Fate might be laughing at me right now. Kung magma-manifest man siya ngayon sa harap ko, paniguradong ito ang sinasabi niya, “Favourite person? Papa mo? Okay, kukunin ko siya. Kaibigang hindi ka susukuan at makakaintindi sa ‘yo? Okay, kukunin ko rin siya! Oh, don’t be sad about it! You’ll gonna have someone again! But too bad because just like them, he can’t stay for long too!”
Everything just turned back to what I said to Toby way back. That no one stays with you forever. People always leave. Always.
I was right to distance myself from them, to isolate myself from everyone. That time when my father died and I couldn’t talk to anyone even with Leo? I was right to ignore him. Dahil wala rin naman akong magagawa para sa kaniya noon at lalong ngayon. He might be hurting then and now but what could I possibly do?
I shouldn’t have let Lorenzo comfort me that day. I was wrong to let him in.
Dodging Jackie’s concern for me all this time was right. We aren’t friends. She just think I was pathetic. Naaawa lang siya sa akin dahil nawalan ako ng tatay at kaibigan. She was only being nice to me out of pity.
And knowing Quijano’s condition was a clear sign for me. Isa itong babala na hindi ko ipagsasawalang-bahala. Dahil hindi ko na hahayaang maulit ang nangyari noon.
Like what Desiderius Erasmus meant with ‘prevention is better than cure’, I should prevent the impending pain I was yet to face by not associating myself with anyone. That’s why this time, I’ll make sure to close the door tight and not let anyone in. Hindi na ulit. Hinding-hindi na.
I was a no good friend after all. So maybe I wasn’t really deserving to have one—I’m better off alone.
“Arkiiin!”
Sandali pa akong nanigas sa kinatatayuan pagkarinig sa pamilyar na boses. Ngunit nang marinig ko ang mga yapak nitong palapit ay binilisan ko ang lakad sa abot nang makakaya, kahit pa hindi ko nakikita nang maayos ang dinaraanan dahil sa kahong dala. Nang makakita ako nang maliit na barikada sa dugtungan ng building ay dali-dali akong nagtungo roon at nagtago. Para akong tanga pero wala na akong pakialam.
“Ra—eh? Sa’n napunta ‘yon? Dito siya nagdaan ah? Luh? Minamaligno ba ‘ko?! Langya may engkanto ba rito?! Doppelganger?!
“Rai! Kahit mapagkamalan ka nilang kamag-anak ‘wag kang sasama!” Nakarinig ako ng tawa.
Higit ko naman ang hininga habang pinakikinggan siya roon.
“Paging Miss Rai Alvarez, napasaan ka, pakigalaw ang baso!
“Langya talaga kailan pa nagkaroon ng talent sa pagtakbo ‘yon?”
Napabuga ako ng hangin sa relief nang marinig ko ang palayo nang boses ni Quijano. Sandali akong pumikit nang mariin habang nakaupong parang tanga roon sa likod ng barikada.
“Hoy. Ginagawa mo riyan?”
Bahagya akong napatalon sa gulat pagkadilat dahil sa mapang-uyam na boses na narinig. Pagkatingala ay agad akong sinalubong nang sarkastikong ngisi ni Leo.
Binalewala ko na lamang ang init na naramdaman sa pisngi at agad nang tumayo. But my sudden movement made the contents of the box unbalanced in my hands. Tumapon ang ilang bolang naroon at marami pa sana ang malalaglag kung hindi lang nasapo ni Leo ang box.
Iritable siyang dumaing. “This is the class rep’s job. Bakit ikaw ang gumagawa?”
Habang parehong nakahawak sa box na nasa gitna naming dalawa’y tumingin ako nang diretso sa kaniya. “Nagpresinta ako dahil wala naman akong matinong ambag pagdating sa activities.”
“Ha?” Kumunot ang noo niya. “So you’re trying to please them? Really?”
No. I hate physical ed and in all honesty, “I’m just trying to excuse myself.”
“You should do a better job than that.” Sarkastiko siyang ngumisi sabay tuluyang agaw ng box mula sa akin. Tumango siya sa direksyon ng ilang bolang natapon matapos. “Kunin mo.”
“Ako nang magdadala.” Nang akmang kukunin ko pabalik ang box ay bahagyang inilayo niya ito sa akin.
“Hindi kami makapagsimula dahil sa bagal mo kaya ako nandito. Pulutin mo nang mga ‘yon nang makabalik na tayo,” aniya sa blangkong ekspresyon.
Okay.
I’d completely avoided Quijano for a whole week. Maaga akong pumapasok sa umaga para lang hindi ko siya makasalubong sa hallway. Mas pinipili ko ring dumukdok sa sariling desk tuwing break imbes na lumabas. Nagbu-bus na rin ako palagi sa pag-uwi. Wala iyong palya sa araw-araw kaya’t wala halos pagkakataon para makapangbulabog siya. Lalo na’t hindi naman kami pareho ng klase.
I hadn’t talked that much with Leo too. Sa tuwing nag-uumpisa naman si Jackie na kausapin ako ay mabilis ko na agad siyang pinuputol. At aaminin ko, ‘di tulad dati, may parte sa aking nahihirapang gawin ito ngayon. Lalo na sa tuwing naaalala ko si Toby. Pati nang pagkakatuklas ko ng kondisyon ni Quijano. It felt like there was something that needed to be done. And the pressure of it was making me more withdrawn. Dahil ayaw ko na. Getting involved with people and their troubles were exhausting.
Nitong mga nakaraang araw ay parang gusto ko na lang mawala. Not to die, just to vanish for a while or become something like a ghost—where no one knew me and didn’t expect anything from me.
I had the chance to tell Toby how grateful I was with his friendship but I couldn’t even get to show him how so. At alam ko ‘yon. The regret almost ate me alive when he died. Ayaw ko nang maramdaman ‘yon ulit pero ang hirap.
Madaling isipin ang pagtalon sa malalim na tubig kahit alam mong hindi ka marunong lumangoy. Pero ang aktuwal na paggawa noon ay ibang usapan. Nakakatakot. Gustohin ko mang maglakas loob na balewalain ang nalaman at ipagpatuloy ang pakikisalamuha kay Quijano ay hindi ko magawa. Madaling isiping kaya ko, pero ang hirap gawin nang aktuwal. Dahil alam ko na kung saan iyon hahantong.
I think I still hadn’t gotten over my cowardice. Because I’m certainly still a big one.
“Nakita mo na ba ‘yung mural ng first place?”
“Hindi pa! Pero sabi nung kakilala ko ang angas daw ah?”
“Three consecutive years daw na first place sa poster making gumawa no’n eh.”
“Talaga? Wow!”
“Oh? Parang narinig ko ngang usap-usapan sa arts faculty—na marami daw university ang nag-o-offer ng scholarship sa estudyanteng ‘yon, ever since na nag-senior high siya!”
“Ay sana all!”
“Tignan natin mamaya? Sa’n ba banda ‘yung mural?”
“Tara! Nasa likod daw ng home ec building.”
Another week passed. Mukhang tapos na ang mural contest at may in-announce nang nanalo, base sa naririnig kong usap-usapan sa hallway magmula pa kaninang umaga. Naka-post ‘yon sa sss page ng school pati na rin sa bulletin board pero hindi ako nag-abalang tignan dahil hindi naman ako interesado.
Pagkagaling sa cr nang mag-break ay natanaw ko si Reegan na nasa hallway, sa tapat ng room namin. Nakasandal siya sa haligi ng corridor habang nakapamulsa. May tinatanaw siya sa loob pero mukhang wala siyang balak na tawagin kung sino man iyon. Tango at ngisi ang ginaganti niya sa mga nagdaraang estudyanteng bumabati sa kaniya.
Looking at him, I thought—mukha siyang manliligaw na nag-aantay ng tamang tyempo sa nililigawan sa asta niya roon. Medyo natawa pa ako sa naisip nang maitsura ko silang dalawa ni Leo.
Reegan was kinda bulky kaya kahit wala namang ginagawa at nakatayo lang ay ang angas pa rin ng dating. He had this confident and sociable air in him. Sa totoo lang pareho silang maangas tignan ni Leo. Madaldal nga lang si Reegan at palangiti, kabaliktaran ng huli. Some may also think that Leo was violent while the latter wasn’t when in fact, it was actually the other way around.
Patungo na ako pabalik sa room nang nalingon niya ako.
“Rai.”
Huminto ako at nilingon ang bahagya niyang pag-ahon mula sa pagsandal.
“Kung gusto mong kausapin si Leo—”
“Wala ba siyang binabanggit sa ‘yo?” putol niya sa dapat kong sasabihin.
Naalala ko ang sinabi ni Leo sa akin sa field. Ngunit imbes na sabihin iyon ay umiling ako. “We don’t talk much.”
He pursed his lips and slowly nodded. Bumuntonghininga siya at marahang napangisi. “Tough nut bastard won’t even answer any of my messages. Parang babaeng nagpapasuyo.”
He uttered some curses before laughing it off. Kinuha niya ang kung anong nakalapag sa corridor at iniabot sa akin matapos. “Here.”
May pagtataka kong tinanggap ang tetrapack na protein drink na inabot niya. Itatanong ko pa lang kung para saan iyon nang muli siyang nagsalita.
“Sorry about last time.” Sabay ngiti.
Mabagal akong napatango. “Okay.”
With a nod back, he left. Naiwan naman ang tingin ko sa ibinigay niya. Leo used to drink this everyday.
Another day went uneventful.
Mula sa paglalakad sa hallway ng second floor ay napasulyap ako sa labas, sa baba ng building kung saan may naririnig akong tugtog. May hawak na gitara ang isa sa mga estudyanteng naroon at tumitipa. Ang ilang kasama niya’y nakapaikot nang pabilog kasama siya at sabay-sabay silang nagkakantahan. Buong sandaling nakapinta ang ngiti sa mga mukha nila at hindi maalis.
I didn’t know them. But looking at their smiles, I couldn’t help but think about bonds.
“Have you decided on what university you’re applying to? Grabe, isang taon na lang tapos na tayo ng highschool! Can you believe it?”
The fact that this highschool thing will be over soon… hindi ba nila naiisip na balewala ang kung anong mayroon sila ngayon, kung sa mga susunod na taong lilipas ay mawawala rin naman ito? That bonds were as fickle as the changing of seasons?
Matapos magbitiw ng tingin sa mga ito’y muli akong nagpatuloy sa paglakad. Paliko na ako para sa hagdan nang bigla-bigla’y may kung sinong sumulpot doon. Gasegundo lamang kaming nagpalitan ng tingin ngunit pareho na naming alam kung ano ang sasapitin namin. Mabilis ang mga sunod na pangyayari. Mula sa gahiblang distansya nang pagkakabangga sana namin ay bigla niyang sinipa ang pader, dahilan upang tumilapon siya patungo sa haligi ng corridor at dumausdos sa sahig. Ako nama’y tuluyang natigilan sa paglakad at naestatwa sa kinatatayuan.
Namimilog ang mga mata ko sa gulat at tila bomba ang biglang pagsabog ng kaba sa dibdib ko. Lumingon ako sa direksyon kung saan ko narinig ang mga daing at nakita ko itong nakahandusay sa malamig na simento, tanging ang ulo niya ang nakasandal sa pader.
Nanlamig ang mga palad ko habang pinagmamasadan ang nakangiwi nitong ekspresyon, mukhang may iniindang sakit. Binalewala ko ang tingin at pagkakagulat din ng mga nagdaraang estudyante nang mabilis ko itong nilapitan. Nanuhod ako sa gilid nito at umakmang hahawakan ito ngunit hindi ko nagawa dahil sa panginginig ng mga kamay ko.
“A-ayos ka lang? Bakit mo ginawa ‘yon?!” Hindi ko nakontrol ang pagtaas ng boses ko dahil sa sobrang kaba.
Hinayaan na lang sana niyang nagkabungguan kami nang hindi siya mag-isang nakasalo ng impact!
“Arkin?” Napangisi siya nang salubungin ang mga mata ko. “Ikaw pala! Long-time no see! Nagbakasyon ka ba sa ilalim ng bato kasama ng starfish?” Nasapo niya ang likod ng ulong mukhang tumama sa pader at agad na napadaing. “Ow!”
I gritted my teeth while watching him slowly got up to sit.
“Why do you have to be so reckless?! You aren’t supposed to run in the hallway! At bakit mo sinipa ‘yung pader? Masokista ka ba? Do you like hitting your head that much? You could’ve had a severe injury! Not to mention—” You are dying sick!
Natigilan ako sa pagsasalita nang matanto kong halos sumigaw na ako roon. My heart was beating loudly from my chest with mixed frustration and fear that my breathing started to strain.
Mula sa pagkakatigil at bahagyang namimilog na mga mata ni Quijano, aninag ko ang ilang estudyanteng nahinto sa paglakad para lang panoorin kaming dalawa roon. Rinig ko ang bulungan ng iba.
“Napano?”
“Nabagok?”
“Away?”
I’m being stupid, aren’t I? I should be ignoring and not giving a damn about this weirdo. Being worked up over this is ridiculous.
“Uh…” With his hand still caught at the back of his head, he winced. “I’m okay?”
Kuyom ang magkabila kong kamao nang tumitig ako sa kaniya. I wanted so bad to shout at him and tell him to stop being careless and take care of himself better. Pero sino ba ako para pakialaman ang mga desisyon niya sa buhay? I’m not even his friend. At kahit alam kong may taning na ang buhay niya ay ito ako at iniiwasan siya.
Pumikit ako nang mariin at sinubukang kalmahin ang mabigat na paghinga. Nang bahagyang makabawi ay mahinahon na ulit ang boses ko pagkasabing, “Just don’t do something reckless like that again.”
Hindi ko na siya sinulyapan hanggang sa muli akong makatayo. Nang tinapunan ko ng tingin ang mga estudyanteng nang-uusisa ay unti-unti na silang nagsilisawan paalis. Aalis na rin sana ako ngunit kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang nang marinig ko ang seryosong boses niya.
“Why are you avoiding me?”
Hindi ako lumingon hanggang sa marinig ko ang pagtayo niya. I tried to ignore the subtle ache and brand new frustration building in me before turning to face him. Walang emosyon ang mukha ko nang sinalubong ko ang tingin niya kahit napakarami kong gustong sabihin.
I wanted to tell him then that I found out about his condition, that I know that he’s dying. I wanted to talk to him about so many things. About Toby, about the day he died, about what it felt like, how he could cope up after watching someone die. I wanted to know what kind of things he likes, who’s his favourite person, why he likes the rain, what makes him the way he is. s**t, I wanted to be his friend! But I’m so done losing people because of death. I’m so scared of getting hurt again over the fact that all the people in our lives aren’t meant to stay. No matter how deep or fickle your connection to them doesn’t matter because death alone can nullify it.
But out of all the things I wanted to say, in the end I just heard myself saying, “I’m just sick of your stupid mischief. And while we’re at it, please do me a favour and stop dragging me into it. Better if you completely stop talking to me like we’re friends too.”
Kumuyom muli ang kamao ko matapos kong sabihin ito nang dire-diretso at walang pag-aalinlangan. Hell, it stung more than I thought it would. But that was the necessary thing to do, wasn’t it?
Hindi siya nagsalita. Hindi ako sigurado ngunit parang may nakita akong lungkot na nagdaan sa mga mata niya bago siya nag-iwas ng tingin. Hinimas niya ang likod ng ulo makalipas ang ilang sandali.
Just when I thought he gave up, I saw him smirking while looking back up at me. I was convinced that my eyes were just playing tricks on me then because I didn’t see any hint of blues on his expression as he stared at me. His chinky eyes was trained on me like he knew something I was desperately hiding. Muntik na akong nasamid ng sarili kong laway dahil doon.
“Level with me, you don’t want me to act all friendly around you? Is that why you looked so bothered just now when you thought I was hurt? Gano’n ba ‘yon, Rai? Talaga?”
Mas lalong kumuyom ang kamao ko sa nahimigang pang-aasar sa tono niya.
“I’m not—” bothered! Wala akong pakialam! Dapat wala akong pakialam.
Humalakhak siya nang hindi ko natuloy ang dapat kong sasabihin. He was then biting his lip as if to supress laughing more. Mabagal ang paulit-ulit niyang tango habang pinadadaan ang mga daliri sa buhok. “Okay, okay.”
Anong okay?
I froze as I watched him paced closer. Muntik pa akong napaatras nang huminto siya sa mismong harap ko ngunit hindi ako nagpatinag. Seryoso ang mga mata niyang nasa likod nang magulong buhok nang tumitig diretso sa akin. He normally looked like he was onto something whenever I saw him. But staring back at his unsmiling face right then, he looked totally different, as if he was another person I didn’t know.
“Sinong nagsabing magkaibigan tayo?” aniya sa malamig na tinig, halos marahas.
Sumikip ang dibdib ko sa biglaan at malakas nitong pagkalabog. Kumurap ako at suminghap nang malalim. I guess we aren’t really friends. Pero bakit parang ang sakit no’ng pakinggan galing sa kaniya?
Halos manuyo ang lalamunan ko nang magsalita. “We’re not friends, I know.”
“Yeah, we’re more than that,” namamaos ang boses niyang tugon.
Kumunot ang noo ko habang nakatunghay sa mabagal na pag-angat ng isang sulok ng labi niya.
“We’re partners in crime, Arkin, remember?”
Nagkatinginan kami. Sandali kong napigil ang hininga bago ito dahan-dahang naibuga. There was something sly about the way his eyes looked at me. Hindi ko masabi kung ano. But it made me question more if he was really the same weirdo I know. Something about him changed. Dahil ba sa ilang linggo kong hindi pagkausap sa kaniya? Hindi ko alam.
Napapikit ako nang mariin pagkaiwas ng tingin sa kaniya. I was overthinking again. I should stop. “Whatever.”
Nanatili pa rin sa akin ang tingin niya nang tinalikuran ko upang muling magpatuloy sa pagbaba ng hagdan.
“Have you seen the mural everyone’s talking about?” aniya, sumusunod pala sa akin.
“Hindi ako interesado.”
“Oh? You don’t want to see it? Not curious at all?”
“No.”
“Still avoiding me?” He chuckled when I didn’t respond. “Sa’n ka ba pupunta?”
I face-palmed mentally. He wasn’t going to make this easy for me.
“Parang nagutom ako. Bili tayo ng saucer?”
Nakalabas na ako ng building at lahat ay nakasunod pa rin siya sa akin. Tumigil ako sandali at nilingon siya, blangko ang mukha. “Quijano.”
Grinning, he put his clasped fingers on his nape. Bumaling siya sa akin. “Rai.”
We held gaze. Ang dami ko ulit gustong sabihin ngunit sa huli ay napabuga na lang ako ng hangin. Muli ko siyang tinalikuran at hinayaan sa mga desisyon niya sa buhay.
“Huy! Ano ba ‘yon? Rai!” Narinig ko ang mga tawa niya pasunod.
And what’s surprising is that, it didn’t annoy me. Ang katahimikan sa mga lumipas na araw ay halos nakabibingi. And hearing his manic laughs and banters again was somehow… comforting.
Uwian. Palabas na sana ako ng gate nang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Quijano kanina. Lumipad ang mga mata ko sa matataas na haligi ng school at nakita ko ang mga bagong pintang mural doon. Bakit nga ba usap-usapan ang gawa ng first place?
Wondering if it was really worth the fuss, natagpuan ko na lamang ang sariling nakatayo sa harap ng isang mural. Walang ibang estudyanteng naroon para magkumpirma kung iyon nga ba ang gawa ng first place. But for some reason, the first time I set my eyes on it, hindi ko na ito nabitiwan ng tingin. Nangingibabaw iyon sa hilera ng mga nakapintang mural sa bawat haligi.
It was an abstract mural. And I was no art genius but…
I tilted my head to the side and started to give myself reasons. Inaalala ko pa kung ano ang theme ng mural contest nang may narinig akong nagsalita sa bandang likod ko.
“Look at the girl who swore to not have a single interest,” makahulugan ang tono niya nang sinabi ito. “Have you made up your mind yet?”
About what?—gusto ko sanang itanong ngunit hindi na lang ako umimik. At baka mabuksan na naman ang usapan tungkol sa pag-iwas ko sa kaniya.
Such a farce. Dapat ay ‘di na lang ako nagpunta rito.
“What do you think?” aniya paghakbang patungo sa tabi ko.
Pareho naming tinunghayan ang mural. I was indeed looking at the right piece.
Bahagyang kumunot ang noo ko rito. I know it was an abstract art and, “I’m not sure if I just lack imagination or art comprehension… pero parang ayaw magpaintindi nito?”
Narinig ko siyang humalakhak.
Mas maigi kong tinitigan ang mural sa harap. Maraming pinagsama-samang pigura ang bumubuo sa kabuoan noon. The strokes were neat and the colors used contrasted yet at the same time blended with each other well on the right parts. Isang tingin at mapupukaw agad ang atensyon nang kung sinong titingin habang napapaisip. Sadyang kahit gaano ko yata ito katagal pagmasdan ay hindi ko pa rin maiintindihan. Or was that part of the trick? Kaya ba nanalo?
I think I’d read something like this before—that art isn’t meant to be understood but to be felt. Or is it art wasn’t supposed to look nice, it was supposed to make you feel something? I don’t know, but it was something close to that.
I wasn’t sure what I felt towards this piece though. Confusion? Curiosity? Frustration? “What does this piece mean?”
“Any guess?”
I shook my head none. “Sinong nagpinta? Kakilala mo?”
He was shaking his head, parang dismayado kahit natatawa. “Hulaan ko, walang wifi sa ilalim ng bato ‘no?”
“Hindi mo rin alam?” Ngumiwi ako.
Bumuntonghininga siya at tuluyan nang natawa. “Ang sabi ko sa ‘yo ‘wag kang sasama sa mga maligno eh.”
“Ha?” ‘Di tulad ng mural, sana gusto rin niyang ipaintindi sa akin ang mga sinasabi niya.
Kunot-noo kong pinanood ang paglakad niyang paalis mula roon. Noon ko lang napansin ang bitbit niyang watering can. Bago ko pa man matanong kung para saan iyon ay nakita ko na siyang pumasok sa greenhouse. Tila noon ko lang natantong nasa likod nga pala kami ng home ec building—matapos kong pasadahan nang isang mabilis na tingin ang nakahilerang bench sa madamong gilid ng greenhouse.
May bahid nang kaunting frustration kong muling sinipat ang mural. Ilang sandali ko pa iyong tinitigan bago makuha ang atensyon ko nang maliit na pangalan sa bandang baba nito. Of course there was a name of the artist!
Maliit iyon kaya kinailangan ko pang ilapit ang tingin ko para lang mabasa. And as I read what was written there, my eyes widened.
Clint James Quijano
Tama ba ‘tong nababasa ko?
Para makasigurado ay mas maigi ko itong muling tinignan. And I wasn’t being mistaken.
Clint James Quijano!
Pangalan niya ‘yon ‘di ba?
I gaped at his name on the mural for a few moments before I decided to follow Quijano inside the greenhouse.
“Clint James Quijano,” ulit ko sa nabasang pangalan doon.
Mula sa pagdidilig ay sumulyap siya sa akin, may bahid ng ngisi ang mga labi. “Yes, Miss Alvarez?”
“Ikaw ang gumawa no’n?”
“Wow! Paano mo nalaman?” Natatawa at kunyaring namamangha siyang sumulyap ulit.
Napatiim bagang ako. “Ikaw nga?”
Balewala siyang nagkibit-balikat. “Parang ako nga.”
“Are you sure?”
Humalakhak siya at bahagyang tinigilan ang ginagawa para lang tignan ako.
“May katukayo ba ako nang buong pangalan sa school na ‘to?”
Kumurap lamang ako at hindi nakasagot. Parang ayaw pang mag-sink nang nalaman.
“Is it really that hard to believe?” He grinned. “Mukha lang ba talaga akong walang kwentang weirdo sa paningin mo? Alam mo bang marami akong talent? O, gusto mo ng buko juice? Kuha ka buko, ipagbabalat kita gamit mga ngipin ko.” Sabay kagat sa hangin nang paulit-ulit para lang ibalandra ang mga ngipin.
“Ah. May talent ka rin sigurong lumakad sa bubog at baga?” I deadpanned.
“’Di mo ba alam? Sa circus kaya ako nakatira dati.” Ngumisi siya. Sabay biglang nagbago ang timbre ng boses pagkasabing, “Do you want a balloon too, Georgie?”
“I don’t speak weirdo language,” ngiwi ko.
“Pop! Pop! Pop!” patuloy pa rin niya, parang walang narinig.
“Are you on something?” Drugs? Betsin?
Humagalpak siya ng tawang mag-isa at saka ipinagpatuloy ang ginagawang pagdidilig.
“What does your mural—” mean?—hindi ko na naituloy ang itatanong nang may matanto.
Nakagat ko ang labi nang maalala kong dapat ay wala ako rito. Na dapat ay umiiwas ako sa kahit anong interaksyong kasama siya.
This is stupid. I should go. Right?
Gusto kong manatili ngunit para akong hinihila ng mga paa ko na umalis doon. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag at sandaling nakipagtalo sa sarili. Ilang beses ko pang kinailangang alalahanin kung bakit ko ito ginagawa bago tuluyang mabuo ang desisyon.
Aktong paalis pa lamang ako nang otomatikong nahinto ang mga binti ko sa planong paghakbang. Ang mga mata ko’y lumipad at napako sa halamang natapos na niyang diligan. Natulala ako sa pamilyar nitong mga dahon at sandali pang lumutang ang isip.
Then suddenly, it dawned on me. “Is that…” I trailed off and gasped, hindi na magawang dugtungan ang dapat sasabihin.
“Kakatapos lang mamulaklak last summer. Sayang ‘di mo nakita, ganda pa naman nang tubo ng daffodils nito.”
Lumipad pabalik kay Quijano ang namimilog kong mga mata. Hindi ako sigurado kung gusto ko bang matawa o maiyak. Sa huli ay napailing lamang ako.
No way.