EP.6

1054 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Ngunit wala pa ring makalap na impormasyon si Dalton. Maging si Memphis ay kumikilos na rin upang malaman kung sino ang espiya sa kanilang hanay. Maging siya ay palihim na rin na nagmamasid, ngunit wala rin siyang mapansin na kakaiba sa mga kasamahan. Halos karamihan sa mga ito ay kasamahan pa nila sa Italia kaya halos kilala na niya ang lahat. "Hi, miss sungit!" bati sa kanya ni Iñigo nang umagang iyon habang nagpapahangin siya sa labas. Nagkunwari siyang hindi narinig ang binata at nagpatuloy lang sa paglakad-lakad, malayo pa lang ang binata ay napansin na niya ito. "May ibibigay sana ako sa iyo, kung ayos lang. Alam ko mayaman ka na, pero baka gusto mo ng mais?" nakangising tanong nito kasabay ng pagpakita ng nilagang mais na nakalagay pa sa kaserola. "Aanhin ko 'yan?" sarkastiko niyang sagot. "Kakainin, malamang." pilosopo din nitong sagot. "Babalatan mo ng ganito, kagaya ng pagbabalat mo sa mga taong nakapaligid sa iyo para malaman mo kung tunay nga ba silang tapat sayo, o may itinatago silang bulok na hangarin para sa iyo. Tatanggalin mo ang buhok sa paligid nito, kagaya ng pagtanggal mo sa mga taong sagabal sa mga layunin mo sa buhay. At kapag malinis na ang mais, kakainin mo na ng ganito, at eenjoy mo ang bawat nguya, kagaya ng pagtamasa mo ng buhay na walang kaaway, walang problema i kung anupaman." sunod-sunod na sambit ng binata. "Hahaha! You're crazy!" hindi niya napigilang bulalas. "Hindi na bale ng baliw ako sa paningin mo, at least napatawa ka ng baliw na 'to. Hehe!" sagot ng binata sabay kindat. "Ano, titingnan mo na lang ba ako? Kain ka na din," alok sa kanya. "No, thanks." tanggi niya. "Ay ang arte mo ateng! Walang lason 'yan, kakapitas ko lang niyan kanina, tapos niluto ko kaagad. Kaya kainin mo na habang mainit-init pa." pagpupumilit nito. Habang nagsasalita ang binata ay mataman niya itong tinitingnan. Hindi ganon kagwapuhan si Iñigo ngunit hindi maitatangging malakas ang s*x appeal nito. Malakas din ang karisma ng binata, ang morenong kutis ay nababagay lang din sa hitsura nito. "Sige lang, kain ka lang. I'm fine, nag breakfast na din ako." muli niyang tanggi. "Ito naman, nakikipagkaibigan lang ang tao eh. Siya sige, mukhang hindi talaga kita mapipilit, pero iiwanan ko ito ha. Baka sakaling magustuhan mong kainin mamaya." "Why are you doing this?" bigla niyang tanong. "Ang alin?" "Bakit ka nakikipagkaibigan sa akin. You don't know me at all. And lastly, huwag kang lapit nang lapit sa akin, ikaw din baka magsisi ka." "Ewan ko nga din eh, kung bakit nakikipagkaibigan ako sa iyo. Maybe gusto ko lang matanggal 'yong animosity sa ating dalawa. Lalo pa at binabalak mong bilhin ang kakarampot na lupa na pamana pa sa akin," "Exactly the point! Kakarampot lang ang lupa na pag-aari mo, why don't you sell it? I'll triple the price if you want." "Thanks. But no, thanks! Hangga't maaari, ayaw kong ibenta 'to. Kaya nga makikipagkaibigan na lang ako sa iyo. Para lahat na happy." "So, ayaw mo talagang ibenta? Okay, fine! But please, stay away from me. I'm not friendly at all. At ayokong may bigla-biglang sumusulpot dito sa bakuran ko." "Napakasungit talaga, saan kaya 'to ipinaglihi, napakabata pa pero talo pa ang nagme-menopause," pabulong na wika ng binata. "What did you just say?!" asik niya. "Wala po! Ang sabi ko, aalis na ako. Iiwan ko na lang 'yang mais para sa iyo. Have a good day!" sagot ng binata sabay alis. "You're really getting into my nerves!" gigil niyang sambit habang minamasdan itong papalayo. Sa tinatagal-tagal niyang nabubuhay sa mundong ibabaw, tanging ang binata lamang ang nakakagawa niyon sa kanya. "He really caught your attention, don't you?"  wika ni Elizabeth habang papalapit sa kanya. "What are you talking about?" "I just can't believe what I just saw, kung tutuusin, you can hypnotize him para lumayo. But you never did, what's going on with you, Serena?" usisa nito. "What? Are you insinuating something, Elizabeth?" "Do I have to?" "That's not going to happen!" "Yeah, you should not let it happen. Let me remind you about your responsibilities. You don't need to fall inlove with mortals, Serena. And most of all, don't obliged yourself to feel something special towards him. He is a mortal, and you're not." "Alam ko," simpleng sagot niya. "Thanks! I trust you, my lady. I know, you're not going to do something foolish that could lead our lives and secrets into jeopardy." Sagot ni Elizabeth sa kanya. Bahagya niya lang tinanguan ang matanda para matapos na ang usapan. - "Do you have something for me?" tanong ng babae pagkarating pa lang ng isang anino sa kanya. "Yes." sagot nito sabay lapag ng bag na puno ng dugo. "Salamat sa dala mong supply. Ano pang dala mo para sa akin?" "She's still unaware of everything, she's doing her own investigation, but don't worry, she'll get nothing." sagot ng misteryosong tao. "Do you have any idea about her necklace? I badly needed it." "She's hiding it from somewhere. But don't worry, I'll find it for you." "Please, find it for me. I've been waiting for too long already. And I can't wait for another long years just to have it." "As you can see, I am doing my best." "Sige na, manmanan mo lang siya ng mabuti. Update mo ako sa bawat kilos na gagawin niya." "Ano palang sunod na plano mo?" "Nag iisip pa ako, basta makuha ko na ang kwintas, madali na lang ang lahat." "By the way, mukhang may nakaka-agaw ng pansin ni Serena ngayon." "Sino naman ito?" "Isang binata na kapitbahay namin, mukhang makulit ito at madalas mapansin ni Serena, ang nakakagulat pa ay hindi ito ginagamitan ng hipnotismo ni Serena. Hindi kaya, pwedeng magamit ang lalaking ito laban sa kanya?" "Mukhang kilala ko 'yang sinasabi mo. Mukhang nakita ko na siya noong magharap kami. Marahil ito 'yong lalaking pinoprotektahan ni Serena." "Siya nga!" "Sige, ako na ang bahala diyan. Asikasuhin mo na lang kung ano ang pinapatrabaho ko sa iyo." "Sige." Pagkaalis ng kausap ay kaagad niyang sinimsim ang isang bag ng sariwang dugo. Bahagya pa siyang napapikit nang maubos ang huling patak nito. Maingat niyang dinilaan ang kaunting dugo na dumaloy sa kanyang baba. "Almost there..." bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD