Madilim pa bumangon na si Arianne Joy pati na ang kanyang Tiya Mina kailangan kasi nilang igayak ang pagkain ng mga manggagawa sa bukid.
“Piniritong itog,tuyo at mainit na kape ayos na iyon para sa almusal ng sampung manggagawa bumili na lamang tayo ng tinapay at malamig na tubig para sa meryenda.” Litanya ni Tiya Mina habang naghihikab at tila ba inaantok pa.
“Bahala ka tiya basta assistant chef mo ko ngayong araw na ito.” Nakangiting tugon ni Arianne.
Payari na sa paggagayak ng pagkain ang mag tiya ng biglang bumaling si Tiya Mina kay Arianne.
“Nakalaba ka na kahapon hindi ba? nakalinis ka na rin? gusto mo bang magkapera?” sunod-sunod na tanong nito kay Arianne na tila ba nakaisip ng isang bright idea.
“Yes chang, done done done,” mabilis na tugon ni Arianne, “Paano tayo magkakapera?” balik tanong nito.
“Baka hindi mo kayanin huwag na lang kaya.” Biglang bawi ni Tiya Mina.
Biglang naisip ni Arianne na pagkakataon niya yun kung sakali na magkapera at makabili ng gusto niyang ipasalubong pauwi sa kanyang lola paborito pa naman nito ang sitsaron at pastillas na madalas na madadaan niya sa San Miguel b.go umuwi ng Cabanatuan.
“Puwes kung talagang desido ka sasali tayo ngayong araw na ito sa field trip, igayak mo ang mahabang manggas, sumbrero at pantalon o kaya ay pajama pati na sako.” Mabilis na sagot ni Tiya Mina.
“Field trip chang? aanhin naman natin ang sumbrero, damit na mahaba ang manggas at pajama parang hindi naman akma tiyang na OODT sa field trip.” Nagtatakang tugon ni Arianne.
“Hahaha oo nga pala hindi ka pa miyembro ng KMB (Kapisanan ng mga Manggagawa sa Bukid) field trip ang tawag namin sa mga gawain sa bukid tulad ng patanim, pagapas at pagiik, magdadala tayo ng sako at mananahod tayo.”Natatawang sagot nito.
Nagtataka man si Arianne ano ang gagawin nila at sila raw ay mananahod ay sumunod na lamang siya ang mahalaga naman ay hindi masama ang kanilang gagawin at kahit paano ay magkakapera daw sila. Suot ang mahabang manggas, pajama at sumbrero ay pinuntahan na ni Arianne ang kanyang tiya na noon ay abala pa sa paggagayak sa kusina ng kanilang mga dadalhing pagkain isa isa nitong inilalagay sa basket ang nalutong ulam para sa mga manggagawa pagkakita nito sa kanya ay napangiti.
“Hindi pa rin naitago ng payak mong suot ang gandang mayroon ka Arianne. Bakit ba hindi man lang ako nabiyayaan ng ganyang klaseng ganda baka sakali makatagpo ako ng hasyendero.” Biro ni Tiya Mina.
“Tiya naman eh!baka maniwala na ko sayo nyan maghananp nga ako ng hasyendero sige ka.” Natatawang sagot ni Arianne.
“Naku halika na nga bago ka pa maghanap ng hasyindero eh tulungan mo na lang muna akong magbitbit nitong basket at ng tayo ay makaalis na.
Naglakad na ang mag tiyahin papunta sa gitnang bukid bitbit ang basket ng almusal ng mga manggagawa. Habang naglalakad ay tuloy ang kwentuhan ng mga ito.
“Talaga bang wala ka pang nobyo Arianne, umamin ka na sa akin hindi kita isusumbong kay Kuya Arturo.” Pangungulit ni Tiya Mina.
“Si Tiya namanbakit naman po ako magsisinungaling sa inyo,wala nga po talaga saka ayoko pong magkanobyo distraction lang po ang mga boys sa aking goal in life.” Pakumpas kumpas pa ang kamay ni Arianne habang naglilitanya sa kanyang Tiya Mina.
“Para kasing ang hirap paniwalaan na sa ganda mong yan wala man lang bang nagtangka na manligaw o magparamdam sayo?” Tanong pa rin ni Tiya Mina.
“Actually tsang may ilan na pakiramdam ko eh me gustong dumiskarte sa akin pero siyempre hindi ko na hinahayaang maka first base sinosopla ko agad agad kaya hindi na nila magawang magsabi pa.” Pag amin ni Arianne.
“Aba eh mag iingat ka hindi lahat ng lalaki eh kayang tumanggap ng ganoon baka mamaya makatagpo ka na kapag hindi ka napasagot eh babastusin ka na lang.” Paalala ni Tiya Mina.
“Depende naman siguro yun tiyang kung ung babae eh kumikilos ng parang bastusin , so far pa naman ay wala pa akong naencounter na ganoong nilalang and hopefully huwag na nga sana akong maka encounter.” Naiiling na komento ni Arianne.
Maya maya pa ay natanawan na ni Tiya Mina ang mga manggagawa na tila nakaabang sa kanilang pagdating nakatitig ang lahat na tila mo ba nakakita ng kakaibang nilalang.
“Ano ba yang mga tingin na yan ako lang to para kayong nakakita diyosa.” Pabirong wika ni Tiya Mina.
“Anong nakain ninyo at mukang isasabak mo si Arianne Joy sa gawaing bukid baka mapauwi mo yan agad ng Cabanatuan agad agad.” Biro ni Tiyo Luisito.
“Naku, Arianne huwag kang kabahan napakadali lang ng gagawin natin pwesto ka dun sa tapat ng thresher kung saan bumubuga ang mga ginikan mula sa nakiskis na mga bulto ng palay aaabangan lang natin ganito para sakto sasako natin, simple lang di ba?kering keri mo yan.” Wika ni tiya Mina sabay kindat.
“Yes tiyang, don ‘t worry uncle basic lang to.” Pagyayabang ni Arianne
Matamang minasdan ni Clarenze si Arianne Joy habang patungo ito sa pwestong itinuro ng kanyang tiya tila mo ba handang handa ito sa laban. Nagsimula na ang pag giik ng palay lihim na napapangiti ang mga magsasaka sa nakikitang paghabol ni Arianne sa mga butil na bumubuga mula s thresher tila ba ito naglalaro ng patintero. Iiling iling na lamang si Clarenze sa nakikitang paghabol ni Arianne alam niyang patay katawan mamaya ang dalaga sa walang humpay na pagsalo sa mga butil ng palay.
“Patingin nga ng mga naipon mo Arianne makakabili kaya yan ng isang kilong karne?” siste ni Tiya Mina habang sinisipat ang sako ng palay ni Arianne.
Lihim naman tiningnan ni Arianne Joy ang sako ng kanyang Tiya at sa kanyang pagkabigla ay mas higit na marami ang laman nito kaysa sa lalagyan niya hindi niya tuloy napigilang magtanong.
“Ay chang bakit mas madali ang naipon mo parang nakatayo ka lang naman dun ah?” takang takang tanong ni Arianne.
Napabunghalit ng tawa ang mga magsasaka sa napakainosenteng tanong ni Arianne.
“Hindi mo kasi kailangang makipagpatintero sa dalawa o tatlong butil ng palay na hinahabol mo at iiwanan mo ang maganda mong pwesto kung saan bumabagsak ang mas maraming butil, tawag dun tamang diskarte.” Sabat ng tinig mula sa likuran.
Pag lingon ni Arianne ay kitang kita niya ang mga ngiting nakakaloko ni Clarenze.
Ang yabang naman ng lalaking to, ang husay magpasikat pinagmuka talaga kong walang kaalam alam sa harap ng mga tao, nangigigil na bulong ni Arianne sa sarili.
Akma niya itong iirapan pero huli na sapagkat nakatalikod na ito at nakalayo sa kanya. Natanaw niyang magiliw na itong nakikipag usap sa mga manggagawa lalo na sa mga kababaihan na tila ba nakikipagharutan. Lihim niya itong minasdan ang mga mata na tila ba nangungusap, ang mga biloy na lalong nagbigay ng kakaibang karisma ang dibdib na sa murang edad ay kakikitaan ng katatagan dala marahil ng pagiging banat sa gawaing bukid maging ang kulay kayumanggi nitong balat ay lalong dumagdag sa lalaking lalaking itsura nito.
“Baka naman matunaw ang magandang pangitain na yan sister.” Bulong ni Tiya Mina na nagpabalik kay Arianne sa kamalayan.
“Tiya naman eh naiinis lang ako dun napakayabang.” Sagot ni Arianne na tila ba napahiya sa pagkakahuli sa kanya ng kanyang tiya.
“Parang hindi naman ganun ang nakita kong tingin mo eh, para bang sinasabi ng tingin mo na akin ka na lang...akin ka na lang ” Napapaawit na komento ni Tiya Mina.
Wala ng maapuhap na isasagot pa si Arianne buti na lamang at narinig nilang nagsalita na ang kanyang Tiyo Luisito pagkakataon para maiba niya ang usapan nilang mag tiya.
“Mabuti at maaga tayong natapos ngayon, bukas gigiik naman tayo kila Tata Metring maaga kayo at medyo malawak ang kailangan nating trabahuhin bukas.” Bilin ni Luisito sa mga manggagawa.
“Sasama ba bukas ang magtiya?” birong tanong ng isa sa mga magsasaka.
“Naku mga kapatid huwag ninyo nang pilitin at baka mapwersa si Ms. Cabanatuan ay masunog ang porselana niyang kutis hindi siya nababagay na mag lupa.” Walang kaabog abog na sagot ni Clarenze.
Tiim-bagang na tiningnan ni Arianne si Clarenze, Ang sarap niyang tirisin ng pinong pino yung tipong hindi na siya makikilala ng nanay at tatay niya napakayabang talaga!” Bulong sa isip ni Arianne.
“Kuya hindi ko po alam kung makakasama kami ni tiya Mina.” Magalang na sagot ni Arianne.
Sabay pukol ng matalim na irap kay Clarenze bagay na hindi nakaligtas sa mga mata ng magsasaka kung kaya’t mas higit silang inulan ng tukso.
“Ganyang ganyan yung nagkatuluyan sa kanto eh, sabi nga tulak ng bibig kabig ng dibdib! di ba ayyiiii.....kinikilig naman yata ako.” Patuloy na pang haharot ng mga magsasaka kina Arianne.
“Oo nga ang ganda siguro ng kumbinasyon kapag kayo ang nagkatuluyan.” Gatong pa ng isa sa mga magsasaka
“Naku tigilan ninyo na ang panghaharot sa mga ito at baka makarating pa sa nobya ni Clarenze eh magselos nakakahiya.” Awat ni Tiyo Luis sa mga magsasaka na siyang siya sa pang haharot sa dalawa.
Habang pauwi ay hindi mawala sa isip ni Arianne ang sinabi ng kanyang tiyo, may nobya na ang mayabang na Clarenze na yon...talaga lang ha, wala sa sariling nasabi ni Arianne.
Patabog ang bawat hakbang ni Arianne na naglakad pauwi. Inis na inis ang pakiramdam niya sa hindi niya malamang dahilan, naiinis ba siya sa pang bibisto ni Clarenze na wala siyang alam sa gawaing bukid o sa isiping may nobya ito? Tila ayaw tanggapin ng kanyang isip ang huli.
No! Kontra ni Arianne sa takbo ng mismong isip niya. Arianne Joy Cruz magtigil ka never let any man enters your life lalo na si Clarenze Corpuz!, banta niya sa sarili.