Huling kabanata

3186 Words

“Bestie, sigurado ka na ba sa decision mo? Pwede mo naman sabihin kay Noah ang kondisyon mo para alam din niya.” Nag-alalang turan ni Clare sa akin. Kasalukuyan na kasi akong nag-iimpake ng mga dadalhin ko pabalik sa Europe. Dalawang linggo din akong namalagi sa hospital. At simula nang magtalo kami ni Noah ay hindi ko na siya nakita pang muli. Si Graciela na ang bumungad sa akin nang magising ako at kasunod na rin niya si Clare at Harry na nag-alaga sa akin. Siguro talagang sumuko na siya at nagpag-isip isip din niyang tama ako na maghiwalay na kami at tuluyang kalimutan ang isa’t-isa. Yun naman talaga ang gusto kong mangyari. Pero umasa akong totoo ang sinabi niya na papatunayan niya sa akin na karapatdapat siya para sa akin. Sinabi na rin sa akin ni Graciela kung anong nangyari kay In

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD