Umalingawngaw ang malakas na kulog habang nag-aantay kaming apat sa waiting shed, malapit sa school. Sabay na napatalon si Quijano at Jackie sa pagkakagulat samantalang kami ni Leo ay napatingin lamang sa dalawa, natatawa. Ang natitirang liwanag mula sa papalubog na araw ay mabilis nang nilukob ng dilim. At hindi na nga nagtagal nang bumuhos ang ambon, hanggang sa unti-unti itong lumakas at napalitan nang malalaking patak ng ulan. “Nice.” Alanganing ngumiti nang nakangiwi si Quijano habang nakadungaw sa kalsadang mabilis binabalot ng tubig ulan. “That’s our car. Finally!” Mabilis kaming nilingon ni Jackie. “Sabay na kaya kayo?” “We’re taking the bus, we’re good,” mabilis na tugon ni Leo. “Ako pwede pasabay?” si Quijano, bahagyang nakataas ang isang kamay. Tanging tango ang isinukli n

