Pare-pareho kaming naging abala para sa exams nang sumunod na week. Madalas din ang practice ni Reegan ng soccer pagkatapos ng klase. Kaya’t pinili lang namin ang mga posibleng magawa sa mga nabunot sa bucket list para sa linggong iyon. We saved the tricky things and decided do it on the coming weekend. At tulad nang sinabi ni Leo, inilaan namin ang dalawang araw na iyon purely para sa paggawa ng mga iyon. “An overnight trip?” “Yes, Tita. It’s our way to refresh our minds from the stress on the exams,” ani Leo kay mama nang ipagpaalam ako para sa weekend. “Can I come too, Kuya?” anang kapatid ko. Marahang umiling si Leo rito nang may ngiti sa labi. “Next time, kiddo.” Bumagsak ang mga balikat ni Allen at bahagyang ngumuso. “Okay.” Nagsalit-salit sa amin ang tingin ni mama. “You’ll be

