Emerald’s POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nananatili dito nakasandal sa likuran ng pinto at walang tigil sa pag-agos ng aking luha. Pero nakaramdam na ako ng matinding hapdi ng aking tiyan at pananakit ng ulo. Natuyo na rin ang dugo sa palad ko. Pero nandito parin ang sariwang sugat sa palad ko. At ang masakit ay mas ramdam ko pa ang sakit sa puso ko kaysa ang malalim na sugat sa palad ko dahil sa bubog kanina. Gustong-gusto kong makita si Itay. Kung totoo man na wala na siya ay gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Dahil hindi ako naging mabuting anak. At dahil sa akin at namatay siya. Sinisisi ko ang aking sarili dahil kung hindi ko pinatulan si Noah hindi sana magagalit si Ate sa akin. Pero nagpakatotoo lang naman ako sa aking sarili at ilang beses ko din naman na pinig

