Emerald’s POV “Itay?” Akmang lalapit ako sa kanya pero pinigilan ako ni Noah. “Fredereck!” “Daddy!” “Dalhin natin siya sa hospital!” Natatarantang sabi ng Papa ni Noah. Kahit anong gawing tapik nila Tita at ni Ate ay hindi na ito nagigising. Nanlamig ang katawan ko. Dalhin ganitong-ganito din si Inay noon nang maabutan ko siyang walang malay. Tinangal ko ang kamay ni Noah na nakakapit sa akin at tumakbo ako kay Itay. “Itay!” Pero bago ko pa siya mahawakan ay itinulak na ako ni Tita. Kung wala si Noah sa likod ko baka tuluyan na akong napahiga sa sahig. “Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kapag may nangyaring masama kay Fredereck. Humanda ka na!” Banta ni Tita sa akin. Habang pinagtutulungan nilang buhatin si Itay papalabas ng bahay. Gustuhin ko man na sumama alam kong hind

