3 – One more light

2750 Words
Patila na ang ulan nang makauwi ako. And the irony was that, buong paglalakad ko pauwi’y walang habas ang pagbulusok at pagbuhos niyon sa akin. Na halos ilang beses akong muntikang matisod ng kung ano sa daan dala ng pagkakabulag. May lihim na galit siguro sa akin ang langit. Or was it… Lorenzo? Oh, Christ. The influence of the people around me today was ridiculous. It made me crave to read a book and finally wipe clean my mind with unwanted thoughts and ideas they forced inside my head. “Ate, kumain ka na? Specialty ni Papa ang niluto ko!” Tila natauhan, napahinto ako at hindi na naituloy pa ang akmang pag-akyat sa hagdan pagbulaga ni Allen mula sa kusina. Suot ang apron at hawak ang sandok ay abot taingang ngumiti ito sa akin nang buong pagmamalaki. His bubbly smile was a bitter reminder of the sinking feeling inside my gut. Right. Today was also that day too. How could I almost forgot? He was jolly like it’s appropriate for the occasion. How ironic this day could get? Parang gusto ko nang matawa. Only that I felt like doing otherwise. Bahagyang kumunot ang noo niya sa katahimikan ko. Unti-unti siyang humakbang palapit at agad natigilan sa kalagitnaan niyon. “Teka, bakit naglulusak dito?” Pagkatapos mapasadahan ng tingin ang dinaanan ko’y muling nagbalik sa akin ang namimilog na niyang mga mata. “Ate, anong nangyari? Bakit ka naligo sa ulan?!” Kamot sa ulo. “Bakit hindi mo man lang ako tinawag para sana naikuha kita ng towel?! Tignan mo, naglusak ka na rito!” “Sinisigawan mo ba ‘ko, Allen?” The tone of accusation was weak on my monotone as I looked flatly at my nagging kid brother. “Hindi!” Pinanlakihan pa ako ng mata, nagmamalinis ang tono. “Sinisigawan mo ako.” “Ate naman kasi…” he drawled with resignation, now sounding problematic. Mabigat akong bumuntonghininga bilang senyales nang pagsuko. Yamang nakakapagod ang kabuoan ng araw na ito, panalo na siya. This day surely took a toll on me. “Towel. Bilis.” Binawi ko ang mga hakbang pabalik hanggang sa manatili ako sa doormat. Isang mabilis na sulyap ang ginawad ko sa tumutulong teal short sleeve casual dress na suot. Hinubad ko ang puting sneakers pati nang medyas habang hinihintay na magbalik ang kapatid dala ang towel. “Ano bang nangyari sa ‘yo, ate?” nangangamot sa sentidong aniya habang pinapasadahan ako nang may pagtatakang tingin. “Bakit hindi ka na lang sumabay kay Kuya Leo kung wala kang dalang payong? Why did you—” “Ano ngang niluto mo?” pag-iiba ko na lamang ng usapan dahil ayaw ko nang alalahanin ang sinapit ko bago makauwi. Nagtagal pa ng ilang sandali sa akin ang tingin niya. Inabala ko naman ang sarili sa pagpunas ng towel sa basang buhok na hanggang balikat. Kalauna’y tinantanan din niya ako at nagbubuntonghiningang m-in-op na lamang ang mga lusak ko. Sumusulyap-sulyap siya sa akin habang ginagawa iyon. “Anong niluto mo?” pag-uulit ko. Slowly, an animated smile resurfaced on his face like he was proud to announce a commendable achievement. Ang buong akala ko pa nama’y napanis na ang katuwaan niya kanina. “Remember the one Papa cooked for your birthday last time?” Sa kalagitnaan nang pagpunas ay natigilan ako para lang ituon ang buong atensyon sa kapatid. At noon ko lamang napansin ang maliit na dahon ng gabi sa pisngi niya. Then I saw it; the hint of sadness behind his usual bright smile. “Naalala mo nung bata pa tayo? We both hated eating vegetables. Kaya halos lahat ng luto ni Papa hindi natin pinapansin. But his laing was the game changer.” A bitter feeling seized my insides. I think I’m gonna be sick. And how I hoped that all these foul feelings were just signs of that sickness and not something else. Bakit kailangang ibuhos ang lahat ng damdaming ito sa akin ngayong araw? Hindi pa ba sapat ang paghihinayang na nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko lahat ng sama ng loob ay inaatake ako ngayon nang sabay-sabay sa magkakaibang direksyon? Bakit kailangang ngayon? Was there some curse at the last of May? Nasapo ko ang noo at ilang sandaling naghilot ng sentido. I guess that’s about it. I could officially declare that this day had been one of my worst days. This day sucked. I am hereby, marking the last of May to be a dooms day. My own screwed up holiday. If there’s Friday the thirteenth, then there’s last day of May for me. Hm? Teka sandali… Bahagyang kumunot ang noo ko nang noon lang tuluyang natanto kung ano ang ginawa ng kapatid. I was thinking too much of what I’m feeling and overlooked this one. Mabilis akong nag-angat ng tingin at pinasadahan nang mariing tingin ang suot niyang apron at ang ligaw na dahon ng gabi sa pisngi. My eyes turned to slits then. “Nasa’n si Mama? Bakit ikaw ang nagluluto? Wala bang sumabog sa kusina?” Napangiwi siya sa magkakasunod kong tanong, lalo na sa huli. “Ate naman o. Sumabog talaga? Syempre wala! May kasabay ka sanang bumberong umuwi!” He chuckled. Tapos na siya sa ginagawang pag-mop at aktong itatabi na iyon. “Gutom na ‘ko, kain na tayo habang mainit pa.” “Allen, si Mama?” pag-uulit ko, mas mariin na. Natigilan siya sa pagngiti-ngiti at agad inayos ang sarili na para bang may nakitang kung ano sa ekspresyon ko. Tumikhim siya bago sumagot. “Ang sabi niya kanina bibili siya ng bulaklak…” Tuluyang kumunot ang noo ko sa narinig. “Sinong kasama? Anong oras umalis?” “Siya lang, Ate. Umalis siya ng mga past five kanina. Sabi ko nga ako na lang ang bibili kaya lang ayaw niya.” Inihagis ko ang towel. Aktong kukunin ko na ang phone sa suot na bag para tawagan si Mama nang biglang nagbukas ang main door. Walang anu-ano’y iniluwa siya noon. Sabay kaming napalingon ng kapatid sa direksyon niyon. Hawak ang isang bouquet ng white tulips ay pasuray-suray siyang naglakad papasok. “Ma!” Binitiwan ni Allen ang hawak na mop at maagap na nilapitan si Mama bago pa man ito tuluyang mahantong sa sahig. Napabuga ako ng hangin sa nakita. Humahagikgik si Mama habang salo-salu siya ni Allen and I’m positive she’s drunk. “Ma, naman o. Bakit ka uminom? Sabi mo bibili ka lang ng bulaklak ah?” Kinuha ni Allen ang hawak na bulaklak ni Mama kahit mukhang hirap na rin siyang makabalanse, dahil mas malaki ito nang kaunti sa kaniya. Pagkalapit ko’y mabilis na umatake sa ilong ko ang amoy ng alkohol. Bahagya mang naalibadbaran ay binalewala ko na lang iyon para kunin kay Allen ang bouquet at ayusin. “Allen, baby ko! Kiss mo nga si Mama…” Niyakap ni mama si Allen at saka ito ngumuso. “Ma!” Natatawang iniiwas ni Allen ang mukha niya kay Mama. “Grade eight na ako. Hindi na ako baby! Marunong na nga akong magluto o!” Marunong? I stifled a scoff. Kaya pala muntik na kaming ma-food poison sa niluto niyang sinigang noong isang araw. Napailing na lang ako sa sarili bago kinuha ang vase. Matapos mailagay at maiayos ang mga puting tulips doon ay inilapag ko ang vase sa maliit na lamesang nasa corner ng sala. Kinuha ko ang posporo ngunit natigilan ako sandali nang mahagip ng paningin ko ang laman ng picture frame. Wearing a camouflage, he was standing dignified and almighty like it was what he’d been born to be. Looking straight to the camera’s lens with eyes piercing and cold, that’s the late Brigadier General Arkiel Alvarez, my father. “I can’t believe it’s already been a year…” Pare-pareho kaming natahimik dahil sa sinabi ni Mama. Naroon na siya’t nakatayo sa tabi ko nang hindi ko namamalayan. Si Allen naman ay nasa likod niya’t inaalalayan siyang tumayo. All his jolliness a moment ago was completely gone. “Your papa can no longer go home… pero nandito pa naman si Mama.” Muntik pa siyang natumba nang sinikop niya kami ni Allen mula sa magkabila niyang braso. Her eyes was already half opened when she pated our shoulders and said, “Just try to bear with my rebellion at the time being, kiddos. Okay?” “But you’re not a teenager. Paano kung gusto ko ring magrebelde? Who’ll look after me, then?” seryoso ko itong tinanong. Napakurap si Mama ng ilang beses bago ako pinanliitan ng mga mata, kung may natira pa sa half open na niyang mata. “Rai, sweetie… your brother is right here!” She tried to pat Allen’s head but she just ended up messing his hair. Napangiwi na lang si Allen lalo na sa sunod na sinabi ni Mama, “I’ll make Allen in charge if you try rebelling!” Nilingon niya ang kapatid ko sa kabilang side at saka ngumiti nang abot tainga. “Narinig mo ‘yon baby ko ha? Suhituin mo nang mabuti ang ate mo ‘pag nagloko!” Binulong pa niya kay Allen ang sunod niyang sinabi kahit rinig naman sa buong bahay. “Magrerebelde raw kasi siya…” Then she paused for a giggle. “Akala yata ng ate mo ang cute niya ro’n!” Blangko ang mga ekspresyong nagkatinginan kami ng kapatid ko. Yes. I know it was hard to admit but this is our mother. Drunk and being imprudent. On the first death anniversary of our father. This sounds so sad, pero minsan mahirap talagang kumalinga ng magulang. Mama let out a huge pit of laughter all of a sudden. Pareho namin siyang nalingon at napagtuonan ni Allen sa halong bigla at pagtataka. We were both wondering then if she’d gone nuts or just fooling around. But after a few seconds, her laugh faltered as she announced, “I love you kiddos!” Mabilis niyang nahalikan si Allen sa pisngi, sunod ako. “Hmn? Ano ‘yon, bakit parang may basa?” “Ugh, you reek of alcohol, Ma,” reklamo kong hindi na niya narinig dahil bagsak na siya. Mabuti na lang at nasalo siya ni Allen. Napabuntonghininga na lamang ako. “Take her to her room. Turn off the lights bago ka umalis para makatulog siya nang maayos. Siguradong pagod ‘yan.” Tumango si Allen at agad inakay si Mama paakyat ng hagdan. Pagkatapos kong masindihan ang puting kandila’y sumunod ako paakyat para makapagpalit na. Naabutan ko si Allen dahil sa bagal nang progreso ng pag-akyat niya. “Aakyat ka na, Ate? ‘Di ka ba muna kakain?” puna niya nang mapansing pumapanhik na rin ako. “Ayoko pang mamatay,” malamig kong tugon. “Grabe naman o, edible ‘yon, nakailang tikim kaya ako! Ate naman try mo lang…” lumungkot bigla ang boses niya kaya bahagya ko siyang nilingon. Napansin kong hindi pa rin niya nahuhubad ang kanina pang suot na apron. “Niluto ko pa naman ‘yon para sa commemoration ni Papa…” I mentally face palmed. I just wanted to rest and put an end to this day. Wala akong ganang kumain o gumawa ng kung ano pa man. Pahinga lang ang gusto ko, utang na loob. “Stop trying so hard, Allen. Hindi ka marunong magluto. Itapon mo na lang ‘yon. Baka sakitan ka ng tiyan ‘pag kinain mo pa. Mag-order ka na lang kung nagugutom ka, okay?” “Hindi mo man lang ba titikman, Ate? Pinaghirapan ko ‘yon eh…” Bumagsak ang mga balikat niya. Ang sunod niyang sinabi’y hindi ko na halos narinig dahil sa hina. “What’s so wrong with trying?” Truth be told, between my brother and me, I’d never been our parents favourite—he was both theirs though. Hindi ko alam ang eksaktong rason kung bakit. Pero kung bibigyan ko ng dahilan ang sarili, maybe it was because Allen was the warm type while I was the opposite. Siguro rin dahil madaldal siya kaya mas nagkakasundo sila ni Mama? Siguro dahil lalaki siya at mas gusto ni Papa ng lalaking anak? My name was the living proof of it—Rai Arkin? That was one hell of a boy’s name. Sinabi rin ito sa akin ni Mama noon nang na-curious ako dahil na rin sa mga tanong ng ilang kaklase kung saan nanggaling ang pangalan ko. That was why I turned all my attention and interests on books. Because it never failed me. And it was always there whenever I needed it—when I wanted to know something, when I craved to feel something. The words gave me comfort. The knowledge amused me. That was also why I resorted to hanging out with books more than people. Because most of the people I'd met was uninteresting if not disappointing—at least not like the books I’d read. But right then, just like a year ago, I couldn’t seem to find the familiar comfort that used to be in words inside a book… na kahit ilang libro pa ang basahin at matapos ko’y wala pa ring kayang humigit sa nakapanlulumong damdaming lumiligid sa akin, at ayaw akong lubayan. Kung minsan, habang nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa’y bigla-bigla ko iyong mararamdaman. Hanggang sa hindi ko na kayang magpatuloy sa ginagawa, dahil kahit ilang ulit kong basahin ang nakasulat ay wala nang pumapasok sa isip ko. It was like sudden attacks whenever I wasn’t ready. Whenever I least expected it. Whenever I’d started to think that I already forgot it all. Tila isang mabigat na babala at paalala. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang sa wakas ay makapag-shower ako at mapag-isa sa kwarto. Nang kinuha ko ang kasalukuyang librong binabasa mula sa study table ay sandali akong natigilan. My eyes lingered on the bookmark like it was the first time I was seeing it despite it being here for years. Binuklat ko ang libro at kinuha ang nakaipit na bookmark dito. And while I stared blankly at the shabby edges of it, faint random memories from the past years flashed like a playback before my eyes. “Alvarez? Huh? Ikaw ‘yung Rai Arkin? Huuuh? You’re a girl? Teka—ano? Bakit? Paano?” Really? This guy right here is an absolute, “Airhead.” Did he really not know me? I was in the middle of thinking angry retorts when I heard him laughed heartily. “I’ll prefer it if you call me Toby though.” A big smile cleared up the feighned confusion on his expression. “Toby Lorenzo.” Aaminin ko, knowing this bloke since elementary and learning that he only recognized me until this day had somewhat left a bruise on my ego. “Lorenzo.” I nodded with a tone of dismissal acknowledgement and slight disappointment. “You knew I was just messing with you, right?” I think I froze for a while. Then I blinked. And I finally gave him a flat look that made him winced with an unsure chuckle. “Lame airhead.” The thing about a start was that we could always feel it slowly happening. But some ends were a different story because we could never saw it coming. “So how’s the book? Interesting s**t huh.” Yeah. I was half way from finishing it at the time but it surely was. “Please tell me you’re not one of them, Alvarez.” You’re an airhead but please don’t be stupid. “Kung may gusto kang sabihin sa papa mo na hindi mo nasabi, I’m sure he could still hear you. He’s just around… wandering. It’s never too late to say your goodbye.” Are you… still here? “You can do it.” But I can’t… not yet. “See you at school, then?” You’ll be there like usual, wouldn’t you? I thought of crying and wondered if it’ll make me feel a little better… in the least. Ilang sandali akong tumulala sa hawak na bookmark at naghintay sa pagdating ng mga luha ngunit hindi iyon dumating. Just like that day from a year ago, the same hollow feeling was present in my gut. It felt empty and heavy at the same time. Oh, irony. When did you become my friend? Shutting the book together with the bookmark in it, I closed my eyes too. Hoping that the feeling I’d been trying to kill would end together with this dreadful day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD