Noah’s POV Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagsalpok ng sasakyan ni Emerald matapos itong magpa-gewang-gewang sa kalsada. Para tumalsik ang kaluluwa ko sa aking katawan at nanlamig ang katawan ko. Tumigil ang mga nasa unahan kong sasakyan kaya malakas akong nag-preno. Nahirapan kasi akong makahabol sa kanila dahil sa dumadami na rin ang sasakyan sa daan pero sadyang kaskasero na magmaneho si Jeffrey at walang takot niyang pinapahurorot ang kotse. Nagmadali akong lumabas at para akong naitulos sa lupa nang makita ko si Jeffrey na duguan ang kanyang ulo at pilit na ginigising si Emerald sa loob ng sasakyan. “Hayup ka!” Kaagad ko siyang hinila at mabilis kong sinuntok ang kanyang mukha. Wala akong paki-alam kung injury siya dahil hindi ko na kayang pigilan ang galit ko dahil sa gi

