WHO'S WHO?

1167 Words
Tahimik na ang buong paligid, wala ng ibang maririnig kundi ang huni ng mga ibon. Wala sina Elizabeth at Dalton dahil may iniutos siya sa mga ito. Si Memphis naman ay nag iikot sa buong paligid para magmatyag. Naiwan siyang mag isa sa kanyang kwarto at nagpapahinga. Lubha siyang napagod sa pakikipaglaban kaya kailangan niyang mag relax pansamantala sa kanyang kwarto ngunit--- "What the hell are you doing here?!" asik niya ng maabutan si Iniego na nakapasok na pala sa kanilang bakuran. "Yaay! You startled me!" "Excuse me? Ikaw ang pumapasok sa bahay ng may bahay, tapos ikaw pa magugulat." Nakataas ang kilay na sagot niya. "Hmmm, may itatanong kasi ako sa iyo, miss sungit." "Ano 'yon?" "Pumunta ka ba sa bahay kagabi?" "Why should I do that?" "Para kasing nakita kita kagabi," sagot ng binata habang matiim na nakatitig sa kanya. "That's impossible, really. Bakit naman ako pupunta sa bahay mo? Kung 'yon lang ang ipinunta mo dito, makakaalis ka na. I think nasagot ko na ang tanong mo." Sabi niya bago tinalikuran ang binata. "Wait!" pigil nito. "Ano na naman!" asik niya. "Kung hindi ikaw, sino 'yon?" giit nito. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa pag-uusisa ng ng binata kaya wala na siyang nagawa kundi gamitan ito ng hipnotismo para matigil sa kakausisa. "All done. Makakauwi ka na." Utos niya sa binata. "Okay." tila wala sa sariling sagot nito bago naglakad papalayo sa kanya. "What is he doing here?" biglang wika ni Memphis habang naglalakad papalapit sa kanya. "Nothing." "As in?" "Yeah." "Paano siya nakapasok dito sa mansion ng hindi ko naaamoy?" "I don't know and I don't care, pinauwi ko na siya. Happy, now?" "Huwag mo sanang mamasamain Serena, pero alam mo naman, hindi ba? Your life is in danger, maging ang lahat ng umaasa sa iyo ay ganon din. Paano kung kasabwat iyan ng mga kalaban natin at nautusan lang na magmatyag dito?" "Memphis, I'm pretty sure that he's not one of them. And if ever, na kabilang siya sa mga kalaban. Then, may kalalagyan siya sa akin." Pinal niyang sagot dito bago bumalik sa kanyang kwarto. Wala siya sa mood makipagtalo kay Memphis, pagod pa rin siya at may gumugulo pa rin sa isipan niya. Hindi niya pa rin alam kung sino ang nakalaban niyang babae. Ni hindi niya nasilayan ang mukha nito nang magharap sila. "I wonder, who you really are... You really tickles my mind, alpha and omega..." mahinang bulong niya. Hindi siya sigurado kung patay na ito kaya hindi pa rin niya magawang makampante. Namatay na nga si Viktur, pero ang babaeng iyon ay maaaring buhay pa rin. And it makes her worried all the time. --- Sa isang abandonadong gusali---may isang nilalang na nakahandusay sa manipis na tabla. Sapo ang sugat nito na pinipilit na paghilumin. Ang mga mata nito ay nababalot ng galit at poot. Maingat na gumapang ang nilalang papalapit sa sirang tubo kung saan may tumutulong tubig. Kaagad niyang isinahod ang magkabilaang-palad at nang mapuno ay agad na nilagok. Bahagya pa siyang napaubo ng malakas ng mahirinan sa ininom, dahilan upang magkagulo ang mga daga sa sulok na naghahanap ng makakain. "Hello there, halika..." bulong niya sa mga daga na waring nakikiusap. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at sa isang saglit pa ay bigla niyang dinakma ang isa sa mga ito. Gamit ang matatalas na kuko ay mabilis niyang ginilitan ang leeg ng kawawang hayop at sinipsip ang dugo niyon. Hindi siya tumigil hangga't hindi napapatid ang kanyang gutom at uhaw. Kailangan niyang magpalakas, sapagkat hindi pa sila tapos maglaban ni Serena. "Babalikan kita, Serena... allora ti ucciderò.(then I will kill you.)" puno ng galit na bulong niya kasabay ng pagguhit ng mapait na ngiti sa kanyang mga labi. - "Serena, can we talk?" bungad sa kanya ni Dalton ng makabalik ito sa mansion. "Ano 'yon?" "About Viktur," "Anong pag-uusapan natin tungkol sa kanya?" "I found out, na may mga kasamahan siya na nag migrate dito sa Pilipinas. At mukhang matagal na nila tayong minamatyagan. At base sa pag aanalisa namin ni Elizabeth, mukhang may espiya nga dito sa ating kampo" "I am really wondering, how it happened. Ni wala ni isa sainyo ang nakakalap ng impormasyon tungkol sa kanila. I told you na mag imbestiga, hindi ba Dalton? At kung totoo man na may espiya siya na narito sa ating hanay, isa lang ang ibig sabihin noon. They're attacking us under our nose ng hindi natin naamoy at nalalaman. I want you to do something about this, Dalton. Asap!" "At iyan na nga ang ginagawa ko kahit hindi mo pa sabihin. Nakipag usap na rin ako sa iba nating kalahi, at payag silang makipagsanib-pwersa sa atin. Malakas ang kutob ko na hindi lang si Viktur ang nasa likod nito." "I know..." "Huh? Alam mo?" "Alpha and omega... She told me that she is the beginning and the end. Tho, I never had a chance to see her face, but I conclude that she's not an ordinary nemesis. I had this feeling that she's stronger than me." walang gatol niyang sagot. " That's impossible, Serena! You are the successor of Constantin, you are stronger than anyone else. Paanong mangyayari na may malakas pa kesa sa iyo!" gulat na sagot ni Dalton. "Protect our people, specially at night times. Mag imbestiga ka rin kung sino sa kanila ang traidor. Maaaring wala pang lumusob sa ngayon dahil humina ang kanilang pwersa, pero huwag tayong makampante. I'll do my own thing, too." "What do you mean by that?" "We'll be very busy, Dalton. May ibinigay ako sa iyong trabaho, at kikilos din ako ng mag-isa." "Serena, huwag kang kumilos ng mag-isa! Alam mong delikado para sa iyo. Ikaw lang ang inaasahan namin, paano kapag may umatake sa iyo bigla?" alalang sawata nito. "Please leave me alone, Dalton.  Ayoko nang makipagtalo pa. Just do what I've told you, end of discussion." "As you wish, my lady." Wala ng nagawa pa si Dalton kung hindi ang umayon sa kanya. After all, wala rin naman itong magagawa. Siya pa rin ang batas, siya pa rin ang masusunod. - Pagkaalis ni Dalton ay muli niyang binuksan ang lihim niyang sisidlan ng mga importanteng gamit. Maingat niyang kinuha ang kahon na naglalaman ng kwintas kung saan pilit na kinukuha ni Viktur. Hindi lang nito nabuksan ang bagay na iyon, kaya hindi ito nagtagumpay. "Papa, Per favore aiutatemi! (Please help me!)" anas niya habang tinititigan ang larawan ng ama. Inisa-isa niyang tingnan ang mga larawan ng mga ito. Hanggang sa napako ang tingin niya sa kakambal. Kung nabubuhay lang sana ito. Disin-sana'y may makakatulong sa kanya. Mas magiging malakas sana ang pwersa nila kung silang dalawa mismo ang lalaban. Ngunit wala siyang ibang aasahan, solo na lang siyang namumuhay. At ang obligasyon na nakapasan sa kanyang balikat ay mag-isa niya lang na haharapin. Magkagayon man, iisa lang ang tinitiyak niya. Malalampasan niya rin ang pagsubok na iyon, at gagawin niya ang lahat upang mapanatiling ligtas ang kanyang mga kauri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD