Salubong na agad ang kilay ni Noah nang makita niya kami ni Harry na magkasamang lumabas sa building. Sinadya ko talagang sumabay kay Harry dahil baka ako ang pakay niya at mukhang hindi nga ako nagkamali dahil nang makita niya akong lumabas ay kaagad siyang lumapit sa amin. Sinulyapan niya muna si harry ng masamang tingin bago lumipat sa akin. “Ihatid na kita.” Nakangiting sabi niya. Napahigpit ako ng kapit sa braso ni Harry. Pamilyar na kaba ang naramdaman ko dahil sa ngiting yun. Pinatungan niya ng isang kamay ang kamay ko. Kaya bumalik ang presensya ko. “Bakit mo naman ihahatid ang fiancee ko?” Seryosong tanong ni Harry. Kung hindi siguro niya inamin sa akin ang lahat baka maniwala na akong magaling talaga siyang artista. “Stop this bullshit Harry, hindi ako naniniwala sa sinabi s

