DRAKE OLIVER “Kasama ba doon ang pagmamahal mo sa akin?” Tanong ko sa kanya pero ito rin ang tanong na ayaw kong marinig ng sagot. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita kaya ako na lang ang kusang nag-isip ng sagot niya sa akin. Silence means yes kaya nasaktan ako. Hindi ko kayang tanggapin ng ganun-ganun na lang ang lahat. Na sa loob ng dalawang taon ay hindi na niya ako mahal. “Noong hiniling mo na gusto mong umalis, pinayagan kita. Dahil alam ko na babalikan mo ako. Dahil alam ko na mahal mo ako at gusto mo lang lumayo dahil nasaktan kita. Kaya kitang hintayin pero bakit? Bakit sa pagbabalik mo ay ito ang hinihiling mo sa akin? Ayaw mo bang maging buo ang pamilya natin? Ayaw mo ba na bigyan ng isang buo at masayang pamilya si Adam.” umiiyak na tanong ko sa kanya. Wal

