilik na itong muli.
Kaagad siyang lumabas para tapusin ang laban nila ng babae, ngunit paglabas niya ay wala na ang babae sa dating kinalulugmukan nito.
"Where are you?!" sambit niya habang iginagala ang paningin. Ngunit hindi na niya makita ang babae, maging ang amoy nito ay hindi na rin niya ma trace kung nasaan. Marahil ay nakalayo na ito nang pumasok siya sa bahay ng binata.
"God, sila Dalton!" alalang wika niya nang maalala ang mga kasama. Muntik na niyang makalimutan si Viktur na sumugod pala sa mansion nila para kunin ang kwintas niya.
Mabilis siyang umuwi at agad na sinuyod ang kabahayan, tahimik ang buong paligid at batid niyang hindi pa rin nahahanap ni Viktur ang iba pa nilang kasamahan maging ang kwintas niya.
-
"Have you lost your decency, Viktur? As far as I remember this is my house and my room. So, what are you doing here?" tanong niya habang lumalapit dito.
"Trying to get this!" nakangising sagot nito sabay pakita sa kanya ng kanyang mahiwagang sisidlan.
"Okay. I must admit. You're good at finding my valuable treasure. The question, how would you open that damn thing? No matter what you do, you can never open it."
"Then, open it for me!"
Lingid sa kaalaman ni Viktur ay may hawak siyang armas mula sa likuran niya para handa siya sa kahit na anumang mangyayari.
"Is this the reason why you choose to kill my parents and my sibling? Sino ang babaeng tumutulong sayo?" tanong niya.
"I will tell you who really she is. If---you'll give me everything I want---your mansion, your forces, and this necklace." pagdedemand nito.
"How about killing you right now? then, let me investigate it later?" bulong niya rito. "Maybe, by now she's already dead. So I suggest, sumunod ka na sa kanya." mariing sambit niya.
Mabilis at mahigpit niyang tinutop ang bibig nito para hindi makasigaw. Ramdam niya ang pagkakawag ni Viktur at pilit na kumakawala sa kanya. Kaya naman mas lalo niya pang ibinaon sa katawan nito ang punyal niya.
"Good riddance, Viktur." mahinang bulong niya habang unti-unting nilalamon ng apoy ang katawan nito.
Sa pagkaupos ni Viktur, biglang lumuwag ang pakiramdam niya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Sa wakas, napaghiganti na niya ang kanyang pamilya. Sa wakas, patay na ang lalaking siyang dahilan kung bakit siya nag-iisa.