Emerald’s POV Papunta na ako sa conference room dahil naroon na daw ang mga kasama sa magaganap na meeting. Tinanong ko kanina si Jeffrey kung sino ang naglapag ng bulaklak sa ibabaw ng table pero sabi niya ay hindi daw niya alam dahil pagkadating daw niya sa kompaniya ay inantay na daw niya ako sa baba. Kung ganun maaring si Noah nga ang naglagay noon sa ibabaw ng table ko. Nagtataka rin ako dahil ang pagkaka-alam ko ay malapit na silang ikasal ni Cristine pero anong palabas ito? Gusto niya akong bumalik sa kanya pagkatapos ng ginawa niyang panloloko sa akin noon? O baka naman ginagawa na naman niya ito para lokohin akong muli? Pagdating ko sa tapat ng conference ay pinagbuksan ako ni Jeffrey ng pinto. Pagpasok ko ay naroon na ang sampung taong kasama sa meeting. Kaagad na nagtama ang

