Napamulat ako ng kaunti dahil pakiramdam ko ay dinuduyan ako. Pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. “N-noah…?” Pinikit ko ulit ang mata ko pero talagang pakiramdam ko ay umiikot na ang buong paligid ko. “Next time wag kang iinom lalo na kapag wala ako sa tabi mo.” Narinig kong wika niya. Sa tingin ko ay nagha-halucinate lang ako. Imposibleng si Noah ang nakikita ko. Imposibleng karga niya ako ngayon. Nagsumiksik ako sa dibdib niya. Kahit panaginip lang ito ay gusto kong lubusin ang mga sandali na kasama ko siya. Ang pamilyar niyang amoy na naiiwan sa ilong ko. Ang mabango niyang hininga. At ang gwapo niyang mukha. Kahit sa panaginip lang gusto ko siyang makasama. Dahil alam ko hindi na yun mangyayari pa. Kailangan kong tangapin na magkakaroon na siya ng pamilya dahil hindi naman a

