Ms A's pov "Nasa may dulong kwarto ang kailangan nating kunin. Yung iba maghintay dito sa labas." Sabi ng lalaki sa mga kasama lahat sila ay nakatakip ang mukha. Pumasok sila sa loob ng bahay at agad pinuntahan ang dulong kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Aphro. Dahan dahan lumapit ang lalaki sa dalaga at nilabas ang panyong may pampatulog. Agad niya itong tinakip sa ilong ni Aphro. Gulat na napamulat si Aphro at nasipa ang lalaki pero unti unti din siyang nawalan ng malay dahil sa naamoy na pampatulog. Lumapit ang isa pang lalaki at binuhat si Aphro. "Gago, sino yan. Itong babae lang ang pinapakuha satin." Sabi ng lalaking may buhat kay Aphro. "Nagising eh kaya agad kong pina amoy ng pampatulog. Sama na natin. Sayang din 'to ang kinis." Sagot ng lalaki na buhat buhat si Vi

