5 – Lucky one

3724 Words
The month of May ended together with things left unsaid and yet another load of regret to carry—that of both I did not want to dwell anymore for its futility. Because once a start of something end, everything about it became meaningless—or so what I wanted to believe. After all, what else could we do for someone who's no longer of this world? Not a thing. We just have to continue where we left off and go on like how we always did. "Oy! Rai!" Hm? "RAI! ARKIN!" Oh, Christ. Please tell me I'm just hearing things. "RAI ARKIN ALVAREZ!" I froze on my tracks. What have I done so wrong to deserve this? "RAAAI!" "Mukha ba akong disabled at hindi makarinig?" kalmado ngunit mariin kong angil pagbungad niya patalon sa harap ko. "What's so urgent that you had to scream my name like that?" Itim na shirt sa ilalim nang bukas na long sleeve button down uniform, black jeans pamalit sa slacks, bag pack sa isang balikat at ang pulang high cut. No doubt, it was none other than the weird kid. "Oh!" He was smiling from ear to ear like an idiot he was as he slowly tilted his head to the side. Ang magulo niyang buhok ay sumasabay sa bawat maliit niyang pagkilos. "Naririnig mo pala 'ko? Ba't 'di ka lumilingon?" Lumipad ang tingin ko sa ang pabilog at itim na piercing sa kanang tainga niyang wala nang huling araw kaming nagkita—kasalungat ng kuryosidad na nanatili sa mga mata niya, ngayo'y may halo pang pagkamangha. "I'm not deaf. Ano bang kailangan mo?" simangot ko. Sa dami ng estudyanteng naglalakad papasok sa building na naro'n sa tapat namin, ramdam ko ang mga kuryosong tinging natatanggap mula sa mga ito. Wala mang pakialam sa kung anong opinyon ng mga tao'y ayaw ko rin naman nang sobra-sobrang atensyon. Lalo na kung tungkol naman sa walang katuturang bagay iyon tulad nito. Mula sa pagkakatagal ng tingin sa akin ay bumungisngis siya. "Good morning!" Sabay angat ng palad sa tapat ng mukha ko para kumaway, na animo'y hindi siya nag-eskandalo para lang sabihin ang walang kwentang bagay na 'yon. Gusto ko sanang ngumiwi sa iritasyon ngunit mas pinili kong balewalain na lang siya na parang walang narinig. Ramdam ang kaunting init sa pisngi dahil sa kahihiyan, dire-diretso akong naglakad hanggang sa makaakyat ako ng building. Binilisan ko ang paghakbang sa abot nang makakaya ko sa pag-iisip na maiwawala ko ang baliw na si Quijano. Sigurado naman akong hindi kami pareho ng klase kaya't hindi iyon susunod sa akin. I sighed in relief nang narating ko na ang bagong classroom at prente nang naupo sa nahanap na pwesto—ngunit tuluyan akong napangiwi. "Hi!" Dahil nang nakita ko siya ulit ay tila nagkalat at nagulo ang lahat. Para siyang unos na walang pasubaling gumambala sa tahimik kong buhay. Dampot ko na agad ang bag at handa nang lumipat ng upuan nang bigla siyang magsalita. "Ang babaeng may paghihinakit sa lalaking pinagpala sa lahat." Makahulugan siyang ngumisi habang humahalumbaba at maiging nakatuon sa akin ang mga mata. Humigpit ang hawak ko sa bag na nasa table nang magkatinginan kami at maudlot ang pagtayo ko. "Ano nga kasing sama ng loob mayro'n ka kay Toby?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata bago patawang nagbuga ng hangin. "'Kala mo 'di ko alam na tumakas ka no'ng program ah." The days of trying so hard to avoid this subject had been for naught thanks to this weird boy. But whatever. Maybe if I ignored him, he'll later on lose interest. Sa pangalawang pagkakataon ay binalewala ko siya at umakma na nang pag-alis nang muli na naman siyang nagsalita. Tinuro niya ako. "Ah! Tumatakas ka na naman... 'pag lumipat ka ng upuan ibig sabihin tama ako—may hinanakit ka nga talaga kay Toby," aniya sa may paghahamong tinig. Ramdam ko ang ilang kuryosong tingin ng mga kaklase ko sa amin. But my cheeks were burning with annoyance to even give a damn about what they might be thinking. Ano bang pinaglalaban ng isang ito? Hindi ba niya nakikita na wala akong interes para sumali sa mga walang katuturang bagay na hilig niya? "If you have that much time to spare, try to stick your nose on something useful, not on others business." Ngunit imbes na tumigil ay mukhang mas lalo lamang siyang nabuhayan ng loob sa pagpatol ko. It was times like this which reminded me why silence is golden. Humahalakhak at halos mapapalakpak siyang sumandal nang mabagal sa sariling upuan. Ang parehong namamangha at kuryosong mga mata'y hindi natinag sa pag-obserba sa akin. Nang sinabi niya ang sunod na mga salita'y tila ba siguradong-sigurado siya rito, "It's true unless proven otherwise. And speaking of, you went to the program but you left early on, right? Gusto mo pa bang sabihin ko kung anong ibig sabihin no'n? Kasi tingin ko alam naman nating pareho ang sagot." He was dead wrong and I wanted to argue and explain myself but I didn't. It would just be a waste of time and energy which I didn't have. Isa pa, bakit kailangan kong magpaliwanag sa kaniya? I would just let him think whatever it is he wanted to. Wala akong pakialam doon. He was just another curious hypocrite trying to make a story of his own to make someone's death interesting, tragic or whatever. Sa wakas ay nakatayo na ako at desido na talagang umalis nang dumating ang isa pang eskandaloso. "Rai!" It was a beaming Jackie, jumping in excitement while yanking me back on my seat. Wala na akong nagawa nang naupo ito sa likod ng upuan ko at nag-umpisa na sa walang humpay nitong mga kwento—tungkol sa nagdaang summer. Humugot na lang ako nang malalim na hininga at palihim na napadaing. Hinintay kong banggitin nito si Toby o alinmang tungkol sa program ngunit hindi nito ginawa. I was relieved though I wasn't really interested on her summer escapades. Tanging mga tango ang naisukli ko rito kahit hindi ko naman talaga iniintindi ang mga sinasabi nito. Nanghinayang na lang ako sa oras at enerhiyang sinasayang nito sa pagkukwento ng mga iyon. I was doing a mental face-palm then when I felt someone's eyes on me. Isang lingon at nakita ko ang naaaliw na mga mata nang pangisi-ngising baliw sa desk na nasa tabi ng akin. I threw him a sharp nonchalant look, wishing my resent to him would be known. Pero dahil may saltik ang isang ito'y isang bungisngis at dalawang peace sign ang napala ko galing sa kaniya. Pag-alingawngaw ng morning bell ay siyang pasok ng home room teacher namin at pagtahimik na rin ni Jackie pati nang iba kong kaklase. Bigong bumagsak ang mga balikat ko nang matanto ang nakagigimbal na kaguluhang sasapitin ng huling taon ko ng high school—dahil sa kagagawan ng isang weirdo. "Quijano, this isn't your class!" Napalingon ang lahat sa direksyon ng katabi ko. Kasalungat nang ginawa kong paglingon sa home room teacher namin. So far, iyon ang pinakamagandang balitang narinig ko magmula nang magkrus ang landas namin ng weirdong ito. "HA?! Hindi ba rito?" Nang magbalik ako ng tingin sa katabi'y naabutan ko siyang nakangiwi at nangangamot ng ulo ngunit patawa-tawa pa rin. Gusto ko tuloy isipin na sinadya niyang magtungo rito, para lang bulabugin ang nananahimik kong buhay. "Sa awa ng Diyos, hindi." Dumagundong ang tawanan ng buong klase sa tinuran ng teacher namin. Ang isang kaklase ko'y nagawa pang bumanat, "Matuto ka kasing magbasa, Clint! May student list sa bawat pinto!" "Hoy ano ka, umiiyak pa 'ko nung matuto akong magbasa ng abakada! Marunong akong magbasa oy!" "Sana pati umintindi!" The class roared with laughter again. "Kaawaan ka rin sana ng Diyos kahit parang mas masarap kang kutusan." Pikit ang mata at bahagyang nakayuko, inangat niyang paabot ang palad sa direksyon ng kaklase ko, animong pinagdarasal ito o ano. "Quijano! Puro ka kalokohan! Classes are starting! Go to your proper room—and try not to make any trouble on the first day of school, understood?!" anang home room teacher namin na siyang nagpatahimik sa malakas na tawanan ng klase. Ang nagbabantang mga mata nito'y sandali pang nagtagal kay Quijano. "Sir, yes, sir!" natatawang tugon niya, nakataas na ang magkabilang palad sa ere bilang pagsuko. Hindi ako sigurado kung pang ilang beses na iyong pagalit sa kaniya—but the absence of repentance on his expression told me that he'd been long used to it. Another sign that this boy brought nothing but trouble along with him. Magtataka pa ba ako kung bakit? Basta ang alam ko, kailangan ko talagang lumayo sa radar niya hangga't maaari. Peace is expensive and I wouldn't let him ruin mine. "Perez, you're late." "Up, Weirdo," tamad na untag nang kadarating lang na si Leo kay Quijano. Pagkaalis nang nag-iisang strap ng backpack na nakasukbit sa balikat ay bahagyang inihagis nito ang bag na sinalo naman ng huli. Halos marinig ko ang kuliglig sa sobrang katahimikan ng classroom dahil lang sa dumating. Pansin ang pag-ilag ng ilang kaklase namin sa presensya nito na para bang may kung ano itong dalang bagay na mapanganib o ano. "Uh, sorry I'm late?" kibit-balikat nito sa nagtagal na tingin ng home room teacher namin sa kaniya. He said sorry but didn't look apologetic at all. "Up, up!" Patalong tumayo si Quijano pagkalapag niya ng bag ni Leo sa silya. Walang pakialam namang inokupa ng huli ang upuang 'yon na nasa tabi ng akin. "Quijano, bakit narito ka pa? Keep going! At ayusin mo nga 'yang uniform mo!" "And away!" uyam niya at saka umakma nang pag-alis. Huminto siya sandali at nang bumagsak muli sa akin ang tingin niya'y mabilis akong nagpatay-malisya. I was thinking of ways on how to ward off weird people. Ah. There goes my next read. "Bye!" Ni sulyap ay hindi ko ginawa hanggang sa tuluyan siyang makalabas. Sa kalagitnaan nang pagsasalita ng home room teacher namin at mga daing ng mga kaklase ko, wala sa sarili akong lumingon sa bintana, doon sa tahimik na hallway. Tumagal ang tingin ko roon na animo'y ano mang oras ay mayroong magbabago ro'n. And just when my mind was starting to wander off, nakita ko ang pagdungaw ng ulo nang weirdong si Quijano mula sa bintana. Great, so he was still there? Talagang gulo ang hanap ng isang ito. Why even come to school? After scanning the room, huminto sa akin ang mga mata niya. And honestly, if this kid was my friend, I'd give him a friendly advice to just drop out of school and stop wasting his parents' hard earned money. He would be no trouble with the latter, his schoolmates and especially with his teachers. But never mind because we aren't friends and his whereabouts are not on my list of concern. At bakit ko pa nga ba iniisip ito? He gestured a 'shh' sign at me as if I had all the time and care in the world to spare for his mischief. Matapos siyang tapunan nang blangkong tingin at hayaan sa mga desisyon niya sa buhay, nakinig na lamang ako nang nakababagot na lecture. Dull was more interesting than trouble—at least for me. Wala na ang weirdo nang muli akong sumulyap sa hallway makalipas ang ilang minuto. Bumuntonghininga ako sa relief. "What are you looking at?" bagot na usisa ni Leo. "Wala." Mula sa pagsulyap sa hallway ay nagbalik siya ng tingin sa akin. Aninag ko ang pagkakatagal n'on kaya muli akong nagsalita habang nakapako ang mga mata sa sariling libro. "Ano?" I heard him laugh under his breath. "Alam mo, akmang-akma talaga 'yang mukha mo sa first day ng klase." Kumunot nang bahagya ang noo ko sa narinig. Nagbibiro yata siya. Ang tanong ay kung saang parte n'on ang nakakatawa. Pagkaangat ng tingin sa kaniya'y naabutan ko siyang mapang-asar na nakangisi. Ah. May hindi na naman nakakatuwang iniisip ang ungas. "See?" He gestured on my nonchalant expression with a stifled laugh. "Nakakawalang gana!" Halos mapangiwi ako ro'n. Ngunit imbes na magpatalo ay gumanti ako ng banat gamit ang karaniwan kong tono. "Ah talaga? Akala ko nakakapikon, parang 'yung sa 'yo." I heard a snort behind me. Agad naglaho ang ngisi niya at napalitan ng ngiwi. Parang gusto pa nga akong kutusan kung wala lang kaming klase. I grinned to myself. Mang-aasar-asar ka, pikon ka naman. The first day of class went on. I breathe in the sultry June air as I made my way to the gym for our next period. Nang maubos ang hilera ng mga kaklase kong papasok sa loob ay naiwan akong nakatayo sa harap nang b****a niyon. Ang mga mata ko'y hindi sinasadyang bumagsak sa daang naroon sa malayong gilid ng gym. Saulado ko kung saan patungo ang walang damong lupang daan patungo roon. "I was told by a random student... na may nag-iinumang mga grade eleven dito sa likod ng gym... would you... mind telling me why you're here? You're... not with them, are you?" aniya sa pagitan nang paghangos. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang paligid bago nagmaniobra sa direksyon ko. "Please tell me you're not one of them, Alvarez." Ang sunod na tinging ipinukol niya sa aki'y nagtatanong ngunit nananantiya. Tanging blangkong tingin ang isinukli ko sa kaniya. "Obviously not, Lorenzo. They already left and I'm not their escape goat." Nanatili ang parehong tingin niya sa akin, siguro'y inoobserbahan kung nagsasabi ba ako ng totoo o ano. Parang gusto kong suminghal at matawa sa pagsususpetsa niya. Ngunit hindi ko nagawa dahil sa panghihinang nararamdaman. I tore away from our gaze instead. Maniwala man siya o hindi ay wala akong pakialam. Aalis din ang isang ito 'pag napagtanto niyang wala siyang mapapala rito lalo na sa 'kin. I don't need to mind him dahil narito ako dahil gusto kong mapag-isa at tumulala sa kawalan. At iyon nga ang ginawa ko. Few seconds later, I found myself swimming in deep thoughts again. Binalewala ko lamang ang maingay at mabigat na buntonghiningang narinig. Mula sa peripheral vision ko'y naaninag ko ang paghakbang niyang palapit. Nanatili akong tulala hanggang sa maupo siya sa malaking batong katabi nang inuupuan ko. Hindi na siya nagtanong. I take that he believed what I said. Pero kung bakit narito pa rin siya'y hindi ko alam. Ilang minuto kaming natahimik doon. Sabay naming pinakinggan ang pagsayaw ng mga dahon sa puno gawa nang malakas na hangin. The silence between us wasn't awkward at all. If anything, it was calming and almost comforting. Despite being with this stranger—Toby Lorenzo, the student council president. Suminghap ako at dahan-dahang nagbuga ng hangin. 'Stranger'. We'd known each other since I could remember but we were a complete stranger with one another. Gaano kaya nakakaawa ang hitsura ko ngayon para manatili siya rito? 'Wag niyang sabihing may balak din siyang kausapin ako dahil sa nangyari? If so, he could just pull that one liner thing like a birthday or a holiday greeting—which everyone did in the past few days—like it only happened yesterday and not a month ago. Nang matapos magdaan ang isa pang malakas na hangin ay saka lamang siya muling nagsalita. "Alam mo, no'ng namatay ang lolo ko, sabi ni Daddy sa 'kin nagsi-stay pa raw ng forty days sa mundo ang kaluluwa ng mga tao pagkamatay nila... para sa isang bata, syempre nakakatakot 'yon. Baka kasi biglang magpakita sa 'kin si Lolo, paboritong apo pa naman ako no'n—wala siyang choice kasi ako lang ang apo niya. Ayon na nga, madalas kasi akong managinip noon na umiihi ako sa cr. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit. Basta magigising na lang ako nang basa na 'yung pyjama ko. Literal na wet dream." Sapo niya ang batok nang mahinang tumawa bago ako nilingon. Hindi ako gumalaw para lingunin siyang pabalik. Pilit kong iniisip kung ano ang koneksyon nang sinabi niya sa sitwasyong dapat ay inabutan niya rito. Wala akong planong magtanong pero dinugtungan niya ang sinabi. His voice turned soft and almost a whisper then. "Do not stand at my grave and weep, I am not there, I do not sleep. I am a thousand winds that blow. I am the diamond glint on snow. I am the sunlight on ripened grain. I am the gentle autumn rain." Hindi ko inasahan ang barang namuo sa lalamunan. It was a famous bereavement poem by Mary Elizabeth Frye—gusto ko sanang sabihin ngunit hindi ako nakapagsalita dahil sa biglang pagbigat ng dibdib. I was wondering how you could feel so much sometimes that it just makes you quiet. That talking became exhausting. "Just like what my father and Mary Elizabeth are trying to say, kung may gusto kang sabihin sa papa mo na hindi mo nasabi, I'm sure he could still hear you. He's just around... wandering. It's never too late to say your goodbye." Our eyes met in an instant as I finally turned to look at him. I held his gaze, trying to give myself reasons. But the more I looked at him, the clearer I see the sincerity from his lenient eyes. And for the last few days, it was the warmest thing I felt from the cold truth of my father's death. It was consoling as if it was gradually putting my crumbling soul at ease. But to be comforted that way at a time like this felt kind of terrifying. I didn't like it so I had to look away while slightly giving my head a light shake. I didn't want anybody's comfort. I could do this on my own. "No one's grieving here." "Is that too much basal tears, then?" Hinanap niya ang mga mata ko't inobserbahan nang maigi ang kung anong naroon sa pisngi ko. Mas lalo akong nag-iwas ng tingin. "Its reflex tears..." I corrected. "The sight of you hurt my eyes. Would you mind staying away from here?" patay ang emosyon sa mukha ko nang sinabi ko iyon. Kasabay n'on ang pagpalis ko ng luha sa pisnging ni hindi ko namalayang tumulo. There was a hollow space inside of me, as if a big part of it was missing. It didn't hurt. It just felt empty. And it was turning me numb... so I'm wondering where could these tears come from? "I heard about what happened to your dad, Rai. I'm so sorry for your loss..." Natigilan at bahagya akong natulala dahil sa malumanay niyang boses. Ang buong akala ko'y umalis na siya dahil sa sinabi ko pero narito pa rin siya. Bakit narito pa rin siya? "Your dad was such an honourable man and I bet he was a cool dad as well. Naalala ko pa no'ng pinangarap ko dati na maging army dahil sa kaniya..." He smiled. "You're one lucky kid to have such an amazing father." Inabutan niya ako ng panyo habang nanatiling nakatuon ang tingin niya sa mga punong nasa harap namin. Gusto ko mang umalma at ipagtabuyan siyang muli ay hindi ko na napigilan ang tuluyang pagtulo ng mga luha ko. Sunod-sunod iyon at parang hindi na matatapos pa. Lucky? How was I considered lucky if my luck had been taken away from me? I had to look away as a sour taste seized my mouth. And while entering the gym, I felt a faint sting somewhere inside me. "Ano nga kasing sama ng loob mayro'n ka kay Toby?" Mapait akong napangiti. "What's the point?" I mentally face-palmed upon hearing the bell, indicating that the afternoon class had ended. And if I was being honest, wala na akong naintindihan sa mga sumunod na klase magmula ng physical ed. After I recalled that... Tiim-bagang akong pumikit nang mariin at sandaling tumigil sa pag-aayos ng mga gamit. What crap is this? I thought I'd come to terms with myself to not think about pointless things? It had already been weeks since Lorenzo died—two weeks to be exact. Isn't that enough time to cope up? How long did I need to wait until recalling his memories wouldn't leave me feeling like... like I should've done something? Like there was something, somewhere in me, seeking for redemption? As if that would make any difference with what had been happening! I could feel a tinge of resent seeping within me and I had no idea where it was coming from. Para akong nadaya. Like something wasn't fair. "Rai? Okay ka lang?" Para akong hinila pabalik sa reyalidad pagkarinig sa nag-aalalang boses ni Jackie sa malapit. My eyes instinctively flew open. "Una na 'ko," wala sa sariling untag ko bago hinablot ang bag at dire-diretsong lumabas ng classroom. Naririnig ko pa ang mga daing ni Jackie ngunit hindi na ako lumingon. The urge to be alone in my room was tempting enough to make me stride faster than I normally did. I was then running when I saw a pair of feet walking languidly beside me. "You call this running?" Nakasuksok ang magkabila niyang kamay sa bulsa nang suot na slacks nang masulyapan ko ang panginginig ng mga balikat niya dahil sa pagtawa. Huminga ako nang malalim. Imbes na patulan siya'y mas binilisan ko na lamang ang pagtakbo. Ngunit tanging iritasyon lang ang napala ko nang makitang bahagya lamang niyang binilisan ang paghakbang para makasabay. "Imagine being chased by a dog with that pace? You are f*****g done for!" patuloy na pang-aasar pa rin niya habang humahalakhak. "No one asked for your lame ideas, Leo," bahagyang hingal kong angil. "Ano ba kasing tinatakbuhan mo? What are you so scared about that you had to run as if you are one for running?" Wala akong tinatakbuhan. Gusto ko lang na makauwi agad—gusto ko sanang sabihin pero para saan? Bakit kailangan kong magpaliwanag? "Mukha kang tangang tumakbo, alam mo ba 'yon?" Tinawanan niya ako ulit, walang kasawaan. Hinayaan ko lamang siya at hindi na pinansin dahil pagod na ako. At wala na akong sapat na enerhiya para sayangin pa sa pagpatol sa kaniya. "Also, you know well enough too that you can't outrun whatever it is, do you?" I know. But like I said, I wasn't running away from anything. After all, how could anyone ever outrun their own feelings? Even so, I kept running. For it was one thing I could do aside from letting things run circles in my mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD