Chapter 6 (Truth or Dare )
Matamlay na bumangon ng umagang iyon si Arianne tila ba apektado pa rin siya ng kanyang panaginip ng nakaraang gabi nag timpla siya ng kape at naupo sa kanilang kubo naka pangalumbaba ito habang hinahalo at pinalalamig ang kape na kanyang iinumin.
“Pamangkin, mahirap baryahin yan ah.” Biro ng Tiyo Luisito niya sa kanya.
“Naiinip ka na ba dito? wala rin kasing gaanong libangan dito maliban sa tv, mamitas lng mga bungang kahoy ang pwedeng pagkaabalahan bukod sa gawain sa bukid kaya nakita mo masayang masaya ang mga kabataan kapag may fiesta kasi kahit paano may iba silang mapaglilibangan.”Seryosong Paliwanag ni tiyo Luisito kay Arianne.
“Ay hindi naman po sa ganun tiyo, masaya po ako na kasama ko kayo at mga kapatid ko napagod lang po siguro ako kahapon kaya medyo mabigat pakiramdam ko pag nakapagkape po ako okay na po ako ulit, full charge na po ulit hahaha.” Natatawang paliwanag ni Arianne sa tiyo.
“Maalala ko nga pala may namatay tayong kamag-anak sa kabilang ibayo mamayang gabi kung gusto mong sumama sa mga tiya mo sa lamay sumama ka ng bago ka man lang umalis ay makakilala mo iba pa nating kamag-anak.” Paalala ni tiyo Luisito.
“Sige po tiyo,”sagot ni Arianne.
Pagkaalis ng kanyang tiyo Luisito ay napaisip si Arianne dalawang araw na lng pala at ang isang linggong bakasyon nya ay magwawakas na kailangang isulit na nilang magkakapatid ang pagkakataon na sila ay mgkakasama at mukhang matatagalan pang muli bago nila makita ang isa’t isa yun, ay kung papayagan siyang muli ng kanyang lola na dumalaw paminsan minsan sa mga kapatid.
"Ate ayaw mo bang dito ka na lang din tumira para kasama mo kami?" tanong ni May Ann kay Arianne.
Malungkot na tininitigan ni Arianne ang kapatid at bumuntong hininga.
"Paglaki mo May Ann maiintindihan mo rin bakit hindi tayo magkakasama at bakit kailangang nakahiwalay ako sa inyo. Gustong gusto ko kayong makasama mula pa nung maliit ako kaso mahihirapan si tatay na pag-aralin tayo lalo na at nasa kolehiyo na ko,saka isa pa hindi ko rin maiiwan si Lola Remy wala na silang kasama ni lolo sa bahay kung hindi ako." Mahabang paliwanag ni Arianne sa kapatid.
"Mapag-aaral ka pa din dito ni tatay hindi ba me sinasaka naman tayong palay?" inosenteng tanong pa rin ni May Ann.
Hinimas ni Arianne ang ulong kapatid bago nagpaliwanag. "Alam mo May Ann yung sinasaka nila tatay hindi lahat sa atin nakikisaka lang tayo saka hindi natin yun pwedeng asahan kasi seasonal lang ang kita dun.” Paliwanag ni Arianne.
"Anong seasonal ate?" muling pangungulit ni May Ann.
"Ay naku si Aling Maliit hindi nauubusan ng tanong, last ng hirit yan ha, sasagutin ko pero pagkatapos tulungan mo ng maglaba si ate para wala tayong maruming damit, okay ba un?" wika ni Arianne sa kapatid habang pinanggigilan ang magkabilang pisngi nito.
"Sure ate deal!”masayang sagot ni May Ann.
"Seasonal, ibig sabihin hindi araw araw na kumikita at nakapag uuwi ng pera. Parang pag tiningnan mo yung gingawa ni tatay una kailangan mag tanim ng binhi ngayon ung binhi na yon kailangan niyang alagaan hanggat hindi pa yun lamalaki at nagiging butil ng palay hindi pa magkakapera si tatay. Mga one hundred na tulog pa bago maibenta ganun katagal,kaya walang ipambibili ng pagkain natin at pang gastos dito sa bahay araw araw."Mahabang paliwanag ni Arianne sa kapatid.
"Yun pala yun, ngayon alam ko na galing talagang magpaliwanag ng ate ko pwede ng maging teacher ah!"pabibong komento ni May Ann sa kanyang ate Arianne.
"Opo Aling Maliit mukang binobola mo pa ko halika na at tatanghaliin tayo iitim ka lalo.” Biro ni Arianne sa kapatid.
Lagpas ng makapananghali ng nayari sa paglalaba ang magkapatid pagkayari nilang mananghalian ay natulog muna ang mga ito dala marahil ng pagod ay nakatulog ng mahimbing si Arianne hapon na ng ito ay magising.
"Arianne anak kumuha kayo ng ulam marami akong niluto sa bahay ng hindi ka na magluto pa." Hiyaw ni Tiya Elena mula sa likod bahay.
“Oho tiyang isisilong ko lang muna yung mga sinampay.” Tugon ni Arianne.
Matapos mapakain ang mga kapatid at gumayak na si Arianne kasama ng kanyang Tiya Mina para sa pagpunta sa lamay. Malayo pa ay tanaw na nila ang maraming grupo ng mga nakikiramay ang iba ay nasa mesa at nagsusugal samantalang ang iba naman lalo na ang mga kabataan ay masayang nagtutugtugan sa saliw ng gitara.
“Arianne ung lahat ng nakaupo na yun sa balkonahe ay mga kamag anak natin pag naipakilala kita ay magmano ka na lamang ha.”Bilin ni tiyo Luisito.
“ Opo tiyo”tugon naman ni Arianne.
“Naku may dalaga na pala si Arturo dito ka na ba nak nakatira sa mga tatay mo?” tanong ng isa sa mga pinagmanuhan ni Arianne.
“Hindi po tiya nag bakasyon lang po ako rito sa isang araw po ay babalik na rin ako sa Cabanatuan.” Tugon ni Arianne sa kausap.
“Kay bilis naman ata, pero mabuti na rin at kahit paano ay nadadalaw dalaw mo ang mga kapatid mo.” Muli ay sagot nito kay Arianne.
“Tiyang kami ay hahanap muna ng mauupuan namin.” Sabat naman ni Tiya Mina sa usapan.
“Tara na kayo nakita ko andun sa kubo sila Grace at Marvin, yung mga anak ni Tiya Belen duon na lang muna makiupo at marami pang tao dito sa loob.” Aya ni Tiyo Luisito.
Natanaw ni Arianne na ito rin ang grupo ng mga pinsan nya na kasama nila sa panonood nuong nakaraang gabi sa fiestahan.
“Pinsan kumusta ka na halika dito at manginain tayo ng mani at binusa.” Bati ni Grace kay Arianne.
Agad naman tumabi si Arianne kay Grace hatak ang kanyang Tiya Mina.
“Ano bang pinagkakaabalahan mo sa Cabanatuan bukod sa pag-aaral Arianne.” Tanong naman ni Marvin.
“Nagpapart-time ako as cashier sa N.E. Bakeshop para kahit paano may sarili akong me sarili akong pera.” Sagot naman ni Arianne.
“Hindi ba mahirap pag sabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.”Tanong naman ni Grace.
“Sakto lang naman minsan medyo mahirap lalo na kapag masasabay sa mga exams gaya ng mid term at finals pag naman ganun nag papaalam ako sa store manager para bigyan ako ng ilang araw na rest day kaya okay pa rin.” Tugon ni Arianne.
Tuloy ang kwentuhan ng magpipinsan ng maya maya pa ay may ilang grupo ng kabataan ang naaninag nila na palapit sa kubo kung saan naroon sila Arianne.
“Magandang gabi mga binibini, kapag ka nga naman suswertihin ang tao akalain mo ay makikita ko pala ditong muli ang pinakamagandang dilag ng Cabanatuan.” Pilyong bati ni Julius.
Dumating pala ang mga ito kasama ang ilang kabanataan na kasama sa prusisyon maging si Clarenze ay nahagip ng mata ni Arianne na kasama ng mga ito.
“Naku mukang simula na ng masayang kwentuhan at dumating na ang pinakagwapo sa barangay ah, maupo na kayo rito pinsan.” Aya naman ni Marvin sa mga bagong dating.
“Ano ba pinagkakaabalahan ninyo? abay baka maubos agad ang mani at binusa tiya Mina panay ang dukot mo ah. Maglibang naman tayo.”Aya ni Julius sa mga kaharap.
“Ang tanda mo na Julius maglalaro ka pa.” Mataray na sagot ni Grace.
“Kalabaw lang ang tumatanda ano ka ba. Tamang tama eto me bote sa tabi ko maglaro na lang tayo ng Truth or Dare. Lahat kasali ha walang aayaw ayaw bawal ang killjoy.” Birong banta agad ni Julius sa mga kaharap.
Wala ng nagawa ang mga kaharap kung hindi ang sakyan ang biro ni Julius at makisali sa larong gusrto nito. Sa pagikot ng bote ay unang natapatan si Grace.
“ Truth or dare?” tanong ni Julius na tila siya ng leader ng grupo sa paglalaro.
“Dare.”mabilis namang sagot ni Grace.
“Hahaha pagkakataon ko na tong makaganti sa mataray na babae ng Bulacan, pakikuha naman kami ng kape.”Natatawang utos ni Julius.
Walang nagawa si Grace kahit na nagtataray ay sumunod pa rin na humingi ng kape para sa grupo. Muling umikot ang bote sa pagkakataong iyon ay tumapat naman ito kay Clarenze.
“Truth or dare?” tanong ni tiya Mina dito.
“Truth na lang sis.” Nakangiting sagot nito na nag palabas ng kanyang biloy.
“Ano ba ang nagustuhan mo sa nobya mo at paano mo napasagot?” tanong ni tiya Mina.
“Siyempre maganda saka seksi pano ko napasagot eh ako ata niligawan niya eh hahaha.” Birong sagot ni Clarenze.
Maganda daw eh hindi naman maputi lang, seksi daw wala kayang balakang at yabang ha siya daw niligawan. Gwapong gwapo sa sarili... wala talagang respeto kahit sa nobya. bulong ni Arianne na hindi namalayan na sa kanya na tumapat ang bote.
“ Ay si Miss Cabanatuan lumilipad ata ang isip sayo na po nakatapat ang bote pwede bang ako ang magtanong?pagkakataon ko na to.” Masayang sambit ni Julius.
“Truth or Dare?” tanong ni Julius.
“Truth,” mabilis na sagot ni Arianne.
“May nobyo ka na ba o nakailang nobyo ka na?” Tanong ni Julius dito na tila ba sabik marinig ang isasagot niya.
“Wala akong nobyo, hindi pa ko nagkakanobyo at wala akong balak magnobyo.” Seyosong sagot ni Arianne.
“May balak ka bang mag madre o sadyang galit ka lang sa mga lahi ni Adan?”natatawang nasambit ni Clarenze na hindi napigil ang sumagot.
Sa halip na magsalita ay isang nakamamatay na irap ang ibinato ni Arianne kay Clarenze. Banta na nais niyang iparating na tumigil ito sa pang iinis sa kanya. Tinitigan ni Arianne ang patuloy na pag ikot ng bote at sinabi sa sarili na dare na lang ang pipiliin niya at mukhang masyadong personal ang mga tanong na ibabato sa kanya. Tila naman inaalat sapagkat sa muling paghinto ng ikot ay sa kanya pa rin ito tumapat.
“Naku!paano ba yan mukhang paborito ka ng bote Arianne Joy ah.” Biro ni Grace.
“Truth or dare?” tanong ni Grace.
“Dare na lang.” Nayayamot na sagot ni Arianne.
“Okay pwede bang mahingi ang cellphone number mo para naman nakukumusta kita pag nasa Cabanatuan ka na.Bawal mang scam ipapa ring ko siyempre ngayon ang number mo.” Deklarasyon ni Julius.
Walang nagawa si Arianne kung hindi ibigay ang cellphone number niya,“09358754820.” Paglalahad nito.
Agad naman itong tinawagan ni Julius para kumpirmahin na iyon nga ang numero ng dalaga at ng masiguro ay makahulugan na nitong itinago ang kanyang cellphone.
Ilang oras pa ang lumipas sa ay tila nanawa na sa kakulitan ni Julius ang grupo at nagsi ayaw na ang mga ito at nag kwentuhan na lamang.
“ Kailan pala ang balik mo sa Cabanatuan?” tanong kay Arianne ni Julius.
“ Sa makalawa,” sagot ni Arianne.
“Kay bilis naman yata ni hindi mo pa nga nalilibot man lang ang lugar namin eh ayaw mo man lang magtagal.” Komento ni Julius.
“Hindi naman sa ganun isang linggo lang kasi ang paalam ni tatay kila lola kaya inaasahan na makakauwi ako sa makalawa.” Tugon ni Arianne.
“Alam ko na mag-nature tripping tayo bukas tutal Linggo libre sa bukid ang lahat sagot ko pagkain, sagot ni Boss Clarenze ang sasakyan wala kayong iintindihin masulit man lang ang bakasyon mo dito.”Anyaya ni Julius kay Arianne.
“Si Tiyo Luisito mo ang kausapin mo kami ni Arianne game lang kami aba paminsan minsan ka mabigla eh hindi namin tatanggihan yan.” Wika ni Tiya Mina.
Walang inaksayang sandali si Julius agad na solong kinausap si Tiyo Luisito. Maya maya pa ay pabalik na ang mga ito sa kubo ng nakangiti nagbabadya ng matagumpay na napa oo si Tiyo Luisito.
“Kung kayo eh may balak palang maglalakwatsa bukas mas mabuti kung umuwi na tayo ng makapagpahinga.”Aya ni Tiyo Luisito sa grupo.
Masaya si Arianne sa hindi niya malamang dahilan, dahil ba sa makakapaglibot siya bukas bago umuwi ng Cabanatuan o dahil ba sa makakasama niya si Clarenze sa paglibot alin man sa dalawa ang sagot ay wala siyang pakialam basta ang alam niya its a new adventure.