Red's Pov "Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sayo dahil sa katangahan mo. Hindi mo naman ka ano-ano ang isang Clemente pero nakuha mo siyang iligtas. Tsk tsk," patuloy lang ako sa paglalakad, sinusundan ko ang Abrahim na ito. Mahintay kang mapag-isa tayong dalawa. Papaduguin ko yang bibig mo, Abrahim. Tumingin ako sa ilang lalaking nakasunod din sa amin. Ang bakla, kahit sa loob ng bahay niya kailangam siyang bantayan. Ano bata? "Huwag kang mag-alala sisiguraduhin kung mag-eenjoy ka sa gagawin natin," Gross, nakakasuka ang pinagsasabi niya, " hanggang dito na lang kayo. Siguraduhin niyong walang iistorbo sa amin, maliwanag?" Nakatingin ako sa pinto ng kwarto niya. "Boss, saan mo yan dadalhin?" Napatingin ako kay Drey na kakarating lang. Nakakunot ang noo nito na nakatingin s

