CARMELA Nagulat ako dahil may biglang yumakap sa akin. Si Oliver pala ito kaya naman yumuko ako dahil ayaw kong makita ang mga mata niya sa salamin. “Mi vida, look at me.” utos niya sa akin. “I can’t,” naiiyak na sagot ko sa kanya. “Huwag kang mag-isip ng kahit ano. Kasi tanggap kita at gagawin ko ang lahat. Para lang bumalik sa dati ang mukha mo.” sabi niya sa akin. Umangat ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. “Hindi ko na kayang makita ang mukha ko. Lalo na kapag naalala ko ang nangyari kay Venus ay hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko.” umiiyak na sagot ko sa kanya. “Nasaan si Venus?” “Patay na siya, namatay siya dahil niligtas niya ako.” sagot ko sa kanya. “Ano ba ang talagang nangyari? Puwede mo bang ikwento sa akin?” malumanay na tanong niya sa akin. “Kasi noong umalis

